03: THE TEXT
Bago ako umuwi, inatasan ako ng "boyfriend" ko na 'wag daw patayin ang cellphone ko hanggang hatinggabi. Ewan ko ba kung bakit pero, dahil nga masunurin ako ay susundin ko na lang ang konting request niya.
Andami talaga niyang gustong ipapagawa sa akin. Kulang na lang mag request siyang pwedeng matulog katabi ka? O di kaya, pakasal tayo? Haynako! Ang tataas na talaga ng mga imaginations ko.
Hoy! Paalala lang, girlfriend lang ang nirequest sa'yo, Lemon. Wag mo ng dadagdagan pa. Ginagawa mo namang komplikado ang buhay mo.
Ngayong gabi na lang ulit ako makakatulog nang maayos pero nagising ako sa vibration ng cellphone ko malapit sa ulo ko. Sinubukan kong abutin yun at tignan kung sino ang nagtext.
Kalahating gising pa lang ako. Hinay-hinay kong binuksan ang mga mata ko. Kinukusot ko pa ito para magising talaga ako. Umayos ako ng upo sa kama. Humihikab at nag-uunat pa ng mga kamay. Tsaka ko tinignan kung sino ang bumagabag sa mahimbing kong tulog.
12 ng midnight pa lang at may nang-iistorbo na. Sino ba itong siraulo na ito at gising pa sa ganitong oras?!
Galing kay Terrance.
Oo nga naman. Siya lang naman kasi ang gagong bumabagabag sa simple at tahimik kong buhay. Bwisit talaga! Paano ba niya ako napa-oo?!
Binuksan ko na lang ang message niya at baka may gusto nanaman itong irequest sa akin.
FROM: ANNOY-ANCE >_<
TIME: 12:00 AM
'Good morning, Lemon!'
Ginising niya ako ng hatinggabi para lang mag-good morning?! Langya naman ang gagong 'to, sarap sapakin!
FROM: ANNOY-ANCE >_<
TIME: 12:05 AM
'Gising ka na ba?'
Oo! Dahil sa pangbubulabog mo sa mahimbing kong tulog!
FROM: ANNOY-ANCE >_<
TIME: 12:08 AM
'Pasensya na kung makulit ako. Masaya lang kasi ako kasi 'di pa rin ako makapaniwalang pumayag ka. I've never dreamed of imagining na darating ang araw na 'to. Makasama lang kita at mapasaya swak na ako dun. Kaya paulit-ulit ako magpapasalamat. Alam kong, medyo naninibago ka pa pero pangako ko sa'yo hinding-hindi ka magsisisi. At saka,
...I love you.'
Hindi ko alam pero para akong nakuryente sa sinabi niya. Tila ginising niya ang natutulog kong kaluluwa. Hindi na rin ako nakabalik ng tulog sa kakatitig sa morning text niya.
YOU ARE READING
Simple Request
Teen FictionOne simple request that turned into a complicated situation that lead into an unusual lovestory.
