Chapter 12

2.2K 61 1
                                    

"Zachaos, tama na!" Awat ko sa kan'ya nang susuntukin niya sana si Aubrei.

"Bakit ka gan'yan Aubrei? Masaya na kami eh, magpaplano na kami para sa kasal namin. Masaya ka na ba at nakikita mo kaming nasisira ni Sychea ha?" umiiyak na saad ni Zachaos dito.

"I didn't mean it Zachaos, joke lang 'yon eh pero tinotoo niya pala. I'm really sorry," sagot ni Aubrei dito.

"Do we look like a joke to you Aubrei? Nagmamakaawa ako sayo, nakikiusap. Lubayan mo na ako Aubrei please? Mahal na mahal ko si Sychea, hindi na kita mahal. Matagal na tayong tapos, sana tanggapin mo 'yon!" sigaw ni Zachaos dito.

"Mahal na mahal kita Zachaos... Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kung tuluyan na kitang lulubayan." umiiyak na saad ni Aubrei rito.

"Wala ka ng puwang sa buhay ko Aubrei, kahit gawin mo pa lahat. Kahit bumawi ka pa, wala na ring magagawa 'yon. Dahil dito, si Sychea na lang ang laman nito." matigas na saad nito kay Aubrei sabay turo sa puso niya.

"She already dumped you, ako Zachaos handa akong tanggapin ka. Sa akin ka na lang please..." umiiyak na saad nito sabay hinawakan ang kamay ni Zachaos.

"I can't, ayaw ko na makita ang mukha mo rito sa resort. Aubrei habang may respeto pa ako sa 'yong natitira, umalis ka na at huwag ka na manggulo." seryosong saad ni Zachaos dito.

"Fine, dahil mahal kita hahayaan na kitang sumaya. Pero Zachaos, gusto ko malaman mo na sobra akong nagsisi noon na ginago kita. Huli ko na kasi napagtanto na ikaw pala dapat 'yong binigyan ko ng halaga. Nagsisisi ako na huli na bago ako natauhan, huling-huli na para ipaglaban ka pa." umiiyak na saad ni Aubrei.

"Go, leave!" sigaw ni Zachaos dito dahilan para mapapikit ito.

"I'm really sorry for everything, Lucsian sorry din." paghingi nito ng tawad at tuluyan ng umalis.

Napaupo na lang sa buhangin si Zachaos at pinatong ang mukha sa sarili niyang tuhod. Nilapitan ko ito at umupo sa harap niya.

"Zachaos tahan na, magiging okay rin kayo ni Sy. Naniniwala ako sa 'yo na hindi mo hahayaang mawala siya. Maaayos niyo rin 'to," pagpapalakas ko sa loob nito.

"Pero Kuya nakita mo naman kung paano ako ipagtulakan ni Sy 'di ba? Kuya natatakot ako na baka ayaw niya na talaga, Kuya mahal na mahal ko siya." umiiyak na saad nito.

Bigla ko tuloy nakita ang sarili ko sa kan'ya, ganitong-ganito ako noon nang makipaghiwalay sa akin si Maureen. Halos hindi ako makakain ng maayos noon tapos iyak lang nang iyak. Ayaw ko naman na mangyari 'yon sa kan'ya kaya tutulungan ko siya na magkaayos ni Sychea.

"Bigyan mo muna siya ng panahon para huminga, kasi ikaw kailangan mo rin 'yon. Kailangan kapag nag-usap kayo eh pareho na hindi mainit ulo niyo. Ako na bahala kay Sy, hindi ko siya hahayaan na umalis." saad ko rito.

Tumango lang ito sabay niyakap ako, alam ko malalaman ito nila Mommy kaya kailangan ko rin magpakatatag para matulungan si Zachaos na magpaliwanag.

"Lucsian, alis lang ako ha?" biglang paalam bi Keshelle.

Tumango lang ako rito sabay sinenyasan naman niya ako tungkol kay Zachaos. Noong nahimasmasam na si Zachaos, bumalik na kami sa buffet area. Kailangan niya kasi ng tubig at kailangan ko na rin kumain, napatingin naman ako sa iba't ibang parte ng resort habang naglalakad dahil hindi rin nakakain si Keshelle kanina.

Nang nakarating na kami, bigla kaming nagkatinginan ni Zachaos nang mapansin na nandoon sila Mommy at mga magulang ni Sychea na seryosong nakatitig kay Zachaos.

"Anak is that true?" biglang simula ni Mommy.

"Mom no," maikling sagot ni Zachaos sabay yuko.

"Zachaos Sychea is crying badly, bakit mo 'yon nagawa?" naguguluhan na rin na saad ni Mommy.

