Mundo kong tinalikuran ako
Hindi inaasahang mapindot ang isang kanta sa playlist ko.
Sa pagkakataong 'yon parang tumigil ang mundo ko.
Hindi alam na sa iisang kanta ay maghahalo-halo ang emosyon sa puso ko.
Sa dinami-dami naman kasing kanta sa playlist ko ay ito pang kantang tayo mismo ang bumuo.
Isa itong kanta na nagpaalala ng ikaw at ako;
Ng dating tayo.
Makikinig lang sana ng kanta para talikuran ang mundo.
Pero itong kanta ito ay ipinaalala ang mundo kong tinalikuran ako.
-PINKEYT
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula na isinulat sa mga tala Sa madilim na gabi titingala Mamamasdan ang mga salita Salitang pupunas sa mga luha. yay!