Kabanata 2

415 9 2
                                    

"Oh? Maaga ka 'ata ngayon, Carlos? Anong nangyari sa'yo? May nakain ka ba?" tanong sa akin ni Nanay no'ng lumabas na siya sa kwarto niya. Ngumiti naman ako nang napakalawak at tiningnan siya. This is it! Bulok na pansit! Babaeng punit!

"In love na ako, Nay."

Tulala lang na nakatingin sa akin si Nanay na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. So mean!

"Anak... masaya ako para sa'yo." Sabay yakap sa maskulado kong katawan na mas nakakalaway pa ngayon dahil naligo na talaga ako. Kumalas na rin naman si Nanay sa yakap at tinapik ang balikat ko.

"Magiging masaya ang tatay mo para sa'yo. Ipakilala mo siya sa amin ha? Busy pa kasi ang tatay mo sa mga kapatid mong manok," sabi niya at umirap pa. Umiling naman ako at ngumiti na lang, nagpapasalamat talaga ako dahil may pamilya akong ganito. Simple lang ang pamumuhay namin, hindi kami sobrang yaman pero hindi naman kami sobrang hirap, katamtaman lang kaya gagawin ko talaga ang lahat para makapagtapos ako sa pag-aaral. Manyak man ako sa inyong paningin, ako ay tao pa rin na sobrang gwapo at may pangarap din.

At pangarap ko rin na makasama at makilala pa si Light. Alam kong sa unang tingin ko pa lang sa kaniya ay may naramdaman na akong kakaiba. Na para bang alam ko na siya talaga ang makakapagbago sa ugali ko. Sheeet! Ang corny ko na!

"Nagpadala ang Ate mo galing abroad, oh ito...pangdate mo. Ligawan mo na ha? Gwapo ka anak kaya sigurado akong sasagutin ka ng babae na 'yon. Mabuti na nga lang at nagmana ang mukha niyo ng Ate niyo sa napakaganda niyong Nanay at hindi sa Tatay mo. Dahil kung sa kaniya kayo nagmana? Jusko, mahihirapan kayong makahanap ng asawa." Natawa na lang ako dahil sa panglalait ni Nanay kay Tatay. Kung makapanglait kasi siya parang hindi niya asawa si Tatay, ang cute nilang tingnan, kasing cute ko.

Ngumiti na lang ako at tinanggap ang ibinigay sa akin ni Nanay na pera. Yes. May pang-date na kami ni Light mamaya. Dapat maging presentable ako, okay na rin naman ata 'tong suot kong white polo at maong na pantalon tsaka vans na sapatos. Class B lang na sapatos para mas tipid! Okay lang naman 'yon, kahit butas pa ang pang-ilalim ko na sando ay gwapo pa rin ako, keysa naman sa mga iba riyan na maganda nga ang suot na damit, mukha namang lugar ng gyera 'yung mukha. Oo, naggyera na mga pimples.

"Salamat po, Nay. Huwag kang mag-alala, papasagutin ko talaga si Light!" sigaw ko, tumawa naman ulit si Nanay at tinapik ang balikat ko. Nagpabango muna ako at nagpulbos para naman madagdagan pa ang kapogian ko, gusto kong maging presentable kapag nakita ako ni Light.

Nag-jacket na rin ako at ginamit ang aking bike para makapunta na sa simbahan. Excited na talaga ako, excited na akong makita ang ilaw ko at excited din akong makinig ngayon sa sermon ni Father.

Pagkarating ko sa simbahan ay itinabi ko na ang bike ko at pumasok na, natanaw ko na rin naman sina John, Kenji at Ryan sa upuan na nasa may bandang unahan, umupo na lang ako sa tabi nila.

"Hoy kayong dalawa. Bakit 'di kayo nagsimba kahapon? Hindi niyo tuloy makokompleto 'yung simbang gabi. Hindi matutupad ang mga hiling niyo, bahala kayo," pang aasar naman ni John, nakita ko naman na ngumuso 'yung dalawang mokong. Shet, nakakatakot silang ngumuso, parang mga unggoy lang eh. Nakakatakot, ang creepy.

"Eh ang lamig kaya, tsaka ang sarap ng tulog naming dalawa ni Kenji," sagot naman ni Ryan. Ngumiti naman ako nang nakakaasar. Ang sarap lang kasing asarin ng dalawang 'to, para silang mga unggoy na malapit nang umiyak.

"Habang mahimbing kayong natutulog sa mga kama niyo, nakahanap na ako ng prinsesa ko," nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa. Wala eh, tinamaan talaga ako kay Light. Gusto ko pa siyang makilala at makasama kahit matapos na ang simbang gabi. Gusto ko siyang makasama sa pagtanda ko, papatunayan ko sa kaniya na totoo ang love-at-first-sight. Susuyuin ko ang lahat ng mga malapit sa kaniya, liligawan ko rin ang mga magulang niya at kung may kapatid man siya ay susuyuin ko rin 'yon.

Simbang Landi (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon