Di na Muli

560 4 0
                                    

Nang magkita muli tayo,
Ang akala ko tayong dalawa ay mababalik pa sa dati.

Yung oras na tumitig ka sa aking mga mata katulad nung dati,ay bigla agad akong umasa.

Hindi ka pa nagpakita ng motibo ay muli akong umasa na meron pa akong babalikan.

Yunh dating tayo na masaya,nag-aasaran,kulitan at may lambingan na pinaka-gusto ko sa lahat

Yung mga panahong ang saya pa nating dalawa nung wala pa siya

Kaso lahat ng yun biglang naglaho,bigla mong kinalimutan at tinapon nalang basta na parang basura ang ating samahan

Kinalimutan,iniwan at binalewala at pinagpalit ako sa taong malapit sayo

Nanghihina,nababaliw at nakagawa ng kwento dahil sa sakit na iyong pinadama

Pero lahat ng yun napapawi sa tuwing tinatawag mo ang pangalan ko ay nagiging masaya na ako kahit na..

Aawayin at ipapahiya mo lang ako sa iba

Pinilit kong muling ibalik ang dati pero tinataboy mo lang ako dahil takot kang masaktan siya

Hanggang isang araw,nabalitaan kong wala na kayo

Sa paghiwalay niyong dalawa ay sumabay din ang nararamdaman ko sayo

Isang taon naging tanga

Isang taon umasa

Hanggang sa napagod at nagising nalang bigla

Hanggang sa muli tayong pinagtagpo ng tadhana

Ang daming nagbago at isa na tayo doon

Natulala ka sa aking harapan habang ako,walang kahit anong nararamdaman.

Nilampasan lang kita ngunit biglang napatigil sa paglakad ng marinig ko ang sinabi mo

"Muli tayong maging tayo"

Sa sinabi mong iyon ay natawa ako

Hindi ako yung paborito mong pagkain na pwede mong balik-balikan kapag sawa kana sa isa

Hindi rin ako isang damit na itatapon mo nalang bigla kapag tapos mo nang nagamit at babalikan saka susuotin kapag walang nahanap na iba

Hindi rin ako isang cellphone na ichacharge mo at iiwan mo saka mo babalikan kapag nakamove-on na at muling sasaktan

Lalong hindi na ako tanga para muling umasa at magpadala muli sa aking nararamdaman!

Ginago mo ako,binago ka niya tapos babalikan mo ako dahil alam mong kaya mo akong gaguhin samantalang siya hindi?

Sa sinabi mong iyon ay sumagot ako nang..

"Di na muli maging Tayo,kasi ayaw ko na"

Simula't-sapul alam nating hindi na magiging tayo

Kasi simula palang,
Wala nang tayo.

Dahil ang salitang tayo sayo ay isang kaibigan lang na ako lang ang umaasa na meron tayong relasyon kahit ang totoo eh wala naman

Nadala sa mga galawan mong nagbibigay kahulugan sa akin pero ang totoo naman talaga ay wala lang iyon

Sa pagtatapos ng tula na ito,isa lang ang mapapangako ko sayo

Di na muling aasa pa,paasa.

Author's note:
#sanaallmaytayo
#sanaallmasayasalablife
#sanaallmadalingmakamove-on

Grabe!first day of school parang 3rd grading na sa sobrang daming activities jusko kaya hindi na ako masyadong nagiging active sa wattpad dahil sa pag-aaral.skl

Hope you enjoy!♡

#sanaallmalkita

Tula Para Sa Aking SariliWhere stories live. Discover now