Puyat

407 5 0
                                    

Puyat:
Kalagayan ng mga kulang sa tulog.

Dati ayos lang na mapuyat ka,
Dahil kausap mo siya hanggang alas-tres ng maaga,
Ngumingiti mag-isa at kikiligin sa kama.
Paikot-ikot na parang bang isang bulate,
kapag naririnig ang boses niya.
Nakatago sa ilalim ng kumot,at lihim na nakikipagharutan.

Dati ayos lang na mapuyat ka,
Basta kausap lang siya at masaya kayong nagkwekwentuhan,
Kahit minsan,napupunta na sa walang kwentang usapan.

Pero ngayong wala na sya at nag-iisa kana,
Wala nang rason para magpuyat pa,
Wala nang rason ngumiting mag-isa at magmukhang baliw,
Wala nang rason dahil wala na siya.
Wala na ang taong nakasanayan mong kausap hanggang sa mag-umaga.wala na,kaya sa mga nagbabasa nito,matulog na kayo dahil wala naman kayong jowa.



***
Labyuall!
Paglikay nalang haha para dili ka maigo

Sana nagustuhan niyo ^_^
Wag kalimutan mag vote at baka may nilalaman ang utak niyo ngayon,icomment na yan!
At kung hindi pa ako nafofollow,ifollow na!

Tula Para Sa Aking SariliWhere stories live. Discover now