[Chapter:20] (Playing With The Devil)

Start from the beginning
                                        

Nag katinginan kami muli. Siniko ni Aver si Uydr at nginuso si Rian. "Bakit ako?" Pabulong nitong tanong kay Aver. "Ikaw nag tanong eh." Pabulong na sagot naman ni Aver rito. Napakamot naman sa batok si Uydr at dinaluhan si Rian na umiiyak.

"Will take your case." Sambit ni Code na nag patigil sa aming lahat.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "What's with the change of mind?"

Nag kibit balikat ito. "Wala naman din tayo gagawin ngayong araw. Why not waste our valuable time with an serious case that could lead us to our own grave next to her?" Pilosopo nitong sagot. Ang sarap lang na tampalin ang bunganga niya, ang bastos ng bunganga ng isang ito. Walang galang, kahit sa mga nakakatanda, ang sarap tirisin.

***

Binuksan naman ni Rian ang pintuan para sa amin. Hinati ni Code ang grupo sa tatlo. Kasama namin ngayon si Night. Si Uydr, Aver, at Faze ang mag kasama. Habang sila Wolf, Jeremy, Lisa, at Lasley ang naging mag kapares.

Kami ang in-charge sa pag check sa condo ni Rian habang sila Aver naman ang bahal sa pag titingin sa buong building at sa cctv. Sila Lisa naman ay standby, nasa loob ang apat sa dalang van ni Jeremy. May binigay pang earpiece si Wolf sa amin kanina.

"Pasok kayo." Aya ni Rian. Unang pumasok ay si Code habang mag kasabayan lang kami ni Night. Sinara naman ni Night ang pinto at nilibot ang paningin sa loob ng condo ni Rian.

Nakita ko naman si Code sa harap ng bintana at pasimpleng dinampi niya ang kanyang daliri sa gilid nito. "Can I open this window?" Biglang tanong niya kay Rian na kakalabas pa lamang sa kusina at may dalang juice para sa aming tatlo.

Tumango si Rian at nilapitan ang bintanang tinitignan ni Code. Binuksan nito iyon at agad ring umalis, inalok pa ako nito ng juice at nakangiting umiling naman ako. Nilapitan ko naman si Code na nilusot ang ulo sa labas ng bintana at tinignan ang taas at baba nito, pati narin ang kaliwa at kanan.

Tinapik ko naman siya sa balikat. At tinignan naman ako nito ng matalim at binalik sa pag sipat sa labas ang kanyang paningin.

"Ano bang ginagawa mo jan?" Takhang tanong ko at sinilip ang baba ng bintana. Nasa ikalimang palapag kami kaya't napaka imposible namang may umakyat rito.

"Checking the view out." Sarkastiko nitong sagot. Inis ko naman siyang sinuntok sa braso. "Anong view mo na makikita mo rito kung isang malaking building ang humarang sa harap?"

Pinasok na naman nito ang ulo sa labas at hinimas ang brasong sinuntok ko. Humarap ito sa akin at bahagyang nilapit ang mukha sa akin na ikinagulat ko.

"Be careful with your action. There's a man hiding inside, he's hanging in the ceiling above the door. Huwag ka mag pahalatang alam mo." Mahinang bulong nito at nilagpasan nako.

Kamuntikan ko pang lingunin ang itaas ng pintuang pinasukan namin kanina. Pero paano naman nalaman ni Code na may tao ngayon sa loob? Wala naman din akong nakitang pag pupumilit na pag pasok sa pintuan kanina.

Nag lakad naman ako sa buong condo at nag hanap ng pwedeng gamitin kung sakaling mapagdesisyonan na nitong bumaba sa taguan nito. Habang nag hahanap ay biglang umingay ang earpiece na suot namin.

"We have an emergency! There's a man inside that condo. Papaakyat na kami sa limang palapag." Rinig na rinig ang pag hapo ni Aver at ang pag patuloy nilang pag pindot sa button ng elevator.

Nilingon ko naman sila Code na nasa sala at seryosong nag uusap. Nilingon ako ni Code at sinenyasan na lumapit tumango naman ako at pasimpleng nilingon ang kisame malapit sa pintuan, wala naman akong nakitang tao roon dahil madilim.

