Kakausapin? Ano naman ang pag-uusapan namin?
Dahan-dahan akong lumabas. Tinitignan ang bawat kilos at galaw niya.
Ano naman ang sasabihin ko?
Napabuntong-hininga na lang ako at marahang binuksan ang gate.
Bahala na nga!
"Kanina ka pa?" bungad ko at bahagyang tinulak ang kanang balikat niya para mapansin niya ako.
"L-Lemon?!"
"At ikaw pa talaga 'tong gulat?" pagtataka ko.
Eh ako nga dapat ang masorpresa. Pa'no niya naman alam kung sa'n ako nakatira? Stalker din ba 'to?
"Ba't di ka pumasok? Di ka ba nilalamig dito sa labas?"
"Okay lang ako may jacket naman ako." naka-ngiting sabi niya. "Tsaka nakakahiya naman, hindi na ako nag-abalang kumatok baka kasi natutulog pa kayo. Ayoko namang makaistorbo. Hindi ko naman kasi alam kung anong oras ka gumigising at naghahanda para sa eskwela kaya hinintay na lang kita hanggang sa lumabas."
"Alam mo, hindi ko alam kung nagpapacute ka lang d'yan o talagang maaalalahanin ka?"
"Gwapo naman." pagmamayabang niya.
"Sino'ng may sabi?" pang-aasar ko.
"Ba't di ba?"
"Ewan ko sa'yo! Pa-cute!" at dinilaan ko na lang siya.
Kahit nakakainis siya, napapangiti niya naman ako. Nakakaasar!
"Ahem. Ahem." Nagulat kami nang biglang sumulpot sa likod namin si Mama. "Muhkang nagkakamabutihan na tayo ah."
"Ah, H-Hello po. M-Magandang umaga po." pagbabati ni Terrance.
Nginitian naman siya ni Mama.
"Ma, si Terrance po pala. Terrance ang Mama ko." hindi ko alam pero parang ang weird ng atmosphere naming tatlo. Kahit wala namang tensyon sa pagitan nila tila ang awkward pa rin ng sitwasyon.
"So, ano balak niyo magchikahan na lang buong magdamag dito sa labas? Mag-iisang oras na kayo dito ah, wala ba kayong plano pumasok?"
Sabay naman kaming napatingin sa relo namin at gulat ako nang makitang malapit na kaming malate.
Dali-dali naman akong tumakbo pabalik sa loob para kunin 'yung bag ko.
Nang makabalik ako, narinig kong may pinag-uusapan pa sila Mama. Hindi ko naman maiwasang hindi makinig.
"Ikaw na bahala sa anak kong 'yun. Alagaan mo siya nang mabuti ha. Kapag 'yan pinaiyak mo lagot ka talaga sa Papa niya." pagpapaalala ni Mama sa kanya.
"Wag po kayong mag-aalala ako na pong bahal kay Lemon. Papasayahin ko po siya sa abot ng makakaya ko."
"I'm sure you will." muhkang kumbinsido naman si Mama kay Terrance.
"Andito na ako." pagsasambad ko sa kanila. "Tara na."
"Sige mag-ingat kayong dalawa sa daan."
"Alis na po kami." pamamaalam namin.
"Ayy teka, Lemon!" sigaw ni Mama pero nakaktamad ng bumalik kaya nagkunwari na lang akong 'di ko narinig. Nilingon naman ni Terrance pero 'di na ako nag-abalang itanong kung ano man 'yun.
"Bilib din ako sa'yo, 'wag ka namang mangako kung alam mong 'di rin ito magtatagal ang pagsasama natin."
"Wag kang mag-alala, walang pangakong 'di ko tinutupad." he sounds so reassuring. Like I could trust his words. Pero 'di pa rin ako padadala.
"Ang bait rin pala ng Mama mo, no?" pag-iiba niya ng topic.
"Oo naman. Sa'n pa ba ako magmamana?" sabi ko habang nakangiti.
"Aaminin ko, akala ko sasakalin na ako o di kaya hahabulin ng kutsilyo dahil kadalasan sa mga magulang ayaw pa nilang magka-boyfriend ang kani-kanilang mga anak, lalo na kung babae." sabi niya at ngumiti sa akin. "Napaka-supportive naman ng Mama mo."
"Y-Yeah. Sure. Sabi mo eh." hindi ko alam pero I can't bring myself to agree with him fully.
Napatingin naman siya sa akin at parang nahalata niyang may iba sa pananalita ko. Nginitian ko na lang siya at patuloy na lang sa paglalakad.
Hinatid din ako ni Terrance sa classroom ko bago siya pumunta sa kanya. Hindi kasi kami pareho ng seksyon. Todo titig naman ang mga kaibigan ko sa aming dalawa.
"Sige bye, kita na lang tayo mamayang lunch." paalam namin sa isa't-isa at pumasok na rin ako.
"Lemon, our dear sweet Lemon, muhkang may di ka sinasabi sa amin ah." mala-demonyong mga ngiti, mga malalamig na titig na sa akin lang nakatutok, at matatalim na paningin.
Patay! Muhkang di ako makakawala nito.
(c) bluecoffeeXP
YOU ARE READING
Simple Request
Teen FictionOne simple request that turned into a complicated situation that lead into an unusual lovestory.
Chapter Three
Start from the beginning
