Treasure 3

497 20 5
                                    

"HUY!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Haru my loves ko. Nakaupo kasi ako ngayon sa sofa dito sa living room at ako'y nagpapahinga dahil katatapos ko lang gawin ang mga dapat kong gawin dito sa bahay.





"Ano?" Poker face kong tanong sa kanya. Aba dapat huwag masyadong pahalatang may gusto ako sa kanya kasi baka mas lalo ako nitong ibully. Ayoko pa man ding binibwisit ako ngayon dahil bad mood ako.




Pa'no naman kasi? Habang nag susurf ako sa Twitter Account ko, may nakita akong post ng isang fan ni Haru at may shiniship sila sa kanya. Naku kung malaman ko lang talaga kung sino yung mga nag-eedit ng picture nila ni Haruto eh mapapasugod ako't bibigyan ko sila ng leksyon!




"Ba't nakaupo ka lang dito? Katulong ka diba? Kaya ang gawin mo maglinis!" Aaminin ko na masaya ako na makasama 'tong si Haruto sa iisang bahay kasi siya yung bias ko pero masakit din pala minsan kung parang minamaltrato ka niya.




I don't understand nga eh kasi hindi naman ganito ang ibang miyembro ng T13 pero itong si Haru lang talaga ang masakit magsalita sa'kin.





"Tapos na PO akong maglinis." Pinagdiinan ko talaga yung 'PO' kasi naman naiinis na ako sa kanya. Umalis na lang ako at pumunta na sa kwarto ko para makaligo na. Kailangan ko munang tanggalin ang mga bagay na nagpapabwisit sa akin.




Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sakto namang may kumakatok sa pintuan ko kaya binuksan ko ito at nakita ko si Yedam.



"Jewel, may ginagawa ka ba? Pinapasabi kasi ni Haruto na pumunta ka raw sa rooftop ngayon din." Rooftop? Ano namang gagawin ko o NAMIN do'n? Halah! Baka naman sa sobrang bwisit sa akin ni Haru eh ihulog niya ako du'n? OMYGOSH! Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay.





"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.




"I don't know. Pumunta ka na lang du'n. Gusto mo ba ihatid kita?" Volunteer niya. Buti pa 'tong si Yedam gentleman eh yung Haruto na 'yun nako!




"Huwag na lang. Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya at lumabas na ako tsaka pumunta sa elevator para mas madaling makarating sa rooftop.




Pagdating ko du'n ay nakita ko si Haruto na nakatayo at nakatingin sa'kin ng malalim.





Problema nito?




"Ba't ang tagal mo?" Tanong niya agad sa akin.





"Kasi hindi ako mabilis." Akala niya siya lang may karapatang mangbwiset sa'kin? Naku! Nagkakamali siya noh!





"Tsk. Dahil wala ka rin namang ginagawa. Nakikita mo ba ang mga kalat dito?" Nilibot ko naman ang paningin ko sa rooftop at nagtaka ako ng makita ko ang napakaraming kalat. Pa'no namang magkakaroon ng kalat dito eh sa pagkakaalam ko may janitor naman dito na tagalinis.




Hindi kaya sinadya talaga nito ni Haruto at nagkalat siya dito para pahirapan ako?




"Lilinisin ko lahat ng ito?"




"Oo at dapat matapos mo 'yan ng 15 minutes tsaka ka bumalik sa baba." Bago pa ako makapagreklamo ay dali-dali na siyang umalis at iniwan akong mag-isa dito.



Ano bang naging kasalanan ko para gawin niya 'to sakin? Dapat nga ako pa ang magpahirap sa kanya kasi parati niya pa akong binubully at 15 minutes pa talaga ang binigay niyang oras ah? Siya kaya maglinis dito!




I'M A MAID OF TREASURE 13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon