Chapter 1

6.8K 123 1
                                    

"Hindi ko talaga alam kung saan 'to dadalhin ang babaeng 'to eh. Hindinniya naman siguro ako bubugbugin kapag nagising siya na nasa condo ko siya 'no? Alangan namang iwan ko 'to sa daan, baka pagpiyestahan pa 'to ng mga tambay."

"Miss, saan ba ang bahay niyo at ihahatid na kita." gising ko rito.

"Hmm," ungol nito.

"Miss kung 'di mo sasabihin sa condo ko na lang muna ikaw tumuloy ha? Promise wala akong gagawing masama sa 'yo." paalam kon rito.

Pero tanging ungol lang ang sinasagot nito, iinom-inom ng marami tapos hindi pala kaya. Naku, 'tong babaeng 'to. Kung hindi lang sana ako naawa sa babaeng 'to baka iniwan ko na ito roon. Nang makarating na ako sa parking area ng aking condo na tinutuluyan ay kinarga ko na ito. Napailing na lang ako nang kumapit ito sa may leeg ko pero himbing na himbing pa rin sa pagkakatulog.

Hindi ko 'to puwede dalhin sa bahay, ngayon pa naman ang uwi ni Sychea baka doon siya sa bahay pinatulog muna ni Zachaos. Matawagan nga 'yon mamaya.

"Good evening Sir, bagong chix niyo po?" bati sa akin ng guard na nandoon.

"Naku hindi po, kaibigan ko lang po 'to." sagot ko naman dito.

"Ilang beses mo na sinabi sa akin na kaibigan mo lang? Ikaw bata ka, dahan-dahan lang ha?" natatawang saad nito.

"Kuya naman, kaibigan lang 'to promise." natatawa ko ring sagot dito.

Minsan kasi pag may babae akong dinadala sa condo eh siya 'yong laging nakakakita. Nagpaalam na ako rito at nagpatulong lang sa pagpindot ng elevator.

"Miss ayaw mo ba talagang gumising?" gising ko rito pero wala itong pake.

"Bahala ka na nga, huwag mo lang talaga ako mabugbog bukas kapag nagising ka." saad ko rito sabay sa pagbukas ng elevator.

Inayos ko naman sa pagka-karga ang babaeng 'to at pinindot na ang password ng aking silid. Maya-maya pa bigla itong nagising at makikita sa mukha nito ang pagkagulat.

"Nasan ako?" mahinang tanong nito.

"I helped you earlier, hindi ka kasi gumigising kaya dito na lang kita dinala sa condo ko." sagogt ko naman dito at nilapag na siya sa kama ko.

"Ang sakit ng ulo ko tapos ang init pa," saad nito sabay hinubad na naman ang coat na pinasuot ko sa kan'ya kanina.

"Anong ginagawa mo?" saway ko rito at talikod.

Hindi naman 'to bago sa akin, pero hindi ko mapaliwanag kung bakit nakakaramdam ako ng awkward sa babaeng 'to.

"Ang init gusto ko ng fresh air," sagot nito.

Napaawang na lang ang aking bibig nang lingunin ko 'to. Tanging panloob na damit na lang ang naiwan na saplot sa katawan niya. Bigla akong napalunok nang tumambad sa akin ang katawan niya. Napatitig ako mula sa labi nito pababa sa leeg niya, dibdib pababa sa hita niya.

"Control yourself Lucsian, huwag papadala sa temptasyon." saad ko sa aking sarili.

Kumuha na lang ako ng damit ko para isuot sa kan'ya. Total naman naiinitan siya 'yong itim na sando na lang ang isusuot ko sa kan'ya. Agad akong lumapit sa kan'ya at hinila ito para malagyan ng unan ang likuran. Naku naman, tulog na naman siya.

Inayos ko na 'yong damit at sinuot sa kan'ya, hindi naman siya mabigat kaya naging mabilis lang ito. Napalunok ako ng sarili kong laway nang mapunta ang aking tingin sa mapupulang labi nito. Hindi ko namalayan pababa na pala nang pababa ang aking labi at tuluyan na itong lumapat sa labi ng babaeng 'to.

Dampi lang sana pero may nagtutulak sa akin na palalimin ang halik na 'yon kaya pumatong na ako sa babaeng 'to at mas pinalalim ang halik. Hihiwalay na sana ako nang bigla kong maramdaman ang pagtugon nito sa halik ko at hinahaplos naman ng kamay niya ang aking katawan.

