Takot

2.3K 16 0
                                    

Sa tuwing tayo'y nagkikita at naglalakad sa maraming tao,

Hawak mo nang mahigpit ang aking mga kamay na para bang ayaw mo akong mawala,

Nang tingnan kita saiyong mga mata ay nakita ko ang takot.

Isang araw,
Magkatabi tayo at dikit sa isa't-isa habang magkahawak-kamay nanunuod ng palabas sa isang sinehan.

Masaya at nagtatawanan tayo pero bakit ramdam ko parin ang takot na nanggagaling mismo sayo?

Sa wakas!naitanong ko rin sayo kung bakit ka nakakaramdam nang takot kahit nandito na ako sa tabi mo.

Sagot mo ay takot akong mawala ka..dahil kaya lang kitang palitan nang kung sino sino jan sa tabi-tabi dahil alam kong mas lamang sila sa'yo.

Sa mahaba mong sagot isang maikling salita lang ang sinabi ko sayo at sa salitang iyon,

Naging panatag ka at nawala ang iyong takot.

"Mas lamang ka dahil mahal kita nang labis"

Tula Para Sa Aking SariliOn viuen les histories. Descobreix ara