Chapter 24: The Report

Start from the beginning
                                    

Hindi ko nga alam kung naaasar ba sya o hindi. Wala kaseng nagbabago sa ekspresyon nya. Poker face. Kung hindi bored , walang buhay at malamig naman ang boses nya.

Minsan nga naiisip ko kung bakit gustong gusto ko syang makikilala pa. Marami namang ibang babae dyan , yun nga lang hindi sila tulad ni Mahgie na parang wala manlang intetest sa akin. Tsk.

Kung titignan ko nga sya ng matagal sa mata wala akong nakikitang bahid ng pagka crush o pag kagusto sa akin.

Fuck! Ano ba itong pinag iisip ko? Bakit napunta sa crush crush na yan?

Tsk.Nevermind.

Change topic. Baka saan pa mapunta..

Friday na naman pala. Ang bilis ng oras. Habang nagmumuni ako dito sa loob ng kotse ko. Napatingin ako sa side mirror ng makitang paparating si Mahgie na nakasakay sa bisekleta.

Sya lang ang studyante sa K.U na nakabisekleta.. Wala ba syang kotse?

Sabagay baka pinagbawalan sya mga kapatid nya.

Hindi ko namalayan na nakaalis na ito. Nakita ko na lang yung bisekleta nyang nakaparada sa gilid.

Bumaba na ako at sinukbit sa kaliwang balikat ang bag. Naglakad ako ng nakapamulsa ang kanang kamay sa pants ko. Habang ang kaliwang kamay ko naman ay nakahawak sa strap ng bag.

Halos lahat ng madaanan ko ay napapatingin sa akin. Yung iba nagpapapansin ,kinikilig , nagpapacute. Maraming nag aabot sa akin ng letter at chocolates. Pero ni isa wala akong pinansin. Hindi ko nga sila tinapunan manlang ng tingin. Diretsyo lang tingin ko at tuloy sa paglalakad na parang ako lang ang nag eexist sa mundo. Dahil wala akong pakealam sa mga babaeng hindi nahihiyang sila pa ang gumagawa ng move para sa lalake. Tsk.

"Yoww Insan! Tambay muna tayo. Maaga pa naman eh"

"Oo nga Jax. Sa paborito mong tambayan. Sa garden?"

Inakbayan pa ako ng dalawa habang sinasabi yan. Napakunot noo ako dahil naglakad na ang mga ito kaya napasabay ako ng wala sa oras dahil naka akbay sila sa akin . Tsk.

Mukang magkasundo na naman ang dalawa. Ano na naman kayang trip ng dalawang to?

Inis na tinanggal ko ang pag kakakbay nito ng makarating kaming garden. At sinamaan ko sila ng tingin. "Ano na naman bang trip nyong dalawa?"

Nag taas ng dalawang kamay ang mga ito na parang susuko. Ngumisi pa ang mga ito. Tsk.

Umupo naman ako sa bermuda grass. Hindi ko naman maiwasang tumingin sa taas ng puno baka nandun ulit si Mahgie. Nadismaya naman ako ng makitang wala sya.

"Uyyy may hinahanap si Insan"

"Tsk. Wala"

"Eh bakit pasulyap sulyap ka kay Mahgie----sa taas ng puno pala"

Pasulyap sulyap? Fuck! Tumingin lang ng isang beses sa taas ng puno . Pasulyap sulyap na?

"Tigilan mo ako kung ayaw mong mabatukan"-banta ko. Tumiklop naman ang bibig nito. Pero maya maya lang ay nagbulungan sila ni Red. Kaya napakunot noo ako. Dahil nakatingin at nakangisi ang mga ito sa akin habang nagbubulungan.

Mas mainam pa yata pumunta na akong room. Wala akong mapapala sa mga ito. Si Sike naman tahimik na nagbabasa ng libro. Binabasa nya yung book namin sa english may reporting-----O___O

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now