Chapter Two ♕

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ivo!”

Binaba ni Pam ang kanyang kamao at napayuko nalang. Narinig niyang naglabas ng mahinang tawa ang nagngangalang Ivo bago naglakad papunta sa kanyang likuran.

Nilingon ni Pam sina Ivo at Prof. Mon. Masayang nag-uusap ang dalawa na para bang matagal na silang magkakila. Twenty-five years old na si Prof. Mon pero napaka baby-faced nito kaya halos magkapariho lang sila ng edad kung pagmamasdan.

Naikuyom ni Pam ang kanyang mga palad dahil hindi man lang niya nabigyan ng aral ang walang habas nitong bibig.

May araw ka rin sa akin!” Pagbabanta niya sa isipan.

Pinulot ni Pam ang putikang libro at pumasok na sa AB building. First subject niya ang tinuturo ni Prof. Mon at dahil nakikipag-usap pa ito kay Ivo ay alam niyang mali-late ito sa klase. Tinungo muna niya ang palikuran upang ayosin ang sarili. Hindi niya kayang tanggapin pero nakikita niya ang sarili sa salamin.

Ibinato ni Pam ang kanyang kagamitan pati na ang bagpack na may lamang uniform para sa pangalawa niyang part-time. Hinilamosan niya ang nagmamatikang mukha at ilang beses na inulit ang prosesong ito hanggang sa manghapdi ang mga mata at mukha niya.

“Bwesit! May araw ka rin sa ‘kin!” sabi niya sa harap ng salamin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay ngayon lang siya naging conscious sa sarili. Naalala niya ang sinabi ni Ivo.

“…Yang malapad mong balikat at mabatong braso ang nakaharang sa dinadaanan ko.”

 

Sinuri niya ang parteng kinutya ni Ivo sa salamin. Hindi naman malapad ang balikat ko ah! Tinaas niya ang kanyang braso at hinila pataas ang manggas ng puting v-neck t-shirt.

Tsk!

Iyon lang ang naging reaksyon ni Pam dahil nakomperma niyang mabato nga ang kanyang braso. Siya kasi ang nag-iigib ng tubig sa poso sa tuwing naglalabada ang ina. Maliliit pa kasi ang kanyang dalawang nakababatang kapatid kaya siya lang talaga ang maasahan.

“…Hoy babaeng split-ends!” biglang umulit sa isipan ni Pam.

Tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok at sinuri ang dulo ng mahabang buhok. “Tsk! Bwesit!” Walang naging ibang reaksyon si Pam dahil sa pangalawang pagkakataon ay tama na naman si Ivo.

Naiinis man ay walang magawa si Pam para ayosin ang mga pinintas ni Ivo sa kanya. Kahit gustohin man ay wala siyang budget para sa mga ito. Tiningnan niya ang kanyang relo na nasa pulsuhan at malapit na siyang lumagpas sa allowable ‘late’ per subject. Tiningnan niya ulit ang sarili sa salamin at nagpasyang hindi nalang bigyan ng pansin ang nangyari kanina dahil hindi naman sila magkikitang muli.

***

The Billionaire Prince ♕ (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon