Treasure 5

388 13 0
                                    

11:00 na ng gabi at hindi parin ako natutulog dahil gagawin ko pa yung plano ko sa Haruto na'yon.




Hindi ko talaga aakalaing palaka pa talaga yung kinakatakutan niya. Grabe! Tawang-tawa talaga ako nung nalaman ko yun kay Doyoung. Kalalakeng tao kasi tapos palaka lang pala ang magbibigay sa kanya ng leksyon?



Siguro tulog na ang mga Treasure 13 at libreng libre na akong lumabas para maghanap ng palaka sa labas. Malay mo naman diba baka swertehin akong makakita ng palaka eh gabi pa naman ngayon siguradong naghahasik ang mga yun ng lagim.



Pumunta ako sa pintuan ko at dahan-dahan ko itong binuksan kasi baka makagawa ako ng ingay at magising pa sila at kung mangyayari yun eh wala na. Sira na ang plano ko.




Tinignan ko muna ang buong silid kung meron pang gising sa kanila at buti na lang ako na lang ang taong gising kaya lumabas na ako at pumunta sa elevator.



Habang pababa ako ay tahimik akong nagdadasal na sana naman ay wala akong makasalubong dito na mga staff o sino pa.


Nang makarating na ako sa ground floor ay swerte naman akong nakalabas ng building dahil wala ng matao-tao ngayon.



Mabuti na lang at dala ko ang phone ko at kahit konti ay may ilaw ako sa dadaanan ko. Madilim kasi eh malamang gabi na. Dumaan ako sa likod ng building at kahit na labag sa kalooban ko ay chineck ko yung basura kung may nagtatago bang mga palaka dun. Pero syempre hindi ako nagkalkal no. Tinignan ko lang yung gilid-gilid.



"May tao ba diyan?" Nagulat ako ng may lalakeng nagsalita mula sa hindi kalayuan sa akin. Narinig niya siguro ang mga galaw ko kaya 'to nagsalita.





Nagtago na lang ako sa likod ng basura at hindi ako gumalaw para hindi niya mas mahalatang nandito ako. Pero gusto ko kasing makita kung sino yung nagsalita eh. Ano naman kayang ginagawa niya dito sa labas eh gabing-gabi na. Dapat ako lang ang nandito dahil makakaistorbo siya sa paghahanap ko ng palaka.




"Kokak! Kokak! Kokak!" WHAT THE HELL! Nagulat ako ng makita ang palaka sa paanan ko at buti na lang natakpan ko ang bibig ko gamit ang aking kamay bago pa ako makasigaw dahil mahuhuli ako nung lalakeng nagsalita kanina.




Mabuti naman at hindi ko na kailangan pang maghanap ng palaka dito kasi ang dilim dilim at ang baho baho pa ng mga basura dito. Pero may isa pa akong problema. Paano ko naman kaya ito makukuha eh hindi ako nagdala ng lalagyan? Hayysss...hindi kasi ako nag-iisip eh.





Pero sakto namang may nakita akong supot kaya kinuha ko ito tsaka dahan-dahang nilagay ang palaka. Hindi naman ito malaki eh sa katunayan nga maliit 'tong palaka na'to pero okay lang takot naman dito si My loves eh. AT! Huwag niyo na ring tanungin kung paano ko nakayanan na ilagay yung palaka sa supot kasi expert na ako dito.



Sinilip ko muna ang paligid kung nandito pa ba yung lalake at nakatayo pa siya du'n. Pero okay lang hindi naman siguro niya ako makikita kung aalis ako diba? Pero wait lang... haharap ata yung lalake at nagulat ako ng makita ko si...






MR.YG?! na naninigarilyo?!




Oh My Gosh! Hindi ko aakalaing naninigarilyo pala siya. Kahit naman madilim dito eh malinaw na malinaw sa akin yung itsura niya at yung ginagawa niya. May konting ilaw kasi na nagmumula sa building eh.





Tumalikod na ulit siya kaya eto na ang pagkakataon kong makaalis dito kaya dahan-dahan akong tumayo at naglakad ng walang magagawang kahit na anong ingay papasok sa building. Nag cross fingers pa nga ako kasi kinakabahan ako na baka mahuli ako ni Mr.YG. Pero mabuti na lang at nakaraos naman ako.




I'M A MAID OF TREASURE 13Where stories live. Discover now