Kabanata 5

161 6 0
                                    

"Ang corny na natin Carlos", sabay tawa ni Light. Natawa na lang din naman ako, ang corny talaga namin, hindi ko inaasahan na magiging ganito kami ka-corny.

"Oo nga eh", sabay kamot sa aking batok. Ngumiti na lang siya bilang sagot.

"Tara na nga, kailangan pa nating mag-ready para sa kasal ni ate Karen, excited na excited na ako para sakaniya", sabi niya at nagsimula na nga kaming bumaba. Maya-maya ay ibinigay na nga saakin ni Light yung invitation para sa kasal at napagdesisyunan niya na rin na umuwi kasama si Shania. Huminga na lang ako ng maluwag.

Okey. Kasal ni ate Karen bukas, since na pink yung kulay ng envelope ay alam kong pink na ang theme ng kasal niya. The typical theme for a wedding. Kailangan kong maging presentable bukas, bibili talaga ako ng bagong polo para naman sobrang gwapo akong tingnan. Pero alam kong gwapo na talaga ako, gusto ko lang na madagdagan pa ang pogi points ko.

Agad na akong umuwi at kumain ng almasul, syempre kailangan mong ma-maintain ang ka-macho-han ko para naman kapag napakapit si Light saakin sa oras na madulas siya ay mapapa-olala na lang siya dahil nakahawak siya ng artistahin na katawan.

"Oh, bakit parang nagmamadali ka ata 'nak? May pupuntahan ka ba?", narinig kong tanong saakin ni tatay habang sinisimsim ang kaniyang napaka-init na kape. Kopiko blanca pa 'yan ah, may pa Marian Rivera effect pa 'yan.

"Pupunta po ako sa mall kasama yung mga kaibigan ko. May bibilihin lang ako tay. Imbitado kasi ako sa kasal ni ate Karen bukas"

"Ate Karen? Sino 'yan", tanong naman saakin ni nanay.

"Yung choir member po nay sa simbahan. Syempre kailangan kong maging presentable bukas, andun yung nililigawan ko eh", nakangiti kong sabi sakanila. Natawa na lang sina nanay at tatay, ito talaga yung gusto ko sa pamilya ko...palagi nila akong sinusuportahan sa mga bagay na gusto ko.

"Aba. Mana ka talaga saakin Carlos, ganiyan na ganiyan din ako nung ako'y bata pa. Andaming naghahabol na babae saakin noon at palagi pa nga akong MVP noon eh, kahit tanungin mo pa ang nanay mo. Laging sumisigaw 'yan sa tuwing nakaka-shoot ako, talo pa ang sigaw ng mga cheer ng ibang babae", sabay tawa. Inirapan na lang siya ni nanay. Hay nako, ganito talaga sila lagi, parang mga teenagers na laging nag-aaway, talo pa ata nila sina ate at yung boyfriend niya.

Natapos na rin ako sa pag-kain at inayos ang sarili ko. Ni-text ko na rin sina John, Kenji at Ryan na samahan nila ako sa mall at pumayag naman sila. Mag-chi-chix hunting din daw kasi sila, mga fuckboy talaga 'tong mga lalaki na'to. Dapat tularan nila ako eh, sobrang bait ko kaya.

Pinag-iisipan ko kung ano ba ang sasaktan namin pero mas napaisip ako dahil narealize ko na hindi naman ako katulad ng mga ibang wattpad characters diyan na maraming kotse kaya magji-jeep na lang ako.

Napagdesisyunan namin na magkita-kita na lang sa mall para mas mabilis kaming makatapos, ayoko kasing maabutan ng gabi, kailangan kong matulog ng maaga para sa beauty rest ko, este handsome and manly rest pala. Para naman blooming ako bukas at mas gwapo pa akong tingnan keysa sa groom.

Pakalipas ng kalahating oras ay sa wakas, nakarating na rin ako sa sm. Nagkita-kita kami sa food court at nakita ko na nga sina John, Kenji at Ryan na kumakain ng pizza.

"Oh, ayan pala si Carlos eh, ang loverboy ng bicol!", peste rin 'tong Kenji na'to eh, pinagtitinginan tuloy ng mga tao ang gwapo kong mukha.

Simbang Landi (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon