Tsk. He's really annoying. My annoying Terrance. My ANNOY-ANCE. ♥


For the first time in my life, kinilig ako. Di ko alam kung dahil ba ito ang kauna-unahang text na natanggap ko mula sa isang lalaki sa tanang buhay ko, or the fact na napaka-sweet ng message niya?


At dahil na rin dun maaga na lang akong naligo at nag-ayos para sa eskwela. Hindi na rin kasi ako makabalik ng tulog. Nagulat pa nga ang mama ko at maaga akong bumaba sa kwarto ko.


"Oh! Anak, ang aga mo namang nagising. Mas naunahan mo pa ang mga ulam, di pa kasi ako tapos magluto ng almusal."


"Okay lang po, uunahin ko na lang ang gatas ko, Ma." dumiretso na lang din ako sa ref para kumuha ng gatas.


"Good mood ata tayo ah? May nangyari ba? Kanina ko pa napapansing ang laki ng ngiti sa muhka mo." panunukso ni Mama.


"Wala naman." pa-simple na lang akong umupo sa mesa.


"Siya nga pala, bago ko malimutan, kilala mo ba yung lalaki sa labas ng gate natin. Kanina pa kasi siya nakatambay sa labas. Hindi ko naman malabas kasi walang magbabantay ng niluluto ko. Pansin ko ring magkapareho ang uniporme niyo."


Natigilan naman ako sa sinabi ni mama.


'Wag mong sabihin...


Mabilis ko namang tinignan kong sino 'yun. Muntik na nga akong madapa sa sahig.


"Lemon, anak, hinay-hinay naman, para ka namang hinahabol." nasabi na lang ni Mama at sinundan din ako.


Mula sa bintana nakita ko ang isang lalaking boy-next-door ang kagwapuhan at nakatayo lang malapit sa gate namin. Napangiti na lang ako sa natatanaw ko.


Siya nga!


Tantya ko kanina pa ito dito, napansin ko kasing humihikab pa ito.


"Alas-singko y media pa ng madaling araw pa 'yan nakatambay d'yan sa labas." pagkukwento ni Mama.


"Sino ba yan? Kilala mo ba?" tinabihan ako ni Mama habang pasilip-silip din siya.


"Boyfriend ko... ata?" nag-alangan pa ako sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung dapat ba malaman ni mama na one-day boyfriend ko lang 'yung mokong na 'yun.


"Boyfriend mo? Eh bakit parang hindi ka sigurado. Hala sige, puntahan mo muna yung binatang 'yun."


"Anong gagawin ko?"


"Aba'y kausapin mo. Malamang boypren mo 'yun di ba? Titignan ko muna 'yung niluluto ko't baka nasusunog na 'yun." bumalik na rin si Mama sa pagluluto.

Simple RequestWhere stories live. Discover now