Chapter 16

2.2K 60 1
                                    

Sobrang saya ko pagkatapos namin mag island hopping, syempre mawawala ba ang picture? Syempre hindi, ako ang nagmistulang model ni Lucsian kapag may gusto siyang kunan ng litrato. Aayaw pa ba ako kung magaling 'yong photographer ko? I also got my tan skin, tagal ko rin pinangarap magka-tan tapos natupad pa ngayon.

"Masaya ka ba?" tanong sa akin ni Lucsian habang naglalakad pabalik sa mgs kuwarto namin.

"Oo naman, thank you Lucs." nakangiti kong saad dito.

"Marami pa tayong gagawin, susulitin natin ang bakasyon na 'to." saad naman nito.

Tumango na lang ako rito at kumaway na, hinatid niya muna ako sa aking silid at tuluyan na siyang umalis. Hindi ko na lang mapigilan ang aking sarili sa pag-ngiti, now I already saw the Lucsian Turner's soft side.

Naligo na lang ako at nagbihis na ng usual beach outfit. Tinanggal ko na rin sa pagkaka-braid 'yong buhok ko. Napatingin naman ako sa aking cellphone nang mapansin na may message ito.

"How are you? I missed you already, daanan mo ako pagbalik mo ha. Enjoy ka lang diyan, i'm doing fine here. Take care loves!"
-
"Sure thing, I missed you too. Don't forget to take your meds okay? I'll surely take a lot of pictures para ipakita sa 'yo. Get well soon loves."

Napangiti na lang ako matapos ko itong i-send, ang sweet talaga nito. Makapamasyal nga mamaya, baka may souvenir shop sila rito. Bibilhan ko siya ng mga pasalubong. Habang abala sa pag-aayos ng aking sarili, may kumatok na naman sa pinto ko.

"Yes, sino 'yan?" tanong ko habang nananalamin.

"Ruben po ma'am," sagot nito.

"Sige po Kuya, pasok." saad ko at nilingon ito nang bumukas ang pinto.

"Ma'am pinapasabi po ni Sir Lucsian na pumunta raw po kayo sa buffet area pagkatapos niyo magbihis." saad nito.

"Sige po Kuya, salamat po." nakangiti konh saad dito.

"Ma'am kung hindi niyo po mamasamain, may tanong po sana ako." biglang saad nito.

"Ano po 'yon Kuya?" sagot ko rito.

"Kayo po ba ni Sir Lucsian?" tanong nito.

Bigla akong natawa sa sinabi nito, "Naku Kuya magkaibigan lang po kami." sagot ko naman dito.

"Ganoon po ba? Akala ko po kasi eh, ngayon ko lang po ulit nakita si Sir na ganoon kasaya eh." sagot naman nito.

Bigla namang napawi ang aking ngiti sa sinabi nito, "Hayaan niyo na Kuya sasaya rin ulit 'yong Amo niyo." sagot ko sabay ngiti ng mapakla.

Nagpaalam na ito kaya tinapos ko na ang ang aking pag-aayos. Isang highwaisted short ang suot ko na kulay abo at isang black na sleeveless. Isang flip flops na lang din ang sinuot ko.

Dinala ko na 'yong cellphone ko at dumiretso na sa buffet area.

"Ang ganda talaga rito, kukuha ako ng maraming litrato mamaya para kay loves." mahinang saad ko habang pinagmamasdan ang paligid ng resort.

Pagkarating ko sa buffet area eh nakita ko kaagad si Lucsian.

"Halika na, nakahanda na 'yong kakainin natin." tawag nito sa akin.

Dumiretso na rin ako sa inuupuan nito, "Wow ang sarap naman nito!" nalalasap na saad ko rito.

"Atin 'yan lahat! Sige na kumain ka na." saad nito.

Turner's Series 2: Fixing You (Completed)Where stories live. Discover now