Treasure 2

625 17 0
                                    

☆PRESENT DAY☆

"Tapos ka na bang maglinis?" Tanong agad sa'kin ni Haru my loves pagkalabas ko ng kwarto nila.

"Oo." Sagot ko sabay ngiti ng matamis at parang hindi naman umepekto ang kagandahan ko sa kanya kasi nilagpasan niya lang ako. Minsan talaga may pagkasungit din 'tong si my loves ko.

"TREASURE 13! Kumain na kayo!!!" Sigaw ko sa kanilang lahat. Sayang naman kasi yung niluto kong meryenda sa kanila kung hindi nila iyon kakainin.

"Ang lakas naman ng boses mo, noona." Sabi ni Junghwan sa'kin. Ayokong tinatawag niya akong 'Noona' kasi parang ang tanda tanda ng dating ko sa kanya eh isang taon lang naman ang pagitan namin.


"Huwag sabi akong tawaging 'Noona' eh." Nakasimangot kong sagot sa kanya. Parang mga tropa na ang turing ko sa kanila at wala ng hiya hiya pa kaya okay lang kung magsusungit din ako paminsan minsan sa kanila.

"Edi Jewel na lang." Sabi niya tapos tumawa siya at pumunta na siyang kusina kasama ang iba pa niyang ka miyembro.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong bahay at gustong-gusto kong magtatatalon sa sobrang saya ng nararamdaman ko.

Akala ko nakapaimposibleng mangyari 'tong bagay na ito. May maganda palang dulot ang pagpunta ko dito sa Korea. Kahit na naloko ako sa isang agency, kahit na nahold-up ako at nahimatay pa dahil sa gutom eh napakaworth it naman ang lahat ng iyon kasi kasama ko ngayon ang mga idols ko! Kahit na isang katulong lang nila ako pero okay lang atleast diba?

"Jewel, kumain ka muna. Alam kong napagod ka sa paglilinis ng kwarto nila Haruto. Napaka kalat kasi ng bubwit na 'yon eh. Hahaha!" Tawang-tawa na sabi ni Junkyu sa akin habang kumakain ng fish cake na niluto ko.

"Narinig ko 'yun, hyung!" Sabat ni Haru at hinabol niya si Junkyu kaya ang kinalabasan eh naghabulan silang dalawa.

"HAHAHAHAHA!!!! Totoo naman 'yun eh!" Grabe si Junkyu hindi ko alam kung epekto ba'yon ng kinakain niya o sadyang napaka hyper talaga niya.

"Michyeogane~ Naneun Michyeogane~" Kumakantang tumabi sa akin si Mashiho at napakaganda talaga ng boses niya kahit kelan.

"I'M HOME!!!" Tinignan ko ang pintuan at pumasok du'n si Yedam. Kakauwi niya lang kasi galing eskwelahan. Napakasipag talaga ng batang 'to. Sana ganun sila lahat... Lol~

"Yedam! Kumain ka na. Nagluto ako ng fish cake." Sabi ko sa kanya.

"Talaga?! Sakto gutom na gutom na rin ako eh. Thanks baby girl~" Kinikilig talaga ako pag tinatawag niya akong 'Baby Girl' eh hindi ko rin alam kung bakit ganun tawag niya sa akin pero it's okay kasi feeling ko crush ako ni Yedam...hihi~~~

"Hindi ka talaga kakain?" Tanong ni Mashi sa gilid ko.

"I'm not hungry." Nakangiti kong sagot sa kanya. Ang sarap pagmasdan ng mukha ni Mashiho. Ang cute!

"Oh yeah! Oh oh yeah!" Ayan na naman si Jeongwoo kaka 'Oh Yeah' niya. Hayyysss...Nasarapan siguro siya sa niluto ko.

"Jaehyuk! 'Lika dito." Tawag ni Mashiho kay 'Mr.Annoying Guy'. Hindi ko alam kung bakit sa kanilang lahat eh ang pinaka ayoko ay si Jaehyuk. Siya lang talaga yung hindi ko magustuhan sa kanilang lahat pero I'm trying my best naman para hindi mainis sa kanya kasi syempre diba may ipagmamalaki din 'tong si Mr. Yoon Jaehyuk...

"Bakit?" Tanong niya pagkalapit sa'min.

"Kumuha ka nga du'n ng pagkain at pakainin natin 'tong si Jewel."

I'M A MAID OF TREASURE 13Where stories live. Discover now