Chapter 34

2.2K 58 0
                                    

Tuluyan ng nanghina ang aking tuhod kaya agad namang naagapan ni Lucsian ang aking pagkatumba.

"Keshelle kumalma ka," saad nito at inalalayan akong makaupo.

"Ganoon ba ako kasamang kaibigan Lucsian?" biglang saad ko habang pinipigilan ang aking luha.

"Hindi, alam kong nagulat ka lang kaya may mga nasabi ka sigurong masasakit na salita. Pero I saw how good you are to Maureen, alam ko rin na na-intindihan ka niya." pagpapagaan nito sa loob ko.

"Are you mad?" tanong ko rito sabay titig sa mga mata niya.

"Ako nga dapat magtanong niya eh, galit ka pa ba sa akin?" tanong nito.

"I want to hear your side first, maybe you're right... Nagulat ako, and now I'm ready to listen." saad ko naman dito.

"Can we talk somewhere na mas comfortable?" tanong nito.

"Wait, magpapaalam muna ako kay Maureen." paalam ko rito.

Tumango naman ito sabay nginitian ako, hindi ko alam pero parang nakiliti ako sa ngiting 'yon.

"Okay na kayo?" tanong ni Maureen nang magpaalam ako.

"Siguro... Maguusap pa nga lang kami, paano ba 'yan? Babalik na lang ako mamaya ha." saad ko rito.

"Sige, ingat kayong dalawa." sagot naman nito sabay ngiti.

"Tita, tawagan niyo lang po ako ah? Babalik din po ako mamaya." bilin ko naman kay Tita.

"Keshelle salamat ulit," saad naman ni Maureen.

"Mau, ako nga dapat magpasalamat eh." sagot ko naman sabay hinalikan ang noo nito.

"Masaya ako para sa 'yo, finally napangiti ulit kita bago pa mahuli ang lahat." saad nito.

Kumunot naman ang aking noo sa sinabi nito...

"Mahuli ang lahat?" naguguluhang tanong ko rito.

"I mean kayo, sayang din kayo. Isa ako sa mga malulungkot kapag 'di kayo nagkatuluyan. Tapos ang nakakalungkot ako pa ang magiging dahilan, kaya i'm really happy." paliwanag naman nito.

"Paano ba 'yan? Baka magpakasal na ako nito, bilisan mo ng magpagaling at ikaw ang maid of honor ko." natatawang biro ko rito.

Tumango na lang ito sabay ngiti, medyo inaantok ito kaya hindi na ako nagtagal pa. Bumalik na rin ako agad sa labas at sinalubong naman ako ni Lucsian.

"Okay na ba?" tanong ko rito.

Imbes na sagutin ito ay niyakap ko siya, ramdam ko ang pagkagulat nito pero tumugon naman agad ito.

"I missed you," bulong nito habang hinahaplos ang aking likuran.

"I'm sorry," saad ko naman.

"Shh, tara na para makapag-usap na tayo." saad naman nito sabay kumawala at hinawakan ang aking kamay.

Magkahawak-kamay naming nilisan ang hospital at dumiretso na sa sasakyan nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko rito.

"Sa condo ko na lang tayo mag-usap," sagot naman nito at inalalayan akong maka-upo sa front seat.

Umupo na rin ito sa driver's seat, at tinignan muna ako bago buhayin ang makina ng sasakyan.

"I thought I can no longer see that genuine smile of yours." saad nito na ikinapula ng mukha ko.

"Lucsian, ikaw ba talaga 'yan?" natatawang saad ko rito.

"Naman, it's just that simula sa araw na 'to... Wala na akong sasayangin pa na oras, lalo na kapag kasama ko 'yong taong mahal ko." seryosong saad nito at nagsimula ng magmaneho.

Napayuko naman ako at palihim na ngumiti, seryoso ba 'to? Nangyayari na ba talaga 'to? Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami, nang nakarating na kami sa condo niya agad niya naman akong tinulungan makababa.

"Prepare yourself," bulong nito na nagdulot ng kiliti sa akin.

Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi nang sabihin niya 'to. Nang makarating na kami sa loob eh inayos niya muna ang upuan at inaya akong maupo roon.

"Handa ka na ba?" tanong nito.

Namilog naman ang aking mata sa tanong nito.

"A-ano bang gagawin natin dito?" nauutal na tanong ko.

"Syempre mag-uusap, ano pa ba?" naguguluhang tanong nito.

"S-sabi mo nga," sagot ko sabay tikhim.

"Ikaw Keshelle ah, kung ano-ano iniisip mo." pang-aasar nito sa akin.

"Anong... Wala ah!" tanggi ko rito.

"Pero seryoso ako Keshelle, may sasabihin talaga ako sa 'yo." saad nito at umayos na habang nakatitig sa aking mata.

Huminga muna ako ng malalim at tinanguan ito, senyales na puwede na siya magsalita.

"First, I want to say sorry... Sorry kung bigla akong naguluhan nang malaman ko na si Maureen 'yong nakita ko. Sorry dahil nagpadalos-dalos ako, ni hindi ko man lang naisip na nasaktan na pala kita." umpisa nito.

Hinawakan nito ang aking kamay sabay hinalikan. Mahigpit niya itong hawak-hawak habang patuloy na nagsalita.

"Then I realized, lalo na noong nakita kita na kasama ang ex mo na mali pala. Na hindi na pala talaga si Maureen ang nasa puso ko, na nanabik lang ako noong nakita siya kasi ang haba rin ng panahon na lumipas na hindi ko siya nakita." saad nito sabay huminga ng malalim.

"I feel so jealous, ayaw kong mapunta ka ulit kay Jaqson. Gusto ko akin ka lang at sa 'yo lang ako." saad nito na nagpangiti sa akin.

"I know, we both don't believe in happy ending... You because of what you've experienced in your past while me as well. But everything has changed honestly, lalo na noong una kitang nakita. You're so wasted that night, ni hindi nga kita kilala pero there's something inside me na nag-pupush na tulungan kita." nakangiti nitong saad habang inaalala 'yong mga nangyari sa amin noon.

"We became buddies right? Sobra akong naging kumportable sa 'yo, ito 'yong hindi ko nagawa sa kahit sino mang babae na naka-fling ko. Ramdam ko kasi na you're really different from them. Unang beses ko 'tong ginawa Kesh, ang sincere na magpaliwanag sa 'yo because I can no longer hold on my feelings. Gustong-gusto niya ng sumabog sa 'yo." saad nito at hinila ako para mas lumapit sa kan'ya.

"Kung hindi ako kinausap ng mga kapatid ko, baka hindi ako nalinawan... Lalo na si Maureen? Kinausap niya rin ako Kesh, sabi niya kaya ko ba raw makita ka na si Jaqson na ang kasama. Doon ko napagtanto na I can't, kaya heto naglakas loob ako na kausapin ka." saad nito at tumigil muna.

"Akala ko hindi mo na ako kakausapin eh, sobra akong nasaktan noong halos 'di mo na ako tignan. Pero mabuti na lang at pumayag kang kausapin ako ngayon, at least masabi ko sa 'yo lahat ng nararamdaman ko. Ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa Kesh, ayaw ko rin maunahan ni Jaqson." dagdag nito sabay huminga ng malalim at tumayo.

Inalalayan niya naman akong tumayo at pinatingin sa kan'ya.

"I want you to know that I see you as a woman, and I also feel a man the moment I realized that I'm falling for you." saad nito habang nakatitig sa akin.

Hindi ko mapigilang maluha habang nakatitig din sa kan'ya. Magsasalita pa sana ito nang ipinatong ko ang aking hintuturo sa labi nito.

"Hinanda ko na 'yong sarili ko Lucsian, akala ko you'll choose Maureen between me. Akala ko magsisimula kayo ulit, kaya sabi ko sa sarili ko hindi ko deserved ang happy ending." humikibing saad ko rito.

"Then here you are, telling me all this things... I feel so loved, again. I also don't believe in happy ending but because of you, my stone heart is soften again." dagdag ko sabay punas ng aking luha.

"I love you, Keshelle Rothsyl." saad ni Lucsian.

"I love you too, Lucsian Turner. Ang babaerong, ako lang pala ang kahinaan." natatawang saad ko rito.

"Syempre, sa lahat ng babaeng nakilala ko sa 'yo ko lang nakita ang aking future. Syempre, ikaw at ako kasama ang ating mga babies balang araw." nakangiti nitong saad sabay ginawaran ng halik ang aking labi.

Napapikit ako sabay tinugon ang halik na 'yon.

This time, this kiss is full of love.

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Where stories live. Discover now