Treasure 13

399 10 2
                                    

Mahina ata ang signal dito kasi ang bagal magloading sa isip ko yung sinabi ni Haruto.



"Uso magsalita." Nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.



Matapos kasi niyang sinabi yun eh binalot kami nang matinding katahimikan kaya nagulat ako.



"Ano nga ulit yung sinabi mo?" Gusto ko lang ipaulit kasi baka alam niyo na diba...baka nagkamali lang ako ng narinig at nabingi lang ako.


"Sinabi? Alin dun? Ang dami ko kayang sinabi." Luh. Grabe siya.


"Seryoso kasi! Yung sinabi mo kanina nung nagkaroon ng silence...naaalala mo?" Ang dali naman niyang makalimot.


"Wala akong naaalala na sinabi ko kanina. Kaya nagkaroon ng silence kasi nag mute yung volume." Anong sinasabi neto? Nagmute? Ano to nasa TV kami ganon?


"Alam mo?wala kang kwentang kausap. Uuwi na lang akong mag-isa." Sabi ko at tumayo na. Umaacting lang ako baka sakaling umeffect at ulitin niya yung sinabi niya kanina.



Pero bago pa ako makapaglakad ng malayo ay pinigilan na niya agad ako.



"Huy! Huwag ka nga munang umalis. Nag-iisip ka ba hah? Paano ka naman makakauwi eh wala ka ngang dalang pera pamasahe. Tsk." Kasi naman po, kung magiging mabait ka sa akin kahit ngayon lang eh hindi naman ako aalis noh. Bakit kaya ang sungit sungit niya sa akin? Hindi naman ata ganito yung ugali niya nung napapanood ko pa lang siya sa Treasure Box.



"Sabihin mo na kasi sa'kin!" Pagmamaktol ko. Para na nga akong bata dito na naghihintay ng sasabihin niya.



"Maupo ka nga kasi muna." At dahil sa dakilang sunod-sunuran lang ang role ko ay umupo ulit ako sa tabi niya.



Pinagmasdan ko ulit ang paligid at mas maeenjoy ko sana ang ganda ng lugar na 'to kung hindi nakikipagtalo si Haruto.




"Sasabihin mo na ba sa'kin o hindi?"



"Eto na! Hindi ka naman makapaghintay." Sorry naman! I'm just excited. Narinig ko naman talaga yung sinabi niya kanina kaya lang eh hindi masyadong naging malinaw sa'kin.





"Sabihin mo na!"

1...



2...



3...



"I like you!" He likes me?! Wehhhh??? Di nga? Totoo?




"Sus! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Alam kong fan mo ako pero alam ko naman na hanggang dun lang yung tingin mo sa'kin." Sabi ko sa kanya pero sa totoo lang...ayoko talagang mapaasa. Masakit kaya yun diba?




No Boyfriend Since Birth ako pero alam ko ang feeling ng masaktan at mapaasa. Kung tatanungin niyo ako kung paano ko nalaman eh siguradong ginagawa niyo na 'to ngayon...Nagbabasa ng Wattpad.



Kahit mga fictional stories lang yung mga binabasa ko eh parang pang reality na yung dating diba? Kaya ayokong masaktan!



"Kaya nga. I like you as a fan." Wow ha!



"Ganun ba?" Sabi ko and I faked a laugh.




"Oo. Nagustuhan kita bilang isa sa mga tagasuporta ko, bilang isa sa mga taong umiidolo sa'kin. Yung kahit na parati kitang sinusungitan at inaasar ay parati ka pa ring nandyan at hindi nagsasawang tiisin ang mga maling ginagawa ko sa'yo AT HIGIT SA LAHAT ay nagustuhan kita bilang isang JEWEL COHEN."



I'M A MAID OF TREASURE 13Where stories live. Discover now