Treasure 11

338 16 2
                                    

Binili ba talaga 'to ni Haruto sa'kin?



Para kasing hindi ako makapaniwala. Akala ko pa naman si Junghwan ang bumili sa'kin nitong napakagandang bracelet na ito.


Hindi naman sa disappointed ako na hindi si Junghwan ang bumili nito sa akin kasi nga diba sabi niya ililibre niya ako. Sa katunayan nga eh sobrang saya ko na si Haruto ang nagbigay sa akin nito. Parang it feels so unreal.



"Uy bata! Sigurado ka ba talagang hindi ikaw ang bumili nito sa'kin?" Tanong ko kay Junghwan na nakaupo sa sofa at pinakita ko pa ang suot kong infinity bracelet. Kakauwi lang kasi namin galing sa mall at grabe nakakapagod talaga.



Paano naman kasi, naglaro pa sila sa arcade at halos mamatay na ako kakatawa habang pinapanood ko silang maglaro. Lalo na sina Hyunsuk at Junkyu. Naku! Parati kasing inaasar ni Koala si Tanda na parating natatalo sa laro kaya ayun hindi sila natigil sa pagtatalo pero nakakatuwa talaga silang kasama.SOBRA!


"Kung maka bata ka naman, Jewel." Sabi niya sa akin. 'Bata' ang tinawag ko sa kanya kasi...di ko rin alam. 'Wag niyo na lang tanungin..kasi wala naman kayong makukuhang sagot.



"Be honest na nga kasi!" Pangungulit ko. Malay ko ba kasi na baka pinagtritripan lang ako ni Junghwan. Baka sinabi niya lang na si Haruto ang bumili nito sa akin kasi wala siyang perang pambili diba?



"Oo nga kasi! Ang kulit mo naman." Naiinis niyang sabi. Aba! Talagang makulit ako mula maliit pa lang ako. Siguro mula nung nasa tiyan pa lang ako ng nanay ko eh makulit na talaga ako kaya pasensiya na lang siya.



"Baka naman kasi wala kang perang panglibre sa akin kaya pinabili mo na lang kay Haru?" Naniniguro lang naman kasi ako dahil ayokong MAPAASA.


"Madami kaya akong pera! Ililibre naman talaga sana kita pero ang sabi mo kasi kanina eh, "Mamaya na lang" kaya hindi muna kita binilhan kasi hindi ko naman alam ang gusto mo." Yun ba talaga 'yun?



"Eh bakit mo siya kasama kanina?"



"Malamang nagpasama siya sa amin ni Jeongwoo eh." Tsk. Sarap niyang kausap ah.



"So alam mo ba kung bakit niya ako binilhan?" I asked him.



"Jewel, ba't ba ako ang iniinterview mo? Diba dapat si Haruto?" Kapag si Haruto kasi ang pagtanungan ko eh wala akong mapapala sa kanya pero okay lang naman iyon sa akin kasi atleast diba? Nakakausap ko siya.



"Ayoko nga!"


"Bakit naman?" Trip ko lang.



"Nahihiya ako eh." Mahiyain talaga ako pero mas madalas ay makapal ang mukha ko. Lol~



"If I were you, si Haruto na lang ang tatanungin ko tungkol dito. Punta muna ako sa kwarto ko."


"Teka!" Hindi na niya ako tinignan pa at naglakad na siya papunta sa room niya. Kainis naman ang batang 'yun! Iniwan ba naman ako?



Dapat bang si Haruto na lang ang tanungin ko?



Try ko kayang kausapin muna si Jeongwoo?



"Jihoonie~Jihoonie~"


"Huy Jihoon!" Gulat na gulat na napatingin sa akin si Jihoon. Pa'no naman kasi kanta ng kanta eh.


I'M A MAID OF TREASURE 13Where stories live. Discover now