Chapter One

100 3 2
                                        

01: THE REQUEST




"Lemon!"

Gulat akong napatingin sa may pintuan ng silid namin.


Isang lalaki. Hindi ko naman siya kaklase, pero... Pa'no niya alam ang pangalan ko?


Pinapalapit niya ako sa kinatatayuan niya. Ako namang si masunurin ay sumunod din at nilapitan siya. Hindi naman siya muhkang masama. Seryoso ang muhka niya pero muhka namang mabait din naman.


Parang.


"Bakit po, ano po ang kailangan natin kuya? May problema po ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Muhkang nainis ata kasi sinimangutan lang ako at lumakad papalayo.


'Langya'ng lalaki 'yun! Pinapalapit ako tapos, aalis lang ng walang pasabi?! Sarap sipain at suntukin patungong buwan!


Babalik na sana ako sa loob pero napasin kong napahinto siya sa paglakad, napatingin siya sa kanyang gilid at napatingin pabalik sa akin at lumapit ulit.


"Ba't di ka sumunod?" hinablot niya ang wrist ko. "Psh. Gusto pa talagang magpahila."


At siya pa talaga ang may ganang mainis?!


"Aba, aba, kuya, subukan niyo kaya pong magsalita para alam ko naman ang gagawin ko?! Leche!"


Kung sipain ko kaya siya ngayon. One time lang. Nakakainis kasi eh! Kung di lang ako mabait, bugbog sirado na talaga 'to sa'kin.


Nanatili kaming tahimik at patuloy na lang ako sa paglakad samantalang hawak pa rin niya ang wrist ko. Isang hakbang lang ang agwat namin, nasa may likuran niya ako.


Napapabalik ang tingin ko sa kamay niya nakahawak sa akin, sa likuran niya, at sa mga pader na nadadaanan namin.


Sa'n ba ako dadalhin ng kumag na 'to?


Nakailang akyat na kami ng hagdan at muhkang nawawalan na ako ng hangin sa katawan ko.


Ang layo naman ng lugar na pag-uusapan namin. Ga'no ba ka importante ang sasabihin nito at muhkang patungong langit na ata kami sa kakaakyat?


"Nandito na tayo." sabi niya sabay bukas ng pintuan ng roof deck ng school building namin.


Nakatalikod pa rin siya at narinig ko pa siyang bumuntong-hininga bago niya ako hinarap.


Ngumiti ito sa akin.


Marunong din pala ngumiti ang 'sang 'to.


"Ah, bago ang lahat, pwede mo na bang bitawan ang kamay ko? Nangangawit na kasi ako, pwede?"

Simple RequestWhere stories live. Discover now