Isang Gabi
Isang gabi bigla kang nagtapat,
Napakasaya ko, hindi masukat.Isang gabi bigla mo akong hinagkan,
Pagmamahal mo'y aking naramdaman.Isang gabi mga labi nati'y naglapat.
Pakiramdam ko nawala ang lahat.Isang gabi hindi ka na masilayan.
Pilit kang hinanap sa paboritong tagpuan.
Ngunit maraming gabi ang lumisan
Hindi parin kita matagpuan.
Ang daya mo mahal bigla ka nalang nang-iwan nang hindi tinatanong kung puso ko'y anong laman.-PINKEYT
YOU ARE READING
Mga Tula sa Tala
PoetryTula na isinulat sa mga tala Sa madilim na gabi titingala Mamamasdan ang mga salita Salitang pupunas sa mga luha. yay!