Chapter Twelve

32 3 0
                                        

12: TERRANCE



"Alam mo namang handa akong saluin ka. Kahit saan. Kahit kailan."



Hinimas-himas ko ang kamay ko na galing sa pagkakaposas. Unti-unti kong iniangat ang ulo ko at tinapik ang ulo ni Lemon na papaalis na sana.


Kitang-kita ko ang pangingiligid na mga luha niya sa kanyang mga mata. Lumawak naman ang ngiti niya at dumaloy na rin ang mga luhang pansin kong kanina pa niya pinipigilan.


"T-Talaga?" basag pa rin ang boses niya at patuloy sa pagpunas ng mga luhang umaagos sa muhka niya.


Kumuha naman ako ng panyo sa bulsa ko at pinahid sa kanya, "Oo naman. Ang lakas kaya ng tama ko sa'yo."


From the moment I first saw you, you were the first that made my heart skipped a beat. When your beautiful dark brown eyes met mine, nun ko lang naintindihan ang ibig sabihin ng happiness.


Hindi mo man ako kilala noon, o kaya napapansin pero tandang-tanda ko pa ang una nating tagpo.


I was a transferee dito sa academy. Freshmen pa ako nun. Bigla na lang naman kasi akong iniwan ng dalawa kong pinsan at naiwan akong parang tanga hinahanap ang classroom ko mag-isa. Hindi ko naman kasi alam pa ang mga sulok dito sa campus grounds.


Then you came.


"Nawawala ka ba?" inilayo ko ang tingin sa papel na kanina ko pa hawak at tumingin sa isang naka-ngiting dilag na nasa harap ko ngayon. "Bagong student ka siguro, no?"


Ewan ko kung ano pero parang naririnig ko na ang kabog ng puso ko. Bakit kaya?


Dahil ba sa ganda mo? O dahil sa ganda ng ngiti mo?


"Tulungan na kita." kinuha mo yung papel na hawak ko at binasa ang laman nito.


"Oh tamang-tama first year high school din ako. Ang building natin ay yung second building sa right. Second floor. Tara, sabay na tayo." tinuro mo pa ito at binalik ang papel sa akin.


Hindi ko alam kung bakit natatatameme ako at walang salita ang lumalabas sa bibig ko. I wanted to talk to you but I felt like I was frozen and stucked.


"Iba pala tayo ng seksyon, no. Sayang naman muhka ka namang mabait. Gusto pa naman kitang maging kaibigan. Well kung kailangan mo lang ako, I'll just be two classrooms away. 'Wag kang mahiya magtanong. Sige, mauuna na ako. Bye!" 


Pumasok ka na rin sa classroom mo at dumeritso na rin ako sa akin. Napalingon pa ako nun pabalik sa'yo kaya lang hindi ka na lumingon ulit. Yun na rin ang huli nating pag-uusap. Hindi na rin kita nakita pagkatapos nun. Sinusubukan kong dumaan sa classroom niyo pero kung hindi ka naman busy, hindi na kita naaabutan.


Saklap lang ano. Pero mapagbiro talaga ang tadhana minsan. Hindi ko alam kung sadyang destined talaga na mangyari yun pero I'm glad na ako nga ang pinakiusapan ng guro namin.

Simple RequestWhere stories live. Discover now