"Mom, hindi ko 'yon magagaw. God knows how much I love Sychea, misunderstandingang po 'yon. Mali siya ng pagkakaintindi sa sinabi ni Aubrei." sagot naman ni Zachaos dito.

"Aubrei, iyon ba 'yong babae na pinahiya si Sychea noong kumain tayo?" biglang sabat ni Tita.

"Yes po, nanggulo na naman po siya. Tita maniwala kayo sa akin, wala akong planong lokohin ang anak niyo. I'm sorry if  I made her cry pero Tita hindi ko po talaga 'yon sinasadya.paliwanag nito habang nangingilid ang luha.

"Ako Zachaos hindi ako manghihimasok sa problema niyo ni Sychea, pero ang masasabi ko lang... Kung totoong mahal mo ang anak ko ipakita mo, suyuin mo at patunayan mong mali at hindi totoo ang sinabi ng Aubrei na 'yon." payo sa kan'ya ni Tita.

"Zachaos you should listen to your Tita, wala na akong gusto pang maging daughter in law Zach. Gusto ko si Sychea, kaya kung ano man 'yan ayusin mo na habang maaga pa." saad naman ni Mommy.

Tumango na lang si Zachaos sabay pahid ng nangingilid niyang luha.

"I feel so down Mommy, paano nalang kung hindi na ako tanggapin ni Sychea?" malungkot na saad ni Zachaos.

"Iho mahal ka ng anak ko, suyuin mo lang 'yon gaya ng sinabi ng Tita mo. Trust yourself, kung hindi totoo edi ipakita mo ganoon lang. May tiwala naman kami sa 'yo eh, kaya this time ipapaubaya namin sa 'yo 'to." saad naman ni Tito.

Napangiti na lang ng mapakla si Zachaos, alam ko deep inside naguguluhan na rin siya kung ano ang gagawin.  Nagpaalam na lang muna siya na pupunta siya ng silid, ako naman na kanina pa walang kain eh kumuha na ng makakain.

"Asan na ba ang Keshelle na 'yon, baka himatayin 'yon sa gutom." mahinang saad ko habang pumipili ng pagkain.

Matapos kumain eh naisipan ko na pumunta sa mini-bar namin, kakilala ko naman ang bartender kaya halos tikman ko lahat ng inumin na nasa menu for that night. Magaling siya, magaling din si Zachaos na kumilatis ng tao pagdating sa negosyo. May mga tinanggal siya last time dahil sa madumi nilang trabaho, naiwan naman eh 'yong mga loyal sa pamilya namin.

Madami-dami na rin ang aking nainom kaya naisipan ko maglakad sa may dalampasigan, naalala ko na naman 'yong pangako ko dati kay Maureen...

"Mahal kapag nasa tamang edad na tayo dadalhin kita sa resort namin tapos gagawa tayo ng bonfire at mag-iihaw ng mallows. Syempre manonood tayo ng mga bituin, ang perfect siguro ng day na 'yon no?"


Akala ko matutupad namin 'yon pero hindi na pala, bigla akong napangiti sa alaalang iyon. Lately lagi ko siyang naiisip, bakit kaya?

"Lalim ng iniisip natin ah?"

Bigla naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Keshelle, nand'yan ka pala. Kumain ka na ba?" tanong ko rito.

"Oo, actually kanina pa kita hinahanap and good thing you're here." sagot naman nito.

"Pasensya na kung naiwan kita kanina ha? Gusto ko lang kasi sana lumanghap ng sariwang hangin. Pagkatapos ng nangyari kanina, nahiya tuloy ako sa 'yo." sagot ko naman dito.

"Why?" takang tanong nito.

"Supposed to be magsasaya tayo rito pero tignan mo naman 'yong nangyari kanina." malungkot na sagot ko.

"Hindi mo naman 'yon kasalan tsaka isa pa, unang araw pa lang natin dito. Malay mo bukas magka-ayos na sila." positibong saad nito.

"Sana nga, pero Kesh kung hindi ka na nag-eenjoy sabihin mo lang ha? Maiintindihan ko kung uuwi ka na." sagot ko naman habang nakatingin sa buwan.

"Uuwi? Lucsian i'm not leaving, nasa leave ko na 'to sa trabaho kaya susulitin ko na. Ikaw, mag-enjoy ka rin. Just think positive, alam ko magiging okay na sila Sychea." nakangiti nitong saad.

"Bakit parang siguradong-sigurado ka yata?" takang tanong ko rito.

"I already make my move earlier, trust me. Everything will be fine." nakangisi nitong saad.

Napakunot na lang ang aking noo sa sinabi nito, ano kaya ginawa ng babaeng ito?

---

A/N: Helllooo :)

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Where stories live. Discover now