Chapter 29

1.8K 44 0
                                    

Keshelle's POV

Betrayal.

Iyan 'yong naramdaman ko nang malaman ang totoo. Wala man lang sinabi sa akin si Maureen tungkol kay Lucsian, baka kung sinabi niya pa baka nagawa ko oang pigilan ang aking sarili na malapit sa kan'ya. O kaya naman, ako pa mismo ang gumawa ng daan para makita ulit nila ang isa't isa pero anong ginawa ni Maureen? Tinago niya kaya heto ako mukhang tanga na lang. Okay na eh, nagkita na sila at sigurado akong magsisimula na ulit sila. Ayaw ko sana magalit kay Maureen pero hindi ko mapigilan 'yong nararamdaman ko. Kaya mas pinili ko na lang umalis at iwan silang dalawa doon.

Ako na nga naging tulay nila, ako na naman ba ang magiging audience nila? Aba! Sobra na yata 'yon.

Pinili ko na lang pumunta sa bar at uminom, alangan namang umuwi ako sa amin tapos doon mag-drama. Baka ipatapon pa ako nila Mommy sa states kapag nagkataon. Ang dami ko ng nainom na alak, halos hindi ko na nga maramdaman ang katawan ko. Basta huli ko na lang naalala ay may lalaking lumapit  sa akin, panatag naman ako dahil kilala niya ako pero ako hindi ko na siya halos makilala sa sobrang lasing. Nakapikit na ako at nakapatong ang aking ulo sa mesa na kinaroroonan ko. Ramdam kong kinarga niya ako, mayamaya ay nilapag din. Nang sumilip ako nasa loob na ako ng sasakyan.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko rito.

"Lasing na lasing ka, magpahinga ka na lang muna at ihahatid kita sa inyo kapag okay ka na." sagot naman nito.

"No! Huwa mo ako ihatid sa bahay, huwag mo rin ako ihatid sa hospital. Gusto ko muna lumayo, away from the pain." saad ko rito at pumikit na ulit.

"Are you okay?" tanong nito.

"Do I look like okay to you? Tanga ka ba o bobo? Akala mo iinom ako at maglalasing ng walang dahilan?" saad ko rito habang nakapikit.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago Keshelle, ang ganda mo pa rin kapag nalalasing. Ang daldal mo pa, alam mo na-miss ko 'to gawin. Iyong ako ang sumusundo sa 'yo tuwing nalalasing ka." saad naman nito.

Naramdaman ko namang inayos niya 'yong seatbelt ko at pinaandar na ang sasakyan.

"Sino ka ba?" tanong ko rito.

"Lasing ka na talaga, it's me Jaqson." saad nito.

Hindi na ako nag-abala pang dumilat nang marinig ang pangalan nito, ngumiti na lang ako sabay saad...

"Jaqson? Iyan 'yong lalaking niloko ako eh. Siya 'yong nagparamdam sa akin na hindi ako enough, na ganoon lang ako kadali ipagpalit. Siya 'yong nagtulak sa akin na hindi maniwala sa happy ending." saad ko rito at tuluyan ng tumulo ang aking luha.

"I'm sorry, sobra akong nagsisi na nagawa ko 'yon sa 'yo. Patawarin mo ako Keshelle, hayaan mo akong bumawi sa 'yo." paghingi nito ng tawad.

"Babawi ka tapos sasaktan mo ako ulit? Jaqson, pagod na akong masaktan. Lagi niyo na lang ako sinasaktan, goal niyo ba 'yon ha? Kasi kung oo, basag na basag na ako. Nakuha niyo na 'yong goal niyo!" humihikbing saad ko rito.

"Keshelle may nangyari ba? Alam ko hindi ako 'yong iniiyakan mo, hindi ako ang rason ng sakit na nararamdaman mo ngayon. Ano ba ang nangyari?" tanong nito.

"Someone broke my heart, again..." sagot ko rito.

Agad niya namang natapakan ang preno.

"Who?" tanong ulit nito.

"Lucsian, who happened na first love pala ni Keshelle. Damn, do I look like a bridge to them?" tanong ko rito.

"I'm sorry to hear that, tahan na." saad nito sabay punas ng luha ko.

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon