" Oo. " Sagot ko sakaniya. Nakita ko naman na nagliwanag ang mukha niya. Naghiyawan naman ang mga kasama namin.
Tangina nang mga 'to, parang nanood lang ng teleserye, eh.
Lumapit naman siya sa iba at nakipag-apir. Binati siya ng mga kasama namin ng congratulation.
" Lande!" Sigaw ni Aiken. Nagtawanan naman silang lahat.
Ihahatid ko na sila sa gate kase uuwi na din agad sila.
" Natanong agad kita kase kapag 'di kita tinanong sa araw na 'to, ililibre ko sila." Sabi ni Alton sa'ken. Biglang napa-poker face ako sa sinabi niya.
Ibig sabihin,dare lang 'yon? Wala ba siyang balak na tanungin ako?
Ang dami na namang katanungan ang pumapasok sa isip ko. Lahat sila tanong at walang kasagutan akong nakukuha.
" Pero salamat ha. "Ngiti niya sa'ken at nagpaalam na.
Totoo ba 'yong tanong na 'yon?
" Ayan nililigawan ka na ng crush mo. Yiiieee! " Pang-aasar ng kapatid ko sa'ken. Nginitian ko na lang siya at umakyat na sa kwarto ko.
Natapos na ang simbang gabi. Last day ng simbang gabi ang huling pagsasama namin at huling contact namin sa isa't isa, wala ring paramdam.
Ganito ba ang nanliligaw? Walang effort na ginagawa? Ibig sabihin parang napilitan lang talaga siya n'ong tinanong niya ako kung pwede siya manligaw?
Madami paring katanungan ako hanggang ngayon. Huling pagsasama namin talaga 'yong simbang gabi dahil nanlibre si Jihun ba 'yon o si Alton? Hindi ko na matandaan.
'Yong araw na pati na 'yon pareho kaming tatlo nina Jihun at Alton ng damit, pare parehong baseball tee shirt. Pag-aakalain mong planado 'yon o aakalain mong uniform.
Magn-new year na ngayon at binati ako ng mabait kong bestfriend.
" Happy New Year, nuno! Talon ka mamaya ha! Para naman tumangkad ka na! " Chat sa'ken ni Xarles. Kahit kailan talaga, sarap niyang sapakin.
" Happy New Year Kapre, 'Wag ng tanga sa exam ha? " Pang-aasar ko sakaniya. Sinend-an niya naman ako ng angry face.
Grabe, kahit picture niya lang nakita ko naii-imagine ko 'yong makapal niyang kilay on fleek na kumunot.
" Sad na sad ha? Dapat happy, bes. Iniisip mo parin ba 'yon?"
" Ba't mo alam na sad ako? "
" Ramdam ko lang HAHAHA, 'wag mong isipin 'yon. "
" Totoo 'yong sinasabi niya."
" Ramdam ko. "
" Kaya 'wag ka ng sad."
" Thanks."
END OF THE FLASHBACK...
#11CodesGAMEOVER
190305
===========
Follow me on my Twitter Account: @amimarisame
Like my facebook page: @amimarisame
Follow me on Instagram: @amimarisame
for more updates about the story!
Ask me on my Curious cat @amimarisame about the story!
Thank you for supporting 11 Codes: GAME OVER! Godbless you all and stay hydrated! ^^
YOU ARE READING
11 Codes: GAME OVER
RomanceI'm not allowed to tell you this... So I'm going to tell it to you in a different way... 11 Codes: GAME OVER... Please answer it...
