Chapter 7.1: Date *White Knight*

Start from the beginning
                                    

"HALAAA, Hindi mo 'ko love Ms. Author? T___T" -Yanna

"Aish, Ang Epal niyong dalawa. Kita niyong nagse-senti ako dito 'eh. Ms. Author, magsulat ka na nga lang at ikaw Nana, makinig ka nga kay Sir." -Ako

***

"Nana, Paki-sabi kay Chiro na hindi ako sasabay sa kanya" With matching Peace sign.

"Ako pa talaga noh? Baka suntukin ako bigla ng mala-yelo mong asawa. Tsk. Kung 'di lang talaga kita bestfriend eeeehh"-Yanna

"Hihihi, I love you talaga Nana! Wag kang mag-alala, ise-set up ko kayo ng date ni Kuya Gab" Pang-asar ko. Bwahahahahaha!

"Che! Sabihin ko kaya kay Chiro ang tungkol sa inyo ni Kiel?" -Yanna

"Joke lang Nana, Alam mo? Ang Ganda mo ngayon. Hahaha! Sige na Best, Naghihintay ang White Prince ko sa aming meeting place" -Ako

Dali-Dali akong lumabas ng campus at pumara ng jeep. Saan kami magkikita? Sa Waiting Shed! ^O^ 

"Para po!" Tapos bumaba na ako ng Jeep. Lakad-Lakad. 

Wahihihi, natatanaw ko na ang nakakasilaw niyang ka-gwapuhan. Naka-sandal siya sa kotse niya. Pa-gwapo talaga kahit kailan. Kapag ako 'di nakapag-pigil baka sunggaban ko na 'to. 

Okaaaay, Tama na yan Ayumi. Lapitan mo na at sayang ang oras. "Kiel!" Bati ko sa kanya.

Pagkatingin niya sakin, napangiti siya. Omo, Tunaw na ako. Charot. Pero teka, asan na yung pasa? Wala na agad? "May dumi ba sa mukha ko?" Tanong sakin ni Kiel.

"Ah-- Wala. Haha! Ang Gwapo mo kasi 'eh, di nakakasawang titigan." 

"Naks, Dumadamove. Pa-kiss nga ako" Tapos binigyan niya ako ng smack sa lips. 

Pinagbukas niya ako ng pinto. Syempre kotse niya. Hahaha! Tapos umupo na siya sa likod ng manibela. Duh, alangan namang sa harap diba? Ano yun nasa hood siya ng kotse? Okay, Ingay ko. 

"Saan tayo?" Tanong niya sakin.

"Hmm... Gusto ko dun sa pinuntahan natin dati na may Bungee Jumping!" Gusto ko talagang ma-try yun. Sabi kasi ni Kuya Gab, masaya daw yun. Noong pumunta kasi kami dati doon, bawal pa ako. 

"Ha? Eh diba takot ka sa heights?" -Kiel

"Dali na, Pleaseeeeeee?" Nag-pout ako with matching beautiful eyes. Hahaha! 

*Tsup* Hinalikan niya ako. Smack lang naman ^____^


"Pout ka ng Pout eh, sarap halikan. Sige, doon tayo." -Kiel

Isa pa kayang pout? Wahihihi, Tama na nga. 

***

"A-Ano K-Kiel, Uwi nalang kaya tayo?" Aya ko sa kanya nang makita ko kung gaano kataas yung tatalunan namin. Putakte, Wala naman kasing nagsabi na 100ft ang tatalunin namin. T.T 

"Hindi pwede Yumi, Nakasuot na nga tayo ng gear eh. Ngayon ka pa ba aatras?" -Kiel

Nakakalula ang taas. @_____@ Pakiramdam ko hindi na ako makakauwi ng buhay.

Biglang hinawakan ni Kiel yung kamay ko at hinalikan. "Hindi naman kita pababayaan" 

At dahil sa tulala ako sa pagka-sweet niya, 'di ko namalayang niyakap niya pala ako at sinama sa pagtalon niya. "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! TULOOOOOONG!" Malakas kong sigaw.

"MAHAL KITA AYUMIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!" Kahit natatakot ako ng mga panahon na yun, kinilig parin ako sa ginawa niya :"""> Omo, Landi mode.

Alam mo yung nasa pagitan na ako ng buhay at kamatayan tapos nagawa ko pang kiligin? 

Pagkababa namin ng Ride, Deretcho banyo ako. Blugh, Pakiramdam ko iniluwal ko lahat ng kinain ko simula nung pinanganak ako. Grabe, hindi na ulit ako babalik sa lugar na 'to. 

*FLUUUUUUUUUSSHHHH* Tumayo na ako at naghugas ng kamay at nagmumog. Nilabas ko rin yung breath mints ko at kumain ng isa. Hindi masarap halikan ang maasim ang bibig noh. Yucks. 

"Ayos ka na?" Tanong sakin ni Kiel. Tumango nalang ako. Parang binali-baliktad yung bituka ko dun. "Tara, ihatid na kita pauwi" 

"Uy Adik! Ibaba mo 'ko, kaya ko pa namang maglakad" Binuhat niya kasi ako bridal style papunta sa kotse niya. Hahaha, hindi manlang ako sinagot eh. Dere-deretcho lang. Pagka-upo ko sa Passenger's seat, hinalikan ni Kiel noo ko bago siya pumunta sa Driver's Seat. 

'Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

***

CHIRO'S POV

Lagi nalang niya akong pinag-aalala. It's already 9pm at wala pa siya sa bahay. Kanina pa akong nakabantay dito sa labas ng gate. Kanina pa rin ako pinapapak ng mga lamok. -.- 

*RIIING RIIING* 

Kinuha ko yung Phone ko. Si Tita pala, Mommy ni Ayumi. "Hello?"


"Anak, wag mo ng alalahanin si Ayumi. Nandito siya sa bahay, hinatid ni Yanna" 


"Ah Ganun po ba, Sige po. Susunduin ko nalang po siya bukas ng umaga"


"Sige, Matulog ka na" 


*TOOT TOOT*

Bakit naman siya napunta kila Yanna? Sino kaya ang kasama ni Ayumi buong araw? =______=

***

Putulin muna natin dito. So that Concludes the first part of the Chapter. OMO, ENGLIIISH! Hahahah. Meron pa pong Part 2 ang Chapter 7 yung ano naman po... Hahahah. XD Basta. 

Abangan *O*

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now