Chapter 9

2.4K 63 0
                                    

Hindi na rin ako nag-abala  na tanungin pa si Keshelle tungkol sa painting hindi rin kasi siya nagkuwento tsaka baka ma-offend ko pa siya kung nagtanong ako. Dumiretso na kami sa labas at pumasok na sa aking sasakyan.

"Kumain ka na ba?" tanong ko nang makapuwesto na ito.

"Not yet, ikaw ba?" balik nito sa akin ng tanong at kinabit ang seat belt niya.

"Hindi rin, sabay na lang tayo mamaya sa bahay." sagot ko at pinaandar na ang aking sasakyan.

"Okay," maikling sagot nito sabay kuha ng litrato niya.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kan'ya minsan, napaka-blooming niya kasi tignan sa suot niya.

"Lucsian, ano sabi ng Mommy mo?" sinula nito sa usapan.

"Sabi niya okay lang daw tsaka i'm sure na magiging masaya ka. Nandoon si Sychea, mabait 'yon makakasundo mo." sagot ko naman dito.

"You keep on inserting that Sychea, do you like her?" biglang tanong nito.

Agad ko namang naapakan ang preno ng aking sasakyan dahil sa tanong nito.

"Hala, paano mo naman nasabi 'yon?  Tsaka fiancee siya ng kapatid ko." sagot ko rito.

"Because I can see how you idolize her," sagot nito habang nakatitig sa akin.

"No, parang ano lang if ever man na may makilala akong babae gusto ko 'yong kagaya niya. I can say na sobrang suwerte ni Zachaos sa kan'ya. Sobra akong nag-aadmire the way how she handle Zachaos. Pero 'yon lang, hanggang doon lang." paliwanag ko sabay liko ng aking sasakyan papasok sa village namin.

"Hmm, matignan nga mamaya and sasabihin ko sa 'yo kung ano impression ko sa kan'ya." sagot nito sabay ayos ng suot niya.

"Sige, basta kung may mga tanong sila sa 'yo sagutin mo lang. Huwag ka mahiya, mababait ang mga tao sa bahay promise." sagot ko sabay parada sa aking sasakyan.

"Hey, nandito na tayo?" kinakabahang tanong nito.

"Yup, don't worry lagi akong nasa likod mo." sagot ko sabay kindat.

Nauna na akong bumaba at dumiretso sa backseat para kunin ang gamit niya. Maya-maya pa bumaba na rin ito na nakabusangot ang mukha.

"Oh, anyare sa 'yo?" takang tanong ko rito.

"I thought you'll gonna open the door, naghintay ako Lucsian!" sagot nito habang nakasimangot.

"Kaya naman pala, I told you already Keshelle hindi ko 'yon gawain kasi 'di naman tayo. Tsaka gawain 'yon ng mga mag-jowa. Remember?" paalala ko sa kan'ya.

"Wow naman! Hanga na talaga ako sa 'yo sa sobrang gentleman mo." saad bito sabay irap.

"Magtampo ka lang diyan sige ka, wala kang ibang makausap mamaya." biro ko pa rito.

"Edi uuwi na lang ako," saad nito sabay nag-umpisa ng maglakad.

"Hey joke lang! Syempre 'di naman kita iiwan, tara na." habol ko sa kan'ya sabay kapit sa braso niya.

"Ikaw kasi eh, lakas mo mangpikon." sagot nito at sumabay na sa akin.

"Joke lang kasi 'yon, tsaka hindi talaga ako gentleman. Ayaw ko maging paasa Keshelle, kasi once na nagpakita ka na you really care to that someone then that's the time na magsisimula siyang umasa." paliwanag ko rito.

Bigla nama itong tumigil sa paglalakad at binawi ang braso niya.

"Alam mo I really like how straight forward you are, actually sinusubukan lang kita. And base sa sinabi mo, I think your heart is covered by metal." sagot nito sabay ngiti.

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Where stories live. Discover now