Kabanata 1

714 16 2
                                    

"Hoy Carlos, gumising ka na riyan. Akala ko ba kokompletuhin mo ang simbang gabi ngayong taon?" Napahilamos na lang ako sa mukha ko nang narinig ko na naman ang malakas na boses ni Nanay. Pusang gala naman oh, umuulan at ang lamig pa ng panahon. Nakakatamad magsimba.

"I changed my mind, Nay. Matutulog na lang ako."

Napaupo ako bigla galing sa pagkahiga nang naramdaman kong itinapon ni Nanay sa mukha ko ang isang napakabigat na unan. Putangnang buhay 'to.

"Magsimba ka nga! Para mabawasan naman ang kasalanan mo!" sigaw niya at umalis na sa loob ng aking kwarto. Napahilamos uli ako sa aking mukha at tiningnan ang wrist watch ko na 150 pesos lang diyan sa gilid. Atleast G-shock, pekeng G-shock nga lang.

Alas tres na pala, kailangan ko nang maligo kung gusto kong matirahan ng upuan sa loob ng simbahan. Mahirap na. Ayokong mapawisan ang napakaganda kong katawan.

Uminom ako ng mainit na kape at naghubad na sa loob ng cr. Tiningnan ko naman ang napakalaking salamin na nasa loob. Tiningnan ko ang buo kong katawan, shit...siguradong maglalaway ang mga chix sa katawan kong 'to. Pinilit ko talaga si Nanay na palagyan ng malaking salamin dito sa loob para naman makita ko talaga ang napaka-hot kong katawan.

Wala e, 6 pack abs kaya saan ka pa?

Binuksan ko 'yung shower at itinapat ang kamay ko sa bumubuhos na tubig galing dito. Napasinghap naman ako at iniwas kaagad ang kamay ko na tila ba napaso ako.

"Shit ka tubig, magtutuos tayo ngayon."

° ° °

"Oh, Carlos. Upo ka na rito," tawag sa akin ni John na isa sa mga barkada ko at kasama ko na rin sa pagchichix hunting.

"Ang bilis mo ata ngayon p're?"

"May magic ako eh," sabay kindat.

Magic na ang tawag ay hindi naligo.

Oo, hindi ako naligo, natalo ako no'ng tubig. Eh ang lamig niya, wala akong laban do'n.

Ilan pang minuto ang itinagal bago napuno ng tao ang simbahan, ang dating malamig na simoy ng hangin ay naging mainit na dahil sa nakakadiring carbon dioxide ng mga tao sa paligid ko.

Oo, nakakadiri. Maarte akong lalaki eh, ba't ba?

"Tumayo na ang lahat para sa pagsimula ng banal na misa," sabi no'ng lektor na ngayon ay nasa unahan na. Tumayo na rin kami at napatingin naman ako sa may bandang likod no'ng naamoy ko 'yung mabangong usok. Nakarinig ako ng tatlong malakas na tunog ng bell at pasunod sunod pa na tunog nito na naging hudyat para magsimula nang lumakad ang mga sakristan papunta sa altar.

Ang tagal nga nilang maglakad eh, nakakaumay at nakakaantok, dagdagan mo pa ng tugtog at ng magagandang boses ng mga miyembro ng choir na nasa unahan din. Kinakanta nila 'yung 'Holy Night' , sino nga naman ang hindi maaantok d'on?

Humikab ako. Shet, ba't nga ba ako nagsimba? Demonyo kaya ako, tanginang buhay naman 'to oh, parang life lang. Hahanap na lang ako ng babaeng kita ang cleavage at legs mamaya o pwede ring nakacrop top. Uso 'yun ngayon kahit malamig, parang timang. 'Yung mga babaeng nakasuot ng pekpek shorts sa loob ng simbahan, uso rin ngayon 'yun dito eh. 'Yung mga babaeng akala mo hindi sa simbahan ang punta kundi sa bar o kaya sa pageant. 

Napatigil ako sa pag-iisip ng mga kamanyakan nang nakita ko ang isang napakagandang babae na may hawak na kandila at nakapangsakristan din na damit. Diretso lang siyang nakatingin sa altar habang naglalakad, hindi man lang siya lumilingon. Potek, gusto ko siyang tawagin at tanungin kung ano ang pangalan niya. Pero tangina naman oh...may misa pa. At bakit nga pala ako nagmumura? Nasa loob ako ng simbahan, mamaya na lang ako magmumura kapag nasa labas na ako, nakakahiya naman kasi.

Simbang Landi (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon