Code 1

230 11 1
                                        

FLASHBACK...

I found out that Alton likes Shairan. Woooh! Sources~are super the best.

Na ikwento lang ni Aiken sa'ken. Actually 'di kami close ni Alton. Friends? Maybe? Nagkakausap lang kami regarding sa KPOP, especially BTS. 'Cuz I'm a fan of that. Maybe also him?

During school time, pag nakakasalubong ko siya kung break time man inaasar ko siya. Hahaha, nahihiya siya eh.

So one time, taking Class picture and malapit sa classroom namin yung room na gagamitin for the photoshoot. Doon ko nakita ng maayos si Shairan. 'Yung una ko kaseng nakita sakaniya, she's still not wearing uniform tsaka grabe yung ponytail niya. Hagod na hagod ang buhok at parang matatanggal na ang anit sa pagkakaipit sakaniya.

" Tignan mo Khy!" Tawag ni Lyn habang sumisilip sa labas ng classroom para makita 'yung mga first year student especially the transferees.

Tumayo naman ako para sumilip sa hinahanap niya at may tinuro siya sa'ken. Si Shairan, wearing our school uniform, and this time nakalugay ang 'yung buhok niya.

Maganda nga talaga siya. Ayos naman pala ang taste ni Alton.

Nabanggit samin ni Ma'am Meiran na mabait na bata si Shairan. Makikita mo talaga sa mukha ni Ma'am na she adores her so much.

Siguro nakakahiya maging kaibigan siya kase kami nina Lyn, mahilig mang trip and base sa kwento ni Ma'am Meiran parang Maria Clara na Maria Clara siya.

So 'yon nakilala ko na si Shairan and from some point, dumating 'yung araw na tinutulungan ko na si Alton na mapansin siya ni Shairan. I did my really best to convince him na be her friend muna. Syempre d'on muna dumadaan ang lahat diba?

Pero hotangina, sobrang lala ng ka-torpehan niya na tipong nauunahan na siya. Yah know, yah know.

" Lapitan mo kaya ano? " Pilit ko sakaniya habang tinitignan namin si Shairan. Kasalukuyang nakatambay ako sa labas ng room.

" Nahihiya ako. " Sabi nito habang nakatitig lang kay Shairan.

" Putang inang ka-torpehan 'yan. " Malutong na mura ko sakaniya. Minsan talaga mapapa-putang ina ka talaga sakaniya. Gigil ako eh.

" Shy type kase ako. " Sagot nito saken.

" Oo na lang. "

Nandito kami sa labas ng room at tinitignan yung mga ka-schoolmate naming pumapasok na sa kani-kanilang classroom.

" Ang ganda niya talaga. " Sambit ni Tonny.

" Gumawa ka kase ng moves, mapapasayo ba 'yan kung wala kang ginagawa? Wow galing non! " Irap ko sakaniya, kinurot niya lang 'yung pisngi ko.

Matagal ko na talaga siyang pinipilit na gumawa ng moves kay Shairan kahit 'yung sa chat manlang maging frenny's sila o kaya sa personal.

" Wala ka talaga. " Naiiling kong sambit ng makita kong umakbay si Ishin kay Shairan.

" 'Tong baklang 'to." Sambit naman ni Tonny.

" Mas magaling pa si Ishin sayo. Breezy kung breezy. Ikaw? Nga nga! "

" Pumasok na kayong dalawa. " Napatayo ako ng sabihin ni Ma'am Meiran 'yun, sumunod naman si Tonny na sasabay na kay Ma'am tutal next teacher nila yun.

Pagpasok ko sa room, bumuntong hininga na lang ako. Nakakabadtrip talaga ka torpe-han ni Alton. My gash, iba ang level!

" Pang malakasan ang pagka-shy boy ni Tonny, ka badtrip. " Bulong ko, tumawa naman sina Saun.

11 Codes: GAME OVERWhere stories live. Discover now