Mama

231 1 0
                                    

Ang hirap intindihin pero pilit kong iniintindi.
Iniisip na baka pagod lang aking mama kaya napagsabihan o nasermonan kahit wala namang nagawang mali.

Alam kong walang perpektong mama,pero sana'y intindihin na wala ring perpektong anak.

Isa lamang akong nilalang na wala pang alam sa mundo at nangangapa para magkaroon ng kaalaman,sana'y ginabayan niyo ako sa lugar na tatahakin ko.

Itong tulang ito'y ibabahagi ko sainyo ang karanasan ko nung pitong araw,sunod-sunod na pagkahusga nagmula sa sarili kong mama.

Unang araw,sinabi ng aking mismong mama...

"Anong klaseng kaibigan meron ka?puro B.I!(bad influence)bakit ba sakanila ka sumasama at hindi sa mga matatalino?'yang mga kaibigan mo yang puro ganda lang alam nyan!"

Ngumiti ako ng mapait,at yumuko.
Hindi ko alam paano niya nasabing puro ganda lamang ang alam ng mga kaibigan ko ni mismo pagliliptint 'di nila ginagawa.

Hindi ko alam kung paano niya nahusgahan ang mga kaibigan ko nang hindi man lang niya nakikita o nakilala ang mga ito

Matatalino?bakit ako sasama sa mga taong alam kong hindi ako nababagay.
Bakit ako sasama sa mga taong alam kong hindi ako sasaya at baka magkaplastikan lang kami.

Pero tumango-tango ako at tumingin saking mama at sumagot ng susubukan ko ma.

Sumunod na araw,pangalawang araw.

Nagpaalam ako saking mama upang gumala sa mall ngunit ang sagot niya ay nagpatigil sakin.

"Anong gagawin mo dun?lalandi?napakabata mo pa tapos puro landi na ang inaatupag mo!aba mas mabuti pang huminto ka nalang sa pag-aaral at mag-asawa ka nalang!"

Napakunot-noo ako sakanyang sinabi.
Gagala lamang ako sa mall pero inakusahan niya agad akong lalandi ako roon?

Bagsak balikat hindi makapaniwala sakanyang sinabi.

Nagtatalo ang aking isipan,pero ang nanalo ay ang pag-intindi ko saking mama.

Baka gusto niya lang akong protektahan at ayaw mapahamak.

Pangatlong araw,kailangan kong umalis ng gabi ngunit ala-sais pa lamang ng gabi dahil may gagawin akong proyekto at gagawin ko ito sa pamamahay ng aking kaklase na kapitbahay ko lamang.

Ako'y nagpaalam pero sermon na naman ang inabot ko.

"Aalis?gabi na tapos aalis ka?anong gagawin mo sa labas?lalandi?dito ka lang at gayahin mo ang ibang babae marunong manatili sakanilang tahanan!kababae mong tao tapos aalis ng gabi...ano ka?pokpok?"

Napayuko na naman ako,nakaramdam ng kirot sakanyang sinabi.

Ang sasakit ng mga sinasabi ng sarili kong ina.

Pero okay lang,naiintindihan ko.
Babae kasi ako.
Babae ako.
Babae.

Isa akong babae na sana'y naging lalaki nalang.

Pang-apat na araw,muling napagsabihan dahil saking pananamit.

"Ano ba yang suot mo?short?magpantalon ka!nagmumukha kang malandi!"

Ngumiti na naman ako ng mapait.

Malandi malandi malandi.

Tingin ba sakin ng sarili kong ina ay malandi?

Pang-limang araw,maglalagay sana ako ng mask na bigay lamang sakin ng aking kaibigan ng biglang pumasok ang aking mama.

"Ano yan?umaarte-arte kana?yan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mo ha?kaibigan mong puro make-up ang mukha!"

Sa unang pagkakataon,nakaramdam ako ng inis.

Okay lang sakin na ako lang mismo ang hinuhusgahan niya,pero kung mandadamay na siya nang mga inosenteng tao,sa tingin ko'y hindi na tama.

Sobra na.

Pero sa huli,inintindi ko na lamang.

Pang-anim,anim na araw,nakasimangot dahil meron ako ngayon,dinadatnan ako ngayon.

"Bakit ka nakasimangot?"inis na tanong ni mama sakin,sumagot lamang ako ng dinadatnan ako ngayon ma.

"Oh ano ngayon?ako rin naman pero tingnan mo ako,tumatawa at ngumingiti ako hindi katulad mo!"

Napabuntong-hininga ako sakanyang sinabi.

Oo,anak niya ako,pero hindi porket anak niya ako ay magkakapareho na kaming dalawa.

Magkakaiba kami kahit mag-ina kami.

Huling araw,pang-pitong araw.

May kausap na kaklase mula sa selpon para sa planong gagawin namin bukas para sa theater.

Nang biglang may nagsalita mula saking likuran

"Ano yan?sinong kausap mo?may boyfriend kana?mag-aasawa kana?"

Agad kong binaba ang aking selpon upang lingonin ang aking mama.

"Ma!"saway ko ngunit mali ata ang ginawa ko dahil mas lalo siyang nagalit

"Oh ano?sumasagot-sagot kana?ang yabang mo ha!yan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mo?akala mo kung sino ka...bakit?may natapos kana ba?nakapagtapos kana ba?hah!saan ka ba nagmana?hindi naman ako ganyang klaseng babae!pag-aaral palagi ang inuuna ko at hindi paglalandi!"

Natawa ng peke at umiwas ako ng tingin sakanya.

Kinukumpara ako sa sarili niya.

Binalik ko ang tingin ko sakanya ngunit sampal ang natanggap ko.

"Bakit mo ako pinanlalakihan ng mata ha?napakamaldita mo!napakayabang mo!tandaan mong pinapaaral kita at ina mo ako!Hangga't naririto ka sa pamamahay ko rumespeto ka!"

Nirerespeto naman kita ma,pero nakakapagod pala at nakakawalang-ganang rumespeto kung puro paghuhusga at pagkukumpara nalang ang palaging binabato ng mama ko sakin.

Pilit kitang iniintindi pero ang hirap mong intindihin ma.

Kasalanan ko bang...pinanganak ako sa mundo?ginusto ko bang ilabas niyo ako mula sa sinapupunan niyo?

Kung ganitong trato lang din pala ang mararanasan ko mula sa sarili kong ina,bakit pa ako binuhay?

Pero okay lang,okay lang ma.

Okay lang...

Naiintindihan ko,iintindihin ko.
Paulit-ulit kitang iintindihin ma,dahil mahal kita sobra kahit minsan nakakasakal na.

Tula Para Sa Aking SariliOnde as histórias ganham vida. Descobre agora