"Kuya Alex!" tawag ko sa pinsan ko. Buhat nito ang isa sa quadruplets. Carbon copy ni Kuya Alex.

"Nasaan ang tatlong anak mo?" tanong ko.

"Nasa lola at lolo nila. Ito lang si Alfonzo ang nasa akin." Napatingin ako sa baby ni Kuya Alex. Ngumiti ito sa akin. May hawak itong pancake.

"Happy Birthday, baby Alfonzo." Napangiti ito. Inaabot niya sa akin ang hawak nitong pancake. Kaya natawa ako. Kinuha ko iyon at kinain. Napahagikgik ang bata sa ginawa ko.

"Bakit mo kinain iyan!" sabi ni Kuya Alex. Nagtaka naman ako.

"Binigay niya sa akin. Kinain ko na lang, sayang," sabi ko. Nginitian ko si baby Alfonzo. Napakamot ng ulo si Kuya Alex.

"Dinilaan iyan ni Coo Coo iyong aso namin." Nanlaki ang mata ko. Bigla akong naduwal. Buti na lang nasa labas kami kaya malaya kong nailuwa ang pancake.

"Bakit hindi mo sinabi! Pweh!" sabi ko habang dinudura ko ang iba pang nakain ko. Nagtatawa si Kuya Alex sa hitsura ko. Napahilot ako sa sintido ko.

"Ayaw kasi bitawan ng anak ko. Nag-iiyak kapag kinukuha ko. May balak palang masama ang bata." Natatawang sabi ni Kuya Alex. Diyos ko bata pa lang sutil na. Paano na lang kapag lumaki pa ang mga ito? Kumusta naman ang tatlo pa?

"Kailan kayo mag-aanak ni Heaven? Masarap ang maging tatay kahit mahirap. Pero kapag kasama mo sila ang saya sa pakiramdam." napangiti ako. Nagbago na talaga si Kuya Alex. Tatay na tatay na talaga siya.

"Ginagawa na namin. Malay mo mayroon na." Sana nga mayroon na. Para naman may maingay na sa bahay.

"Babe, mag-start na ang party ng ABCD brothers." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Melissa.

"ABCD brothers? Sino ang mga iyon?" tanong ko. Napangiti si Kuya Alex sa akin.

" Alfonzo,Bayani,Claudio at Diego. Ang pangalan ng quadruplets namin. Yan ang tawag namin sa apat para hindi mahirap," natawa ako. Galing naman.

Nagsipuntahan na sa harapan ang mga bata. Nakita ko si Heaven kasama sila Alonah,ate Felicity, Dria at ate Danica. Hindi ko pa napapansin sila Marieyah. Nasaan na kaya ang mag-asawa?

"Kuya Noah, long time no see, huh?" bati sa akin ni Cindy. Kasama nito ang anak nitong triplets at ang panganay nilang anak si Angelo, nasa 8 years old na. Palinga-linga na parang may hinahanap. Balita ko dakilang daldalero ang batang ito at hindi lang iyon may pagkapilyo din.

"Long time no see. Nasa Mindanao kasi ako nadestino pero dito na ako sa Manila naka-base. Si Mikaelo nasaan?" tanong ko.

"Nandoon kausap sila Mame. Magbabanyo lang kasi iyong triplets ko at si Angelo. Sige Kuya Noah mauna na kami," paalam nito. Tumango ako at nginitian ang mag-iina.

Nakakahanga lang si Cindy sa murang edad naging ina na ito. Gago din kasi si Mikaelo. Hindi nito alam na nakabuntis na pala.

HEAVEN

Kanina pa ang sama ng pakiramdam ko. Hindi ko na lamang sinabi kay Noah na hindi maganda ang pakiramdam ko. Dahil ayokong nag-aalala ito.

"Hi, ate Felicity," bati ko sa asawa ni Kuya Kael. Napangiti sa akin ito. Kalong kalong nito ang pang-apat na anak nila ni Kuya Kael.

Pulos lalaki ang mga anak nila. Sana naman babae ang magiging anak namin. Panay kasi lalaki ang mga anak ng pinsan ni Noah. Maliban kay ate Dria na may isang babae.

Dumaan sa harapan ko si Alonah na may hawak na pagkain. Naamoy ko ang cheese bigla akong naduwal.

"Heaven, okay ka lang? " tanong sa akin ni ate Felicity.

"Okay lang ako may naamoy lang ako na hindi ko gusto." napaupo ako sa silya. Inabutan ako ni ate Felicity ng tubig.

"Teka ipapatawag ko si Noah. Baka kasi kailangan mong magpahinga. Nabati ka siguro. Ako naman wala akong ganoon. Lorenzo pakitawag mo nga si Tito Noah mo. " tawag nito sa panganay na anak nila ni Kuya Kael. Napakapoging bata at matangkad na. Sa edad na 10 parang binata na. Tumalima naman ang bata.

"Sumama lalo ang pakiramdam ko sa naamoy kong cheese. Bakit ganoon dati naman akong nakakaamoy ng cheese, wala naman akong kakaibang nararamdaman." sabi ko.

"Heaven matanong nga kita. Nagkaroon ka na ba?" tanong sa akin ni ate Felicity. Napaisip naman ako kailan ba ako huling nagkaroon? Sa sobrang dami ng nangyari sa akin nitong nakaraang buwan. Hindi ko na maalala kung nagkaroon nga ba ako.

"Hindi ko maalala, eh. Masyado ng okyupado ng mga pangyayari ang isip ko. Hindi ko nga matandaan kung nagkaroon ba ako," sabi ko.

Nakita kong humahangos ang asawa ko kasama si Lorenzo.

"Sweetheart, are you alright?" sabi ni Noah. Kinapa kapa niya ang leeg at ang mga braso ko.

"I'm okay, may naamoy lang kasi akong hindi ko nagustuhan kaya nasusuka ako," sabi ko.

"C'mon pupunta tayo ng Doktor. Baka kung ano na iyan!" exagerated na sabi ni Noah. Inirapan ko ito. Napaka-OA, doktor kaagad?

"Pakainin mo na lang ako. Gusto ko ng chicken at saka ayoko ng may cheese, huh?" utos ko sa asawa ko. Napakamot ito ng ulo.

 "Okay, sweetheart. Wait me here," sabi nito.

"I think may laman na iyan." inginuso ni ate Felicity ang tiyan ko kaya napahawak ako doon.

"Kasi ang mga nararamdaman mo ay senyales ng pagbubuntis. Ganyan din kasi ako kapag buntis. Maselan sa amoy at saka laging nagsusuka. Tuwing umaga masama ang tiyan ko." Kuwento sa akin ni ate Felicity. Kaya napangiti ako. Bukas magpapa-checkup ako. I want to surprise Noah.

Copyright©2019All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2019
All Rights Reserved
By coalchamber13











BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon