TWENTY TWO

23 5 3
                                    


Pasensya na

Nag-uumpisa na ang kantahan

Peeo hindi tayo makasabay.

Paano ba naman,

Tibok ng puso nati'y hindi na rin masabayan.

Pasensya ka na ha.

Hindi ko sinasadya.

Hindi natin sinasadya.

Hindi gustong mahulog sa iba.

Siguro hindi tayo para sa isa't isa.

Nalito lang tayo.

Naguluhan lang tayo.

Hindi ako yung mahal mo kundi yung kaibigan ko.

Nakita ko yan sa mga mata mo.

Nalito ka dahil ako ang laging nand'yan sa tabi mo.

Pasensya kana.

Pero nalito din ako eh.

Mahal ko pala yung pinsan mo.

Hindi ko inakala.

Hindi natin sinasadya.

Nasanay lang tayo sa presensya ng bawat isa.

Kaya siguro akala natin na tayo ay sa isa't isa.

Pasensya na.

-PINKEYT

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now