Mas lalo akong uminit nang idiin niya ang aking ulo para mas lumalim pa ang halik. Habol-habol ko ang aking hininga nang pakawalan ko na ang labi niya.

"Bago tayo magpatuloy, gusto ko muna sabihin sa 'yo ang pangalan ko. Ako nga pala si Keshelle. Ikaw?" nakapikit na saad nito.

"I'm Lucsian," sagot ko rito habang nakapatong pa rin sa kan'ya.

Pinulupot nito ang kang'yang braso sa aking leeg at ang hita nito sa aking bewang. Gusto ko pa tigilan ang bugso ng aking damdamin pero traydor ang aking katawan. Hinalikan ko ang labi nito at nilaro ang tenga niya gamit ang aking dila pababa sa leeg niya habang hinihimas ang hinaharap niya.

Napaungol naman ito sa sobrang sarap kaya mas lalo akong ginanahan. Habang nasa kalagitnaan kami ng aming paghahalikan bigla itong umiyak. Akala ko nagkakamali ako pero umiyak talaga ito kaya umalis ako sa pagkakapatong sa kan'ya.

"Why did you stop?" lumuluhang saad nito.

"You're crying, i'm really sorry." paghingi ko ng tawad dito.

"Bakit hindi mo ipagpatuloy ha? Dahil sa weak ako? Ano, sagot!" sigaw nito.

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi nito, ano bang pinagsasabi niya.

"Wala akong sinasabi na gan'yan," sagot ko naman dito.

"Fuck me! Total naman wala akong kuwenta, go gawin mo na 'yong gusto mong gawin sa akin." umiiyak na saad nito.

"Miss look, wala akong plano na masama sa 'yo. I'm trying to stop my self, pero nakaka-tempt ka. Pero kung ayaw mo naman, I respect that at hindi kita pipilitin." paliwanag ko rito.

"Bakit ganoon? Tingin nila lagi sa akin walang kuwenta, walang plano sa buhay. Hindi ba nila ma-appreciate 'yong efforts ko?" umiiyak na saad nito

Napaupo naman ako sa tabi niya at kinuha ang kumot para itakip sa kan'ya.

"Why are you saying this? Hindi ko naman iyan sinabi kanina ah." naguguluhang tanong ko rito.

"I almost gave them everything, halos wala na nga akong tinira para sa sarili koneh pero bakit hindi nila 'yon makita?" humahagulgol na saad nito.

Hindi ko alam pero naaawa ako sa kan'ya, lumapit ako rito at isinandal ang ulo niya sa dibdib ko.

"Iyan ba 'yong rason kaya ka naglalasing kanina?" tanong ko rito.

"Oo," humihikbing sagot nito.

"Kaya pala napaka-wasted mo tignan kanina, Miss alam ko umiinom ako pero promise hindi sagot ang alak sa kahit anong problema." payo ko rito.

"I know. Wala lang talaga akong malapitan kaya mas pinili ko na lang uminom." sagot naman nito.

"Next time huwag ka iinom ng sobra lalo na at 'di mo kaya." bilin ko rito.

Bigla naman itong umayos ng upo at harap sa akin, "Iinom ako ng marami para sa ganoon iligtas mo na naman ako." nakangisi nitong sagot.

"Sige ka baka ma-fall ka sa akin niyan," biro ko rito.

"Fall? Kalokohan, para sa mga mahihina lang ang fall na 'yan. Tapos ano magkaka-inlove-an?" sarkastikong saad nito.

"Ang advance mo naman mag-isip, walang ma-i-inlove dahil walang happy ending!" nakangising sagot ko rito.

"Ang happy ending sa fairy tale lang nangyayari hindi 'yon nag-e-exist sa tunay na buhay!" sagot naman ni Keshelle sabay pahid sa luha niya.

"I guess magkakaintindihan tayo, pareho tayo ng pananaw eh." sagot ko rito.

"So ano na, friends?" alok ni Keshelle.

"Friends with benefits?" biro ko rito.

"Puwede rin," nakangiting sagot nito.

"Joke lang, depende na lang!" natatawang sagot ko rito.

Hindi ko alam pero unang beses pa lang kami nagkakausap nito pero ang gaan na ng pakiramdam ko sa kan'ya.

Siguro it's a start of a new friendship with her.

---

A/N: Hellooo ito lang muna update for this night. Sa mga hindi pa nakakabasa ng Book 1 better to read it para makilala niyo si Sychea at Zachaos. Pero okay na rin kung tinatamad kayo. Hehe! ❤

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Where stories live. Discover now