Chapter 43 - Miyaw (September 27, 2018)

Начните с самого начала
                                    

"Kapag tayo namatay."

"At least sabay."

"Gago. Huwag mo ako pagtripan. Vulnerable pa naman ako ngayon." She tried to make it sound like a joke.

"Let me ask you something." Hindi pa rin pinapaandar ang sasakyan. Kinuha lang nito ang dalawang kamay niya mula sa likod at iniyakap sa bewang nito. "What the hell is happening inside your house?"

"Alam mong may ganap sa bahay namin?"

"I'm just acerbic, not stupid. Maayos pa rin naman memorya ko kahit papaano. Hindi ba 'yun 'yung best man sa kasal ni Tom na sinabi mong hindi mo boyfriend."

"Yeah." Gustong matawa ni Miala. Naalala niya ng sabihan ni Andres si Lenard na parang may baby brain na matatanggal na at hindi natutubuan ng permanent brain.

"If I get right that time, you were sounding off like he was your ex. And now, he's your, what? Brother?"

"Wow ang talino mo." Binabaan niya ang boses niya to mimic Andres.

"Don't copy my tone!"

"Eh 'di nalaman mo rin ang feeling kapag may sarcastic sa harap mo?"

"Just answer me."

"Kapag ba hindi ako sumagot, hindi tayo aalis dito? Kasi hindi na lang ako sasagot."

"No. Lalo kong bibilisan pagpapatakbo."

"Eh kasi ganito nga." Sumagot naman agad si Miala. "Our parents are now living in."

"Okay. So. Okay lang sa kanila that you have dated?"

"Hindi alam ng nanay ko. And don't ever use that against me, okay? Kasi secret 'yun. Walang alam 'yung nanay ko na mag-ex kami."

Hindi sumagot si Andres at agad nang pinaandar ang motor.

"Ahhhhh!"

Panandalian lang ang sigaw ni Miala. Dahil maya-maya, hindi niya akalaing mageenjoy na siya. Eto pala ang tinatawag nilang joyride. Parang gusto niyang bumitaw at dumipa.

Pero halos walog minute pa lang siyang masaya, bigla na silang huminto.

PawFur

Nasa gate ang isang malaking logo ng foundation.

"So totoo lahat ng sinabi mo kay mama?"

"Sa tingin mo nagsisinungaling ako? Tingin mo sa'kin, ex mo?"

"Haha! Ang adik mo. Hindi ba pwedeng oo o hindi lang isagot mo minsan? Masyado kang marunong."

"Because you are judging me."

"I am not judging you. Eh sinungaling ka kaya. Paano mo nasasabi 'yung mga ibang remarks mo while maintaining a poker face?"

"I'm not a liar. I'm just sarcastic. There is a difference." Seryosong sabi nito.

Napatigil tuloy si Miala sa pagatake ng mga salita dito.

"Oh, sorry na."

"Right. Diyan ka lang."

Iniwan ni Andres si Miala sa isang upuan sa auditorium. Then she learns na wala ngang kasinungalingansa pinagsasabi ng lalaking ito. Lahat nga ng mga parte ng banda dito ay mga animal lover. At ang PawFur ay isa sa pinakatransparent at pinaka active na animal welfare foundation sa bansa.

As a vetmed student and a fellow animal lover, sobrang nattutuwa siya na dinala siya ni Andres dito.

After a few minutes, madami nang pumasok. Marami pa siyang nakitang mga teenagers na umattend na may banner ng Mcdodo. She really can't help but smile. May fans naman pala ang banda ni Andres.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Место, где живут истории. Откройте их для себя