Fieldtrip na namen at sa Baguio ang location, isa na din 'to sa mga malayong Fieldtrip na pinuntahan ng Danforth. Hindi namin kasama ni Aiken ang Mother and Father namin which is excited ang kapatid ko kase first time na hindi sasama sina Dad at Mom sa'min.
Ako kase na-try ko na ng wala sila. Noong Grade 6 ako na sa Subic ang location at noong Grade 7 ako, sa Manila lamang.
Gabi ang aming alis, mga 10pm. Kaming mga Junior High ay sama sama sa loob ng Bus, sino ba namang may gusto na sumakay sa bus na ang kasama mo ay mga Elementary kids, hindi mo sila makaka-vibes.
So, katabi ko siJaslyn, tapos sa likod naman namin ni Jaslyn sina Aiken at Jihun.
" Bes, ito iyo, oh." Sabi niya sa'ken at may ini-abot na mga Korean snacks. Talagang tig-isa kami ng snacks.
Bigla ako nahiya, ah. Bigay 'yon ng mama niya, eh. Kinuha ko 'yong bigay niya at nilagay sa bag ko.
'Di rin nagtagal bumyahe na kami. Naka-chat ko pa si Alton kani-kanina nung nasa bahay ako. Hindi siya sumama sa fieldtrip at balak niyang tawagan na lamang ako o i-chat upang kamustahin which is okay sa'ken. Iingitin ko siya, HAHAHAH.
Tulog kaming lahat habang nagb-byahe at nagising nung malapit lapit na kami sa Strawberry Farm.
Hindi namin na experience 'yong strawberry farm kase may nagdaang bagyo kaya naman walang strawberry. Ang na-experience ko lamang ay ang malamig na tubig, ang strawberry flavor na taho at T-shirt na ibinili sa'ken ng Mama ni Jaslyn. Okay hiyang hiya na ako.
Ang init din dito sa Strawberry Farm pero keri bells lang naman kahit naka-jacket ka.
After sa Strawberry Farm, nagbyahe na kami papunta sa next location namin at habang nagb-byahe, sumuka naman si Leigh. Sa likuran pamandin namin siya, sa dulo. Hellish experience, naka-aircon pa kami. Tawang tawa naman sina Praise d'on sa likod.
The Mansion ang next location namin, gate pa lamang napapanganga na ako, hahaha. Ang laki kase, puro picture ang ginawa namin d'on .
Madami pa kaming pinuntahan. Mines View na may malaking aso pero hindi ko nakita dahil nagpa-hena tatoo ako. Sunod naman ay ang school ng mga military. Tapos ang huli ay ang Burnham Park.
" Sa'n tayo? " Tanong ni Jian. Magkakasama kami ngayon ng kaklase namin ni Jaslyn. Si Jian at Praise lang kasama namin. Nawala 'yong iba.
" Magboat tayo, gusto ko I-try." Yaya ni Jaslyn. Napatingin naman kami sa lawa ng Burnham Park, madaming couples, friends and families na nagbabangka d'on.
" Tapos lulunurin kita. " Pang-asar ko kay Jaslyn. Madaming tao dito sa Burnham Park.
Pumunta na kami sa entrance n'ong bangka at nang kami na ang susunod.
" Baka malunod tayo dito! " Sambit ni Jian nang sasakay na siya sa bangka.
" 'Di 'yan, basta 'wag kang malikot." Tawa naman ni Praise. Sumakay na kami at ang nagsagwan ay ang mga boys. Apat lang kami sa Bangka, since apat lang naman kaming sumama na Grade 10 dito sa Fieldtrip.
Pinagmamasdan ko ang paligid habang nagsasagwan sila.
Hindi na ako awkward kay Jian hindi katulad n'ong dati, past na naman 'yon at alam kong hindi naman totoo 'yong kalat na 'yon.
May gusto kase sa'ken si Jian n'ong Grade 9 kami at siya 'yong nagregalo ng cake sa'ken nung birthday ko. Hindi ko nga lang siya pinayagan manligaw sa'ken kase hanggang friends lang ang tingin ko sakaniya. Ayokong pilitin ang sarili kong magka-gusto sakaniya kung alam ko naman na hindi talaga ako magkakagusto.
Si Praise at Jaslyn naman, may something din sa dalawang 'yan. Hindi ko nga minsan maintindihan ang status ng dalawang 'yan , eh. Minsan ayaw, minsan gusto. Si Praise lang nag-aantay diyan kay Jaslyn. Loyal forever , hahaha.
