TWENTY NINE

18 5 3
                                    

Siguro

Para akong tuod kapag kasama ka
Pasensya na kinakabahan lang siguro ako.

Hindi naman ako tahimik at mas lalo namang hindi ako pipi.
Sadyang napakaduwag ko pagdating sayo.

Hindi naman ako ganito sa ibang tao.
Pero sayo... siguro ganto talaga pag may gusto ka sa isang tao no?

Pero hindi ako susuko sayo.
Hindi ako susuko hanggat walang "tayo".

Pero siguro saka na, kapag naipon ko na lahat ng tapang ko.
Saka na kapag handa na akong magtapat sayo.

Pero sa ngayon, titipunin ko muna ang pag mamahal ko sayo.

Pero hayaan mo, darating din ang araw isisigaw ko sa mundo na ikaw ang mahal ko.

-PINKEYT

Mga Tula sa TalaWhere stories live. Discover now