XXIX. Two Is Better Than One Part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pull up your hood, tumakbo na tayo." I did as he say at tumakbo na kame sa walkway papunta sa Dorm Gates. Ilang metro pa lang ang layo namin sa Dorm nang makita ko ang ilang pulis at security na naka-pwesto sa harap ng fence. May dalawang naka-puting scrub suit at nakapayong malapit sa gate that I assumed as the paramedics.

"Oh, my God..." I heard Domingo said at napatigil ako sa likuran niya. I looked at the direction that he was looking at and I covered my mouth with my hand to avoid making noise.

"No..."

"Have you seen enough?"

Umiling ako at humakbang pa ng ilang beses palapit sa fence. Hindi ganun kaliwanag, tanging ilang emergency lights lang ang gamit nila para ilawan ang bangkay na nakasabit sa high-voltaged fence. Naka-uniform siya at imposibleng makita ang damage, pero alam kong pinahirapan siya. Dahan-dahang hiniwa, sinugatan at sinaksak. Punit-punit ang uniform niya, tanda ng mga hiwa ng matalim na bagay sa katawan niya. She had short hair, kaya kitang-kita ang mga sugat sa mukha niya. At saka siya isinabit sa fence para masigurong wala na nga siyang buhay. At para makita ng lahat kung gaano sila kalupit at kawalang-puso.

I just stared at her as tears started to form in my eyes dahil sa magkahalong lungkot at takot. Another life taken away from someone na walang ginawang masama. A warning that they're here. A step closer to my death. I blinked and stepped back nang makita kong nakatingin sa akin si Minerva Villanueva. No... This is not happening!

I crouched and held my head with my hands. Tama na po... Parang awa niyo na po... Tulong... I heard girls' voices along with their cries. I shut my eyes tightly at tumambad sa akin ang dalawang mama na may hawak na kutsilyo at Swiss Knife. "AAAAAHHHHH!!!!"

"DAWN! Dawn!" I opened my eyes and saw Domingo's worried face. I was in his arms at tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng ulan sa mukha ko. Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang ilang security at nakatutok ang mga flashlights nila sa amin.

"Ano ba'ng iniisip mo, Dawn?! Talaga ba'ng naghahanap ka ng ika-e-expel mo? My God!" She paced back and forth as she sipped her hot choco. Nakabalik na ako sa Dorm namin at andito na ako sa kwarto kasama si Rachel. "What were you doing outside during curfew, in the first place?!"

"I was trying to solve the cases, Rachel. Hindi ko napansin na curfew na pala so I ran inside the Restricted Garden and saw the wall. Akala ko Girls' Dorm yun kaya ko pinasok."

"What?! Sa loob ng Restricted Garden? At umakyat ka sa pader patawid sa loob ng dorm na akala mong atin? And you ended up in Red's dorm room!" She stopped pacing at tumayo siya sa harapan ko. "I really can't believe you, Dawn! Adventurer ka talaga!"

I was brought back to Dorm dahil sinabi ni Domingo na nakita niya lang ako doon sa labas. Hindi pa kami agad kinausap ni Principal Abad, but she told us na kakausapin niya kami kapag naasikaso na ang bangkay ni Minerva Villanueva. Kahit papaano may space pa ako para mag-isip at mag-imbestiga pa.

"Nag-alala ako sa 'yo, alam mo ba iyon?"

"I didn't ask you to feel that way."

"Woah. That's harsh."

Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanya. I didn't want to hurt her kaya lang, things would be easier kung wala nang ibang makaka-alam ng mga bagay na alam ko. Gusto ko na ang isipin na lang niya ay ang graduation para makaalis na siya dito sa lugar na 'to. I wanted her to be safe even if it meant I had to be hard on her.

"I'm sorry, Rachel. It's just... ang dami ko lang iniisip lately--"

"Share it with me, then. That's what we do, right?" She soflty said.

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon