Chapter Two

62 2 2
                                        

02: THE ANSWER



"Will you be my girlfriend?" 


Pagtatanong niya sa akin ng pangalawang beses nang hindi ko siya sinagot nung una.


Ang totoo, hindi sa hindi ko siya sinagot kun'di talagang hindi ko siya masagot. Ano bang isasagot ko?


I was speechless.


Nga-nga. Wala talaga.


"Even just for a day." dagdag pa niya.


Medyo nagloloading pa ang utak ko sa mga sinasabi niya. Pinoprocess nang mabuti at inintindi ang bawat salita na binibitawan niya ngayon sa harap ko.


Girlfriend for a day?!


Nakatingin pa rin siya sa akin, nakangiti, still waiting patiently, expecting a reply or something.


"Pinagtitripan mo ba ako?!" sigaw ko nang mag-sink in lahat ng sinabi niya sa akin ngayon.


"Girlfriend for a day?! Sinong niloloko mo?!" mabuti na lang at nandito kami ngayon sa roof deck at walang makakarinig sa akin. Di ko na mapigilang sumigaw at lakasan ang boses ko.


"Ano bang nakain mo't ang lakas mong mantrip?! At ako pa talaga ang napili mong pagtripan ah!" galit at inis na ang namumuo sa akin ngayon.  "Ano 'to lakas lang maka-Wattpad?!"


"Huh?"


"May sakit ka ba? May taning na ang buhay mo? Sino kailangan natin pagselosin? O baka gusto mo lang may iharap na girlfriend sa harap ng parents mo kasi ayaw mo sa inirereto nila sa'yo? Alin dun sa mga yun ang totoong dahilan mo?"


Nakatikom na ang isa kong kamay habang hinihintay ang sagot niya.


Girlfriend for a day?! Nakngcupcake! Ano 'yun?! At ganung motif pa talaga ang gusto niyang setup?!


Pwede namang ibahin na lang niya ang request niya, di ba? Madali naman akong kausap ah.


Ba't sa lahat-lahat pa ng naisip niya, eh yun pa?! At anong ikina-simple nun, eh ang hirap kaya ng ipinapagawa niya.


Kung di lang ako mabait, inihampas ko na itong ibinigay niyang cupcake sa muhka niya.


"Ha? W-Wala. Wala dun sa lahat." sagot niya sa akin.


Yeah, right.


I rolled my eyes, not convinced with his answer.


"I... You... I like you, okay." he said in surrender. 


Simple RequestWhere stories live. Discover now