Chapter 21: Black Reaper

Start from the beginning
                                    

O_O

Kung ganon sang ayon talaga ito sa pustahan namin nung dalawa?
Tumingin ako sa likod at nakita kong nag aasaran parin yung dalawa.

Fuck! Hindi pa rin sila tumitigil hanggat hindi sinusuway.

"Ipapaalam ba natin sa dalawa yan ang planong pag babantay kay Mahgie? "

Tumango ito "Kailangan nilang malaman. Mabuti rin kung sabihin natin ito kay Hence."-sumang ayon ako sa sinabi nya.

Sumakay na ito sa kotse nya at hinintay nya si Red.

Nababadtrip na ako sa dalawang to ah. Malalaking hakbang na lumapit ako sa kinaroroonan nila at binatukan silang dalawa ng malakas na agad na nagpatigil sa kanila.

"Aray Insan naman"

"Ang sakit mo mambatok Jax"

Sinamaan ko sila ng tingin. "Kanina pa namin kayo hinihintay . Mas inuna nyo pa yang pag aasaran nyo. Mga isip bata ba kayo?!"-inis na sabi ko.

Umiling si Red "Sya lang "sabay turo kay Insan.

Magsasalita pa sana ito ng sinamaan ko sila ng tingin.

Tumalikod ako. "May mahalaga tayong pag uusapan. Kaya dalian nyo"-sigaw ko. Nagtatakbo naman ang mga ito papuntang kotse at agad na sumakay.

Pa importante talaga. Nakikisakay na nga lang . Ang lakas ng loob na paghintayin ang may ari ng kotseng sinasakyan nila. Tsk.

*****

"Anong pag uusapan natin? Tungkol ba ito sa pustahan natin? Susuko ka na?"-sunod sunod na tanong ni Red. Ng makaupo ito sa single sofa.

Napaisip ako sa sinabi nya "Tuloy ang pakikipag kaibigan ko sa kanya. Pero hindi na tuloy ang pustahan"-sabi ko. At sumandal ako sa pader. Seryoso akong nakatingin kay Red at Pinsan na biglang naguluhan.

"Hindi kita maintindihan Insan"

"Tuloy ang pakikipag kaibigan mo? Pero Hindi na tuloy yung pustahan? Diba pustahan natin eh maging kaibigan mo sya?"-litong tanong ni Red.

Napabuntong hininga naman ako. "Ang ibig kong sabihin makikipag kaibigan ako sa kanya hindi dahil sa pustahan. Kaya naman wala ng pustahan na magaganap. Hindi nyo na ako bibigyan ng tickets to Canada at Brand new car from Hong Kong. Dahil may kailangan kayong malaman . Kaya mas mabuting itigil na lang ang pustahan na yan"- sabi ko. Napag usapan namin to ni Sike. Sinabi nya sa akin na huwag ng ituloy ang pustahan at maging totoo ako. Kailangan ko syang maging kaibigan hindi dahil sa pustahan kundi dahil sa kailangan naming syang bantayan at protektahan.

"Bakit ? Anong dahilan?"-sabay na tanong nila. Ganyan yang dalawa na yan kapag nagkakasundo. Laging sabay mag salita. Hindi yan coincidence . Pinag usapan nila yan. Tsk.

"Kailangan nating maging malapit sa kanya. Para mabantayan natin sya"-si Sike na ang sumagot. Nagkatinginan naman yung dalawa. At nagbulungan. See?

"Babantayan natin sya?!"-sabay na namang tanong nila. Sinamaan ko sila ng tingin. Parang mga ewan..

"Bakit kailangan natin syang bantayan ?"-Red

Napatingin kami ng biglang bumukas ang pinto ng Tambayan namin. At pumasok si Hence.

"Yoww mga pare."-bati nito at nakipag pist bump. "Ano bang sasabihin nyo?"-tanong nito. Tinawagan namin sya dahil kailangan nya ring malaman.

"Nakita namin si Black Reaper kanina sa parking lot na nasa likod ni Mahgie"-seryoso kong sabi.

O_O-sila

"ANO?!"-sigaw nilang tatlo

Napatayo si Red sa pagkakaupo sa sofa "Takte! Si Black Reaper yun. Posibleng may balak itong masama kay Mahgie"

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now