" Pa-try mag-sagwan. " Sambit ni Jaslyn, syempre ako nakigaya. In the end, kami namang girls ang nagsasagwan at tangina ang hirap.
" Oh diba ang hirap? " Pang-aasar ni Jian.
" HOY, BABANGGA NA TAYO! " Sigaw ni Praise at napalingon naman kami sa bangkang mababangga na namin.
" HOY! HOY! LULUBOG NA TAYO! " Parang tangang pagpapanick ni Jian habang tumatawa.
" GAGO BA'T MO BINITAWAN! " Sigaw ko kay Jaslyn kase binitawan niya 'yong sagwan. Masyadong na Shook sa nangyare.
" HAHAHAHAHHA" Tawa lang ni Jian, Kinuha naman ni Praise 'yong sagwan na binitawan ni Jaslyn.
" PAGTAYO NALAGLAG DITO SA BANGKA! TANGINA LULUBOG AKO! HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY! BRUHA! " Pagsesermon ko kay Jaslyn.
" Ba't ba nila tayo binabangga wala naman tayo sa bump car!?" Sagot ni Jaslyn.
" Mahirap kase I-handle 'tong sagwan. " Sambit naman ni Praise.
" Balik na nga tayo! " Sabi ko naman.
" Wait, pano ba 'to iliko? " Tanong ni Praise habang iniisip kung pano iiikot ang bangka para makabalik kami sa daungan.
" HALA! MAIISTRANDED NA TAYO DITO! " Sigaw ni Jian pero halatang hindi siya nagpapanick.
" MARAMI PA AKONG PANGARAP! " Sigaw naman ni Jaslyn na nagpapanick na.
" ANG LAYO PA NATIN SA DAUNGAN! " Sigaw ko, malapit na kase kami sa Dulo.
" TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI! "Sigaw ni Jian habang tumatawa.
" TANGINA NAMAN JIAN, OH. KUNG NAGSASAGWAN KA NA LANG." Saway ni Praise sakaniya, tinawanan lang siya ni Jian at kinuha sa'ken ni Jian 'yong sagwan.
Inabot rin ata kami ng oras bago kami makabalik sa daungan, ilang bangka rin ang nabangga namin.
Nagpunta naman kami sa playground ng may makita kami, nagyaya kase d'on si Jaslyn. Ngayon lang ata nakakita ng playground.
Nagpa-stay muna kami d'on hanggang magdesisyon na namin na bumalik na sa bus total malalim na din ang gabi.
Nang makauwi na kami sa'ming bahay. Inabot rin kami ng gabi sa pag-uwi. Baguio hanggang sa'min. Pag-uwi namin ayon, nag-online lang ako upang mag-upload ng pictures at wala naman akong natanggap kay Alton na miski tuldok at call sakaniya. Tokis amputa.
Pero may natanggap akong isang message mula kay Xarles.
" Pandak, try mo nga 'to dalii! " Chat niya sa'ken sabay may sinend na link. " Kamo, ang galing. Nahulaan 'yong crush ko! "
" Bukas ko na it-try. Inaantok na ako. " Reply ko sakaniya.
" Ngayon na dali, madali lang naman e. " Pagpupumilit niya. Napa-irap na lang ako at nagkunwaring binuksan ko 'yong link.
" Nagawa ko na, goodnight."
Kasalukuyan akong nakahiga sa higaan ngayon at ka-chat si Alton, nagkakamustahan. Hindi kami nagkikita dahil sembreak na ngayon at kahit sa Moma lang siya nakatira at sa Vanora lamang ako. Hindi parin kami nagkikita dahil taong bahay ako at taong court siya.
Peaceful ang aking araw ng biglang magchat sa'ken si Xarles.
" Crush mo pala si Alton ha."
#11CodesGAMEOVER
181119
===========
Follow me on my Twitter Account: @amimarisame
Like my facebook page: @amimarisame
Follow me on Instagram: @amimarisame
for more updates about the story!
Ask me on my Curious cat @amimarisame about the story!
Thank you for supporting 11 Codes: GAME OVER! Godbless you all and stay hydrated! ^^
YOU ARE READING
11 Codes: GAME OVER
RomanceI'm not allowed to tell you this... So I'm going to tell it to you in a different way... 11 Codes: GAME OVER... Please answer it...