Lumabas naman si Rian sa kwarto nito na nakapagpalit na ng damit. Napatigil ito at napalinga sa paligid. "Ang dilim na masyado, bubuksan ko lang ang ilaw ha?" Sambit nito at tinungon ang switch ng ilaw na nasa pinto rin pala.

Nag katinginan kaming tatlo at napailing nalang si Code at agad na tumayo. Susunod sana ako ng bigla ako pigilan ni Night. "Let him." Mahina nitong sabi sa akin at pinanood na lamang si Code na pigilan si Rian.

Mukhang nakakutob ang lalaki na nasa kisama at bigla nalang itong patalong bumaba at sinubukan suntukin si Code sa mukha. Mabilis naman na pinangsangga ni Code ang arnis na nahablot niya kanina.

Tinulak naman ni Code si Rian sa dereksyon namin. Agad na hinila ni Night si Rian sa dereksyon namin. Pabalyang sinipa ni Code sa mukha ang lalaking naka purong itim. Gumulong ito malapit sa kusina kaya't napausod kami sa dulo.

Patalong tumayo ito at nag labas ng patalim. Pumorma naman si Code at inantay ang atake ng lalaki. Pahampas na sinangga ni Code ang atake nito sa kanyang kanan at ginamit ang kaliwang kamay para suntukin ito sa sikmura. Sinundan naman niya ito ng isang paikot na sipa, tumilapon naman ito sa pader at nang hihinang tumayo muli. Napatingin pa ito sa kamay na pinanghawak niya ng patalim at nakitang wala na ito.

Sinipa naman ni Code sa sulok ang patalim nito at sinugod muli ang lalaki. Sumipa naman ito pailalalim kay Code na natalunan naman nito at hinampas ito sa dibdib habang nasa ere. Sinundan niya pa ito ng hampas sa likod at tinapos ng isa pang hampas sa batok na nag patumba rito. Malakas naman na bumagsak ang katawan nito at saktong pag palapag ni Code sa sahig.

Pabatong binitawan ni Code ang arnis at nilapitan kami. "Ok lang kayo? Ikaw?" Baling nito kay Rian na nanginginig sa takot. Akap akap ito ni Night habang ako ay nasa gilid lang nila.

Tumango ito. "S-Salamat." Nanginginig ang boses nito. Tinanguhan naman ni Code si Night at di na nag atubling kamustahin ako. Bakit paba ako nandito? Wala naman din akong nagawa ni isa.

Tinungo ni Code ang pinto at binuksan ang ilaw sa buong condo at saktong bumukas ang pinto na hindi pala naka-lock. Pumasok naman sila Uydr, Aver, at Faze sa loob. Napatingin ang tatlo kay Code na nasa gilid lamang ng pinto.

"Okay lang kayo? Nasaan na yung lalaking nakapurong black?" Takhanng tanong pa ni Aver. Tinuro naman ni Code ang lalaking walang malay sa tapat ng kusina, nilingon ito ng tatlo.

"Mukhang bugbog sarado ang tarantado ah." Naiiling na usal ni Aver at napatingin sa dereksyon namin. Agad ako nitong dinaluhan at sinipat. "Ayos ka lang?" Tanong nito at tumango lang ako.

"Tatawag lang ako sa mga awtoridad." Paalam ko at nilagpasan siya. Pag daan ko sa pinto ay nakita ko ang blankong tingin sa akin ni Code. Nakita ko rin ang pamumutla niya ngunit di ko na ito pinansin at nilagpasan siya. Ngunit di pa man ako nakakalayo sa condo ni Rian ay nakarinig na ako ng malakas na pag bagsak.

Napabalik ako sa loob at nakita silang lahat na nag kukumpulan. Nakita ko rin si Rian na nanlalaki ang mata sa gulat. Napatingin ako kila Night na pinagtutulungan buhatin si Code, kitang kita ko rin ang pag hawak nito sa tagilirang dumudugo. Jusko naman oh!

***

Sorry for the late update. Masyado kasi akong tinatamad, sowi :<

Code Where stories live. Discover now