Code 2

80 2 1
                                        

Ilang days ang lumipas, sa bawat araw na 'yon. Nagtitimpi na ako kay Alton kase kingina ang torpe. Ang daming nasayang na araw! My gash, nagdaan na yung birthday niya pero wala parin.

Naloloka na ako.

Wait ba't ba ako 'yung nam-mroblema sakaniya?

Well, syempre tinutulungan ko siya para makamit ang gusto niya.

Ngayon nasa labas ako ng room ng kapatid ko kasama si Saunier at natatanaw ko na naman siya na lalapit sa'kin. Kausap ko 'yung kapatid ko about sa party list na gagawin niya kase mage-election na sa school at gusto ng Teacher namin na may pwesto kami sa Student Council kaya kinakausap ko yung kapatid ko na gusto maging President.

Si Lyn kase sa ka-tangahan niya sa ibang party list siya napasali.

" Pagmeeting-an na lang natin kung anong pwesto ang ilalaban niyo. After class pumunta na lang kayo dito sa classroom. " Sabi ni Aik sa'ken, tumango-tango naman kami ni Saunier.

Naramdaman ko na naman ang akbay ni Tonny sa'ken. " Kayna Kuya Aik ka? "

" Mukha bang hindi? " Sagot ko sakaniya, iniwan na kami ni Saunier at susunod na sana ako kay Saunier ng pigilan ako ni Tonny. Si Aiken naman kinausap na si Jihun na gustong mag Vice President.

" Mag-escort ako kase muse nila Mylar si Shairan. 'Di nga lang ako nakapasok sakanila kase si Ishin ang Escort nila." Sabi nito sabay irap nung binanggit niya ang pangalan ni Ishin. " Sino Escort niyo? "

" Si Yasu. "

" Ba'yan, sainyo na lang sana ako. " Pagmamaktol niya. " 'Yan tuloy kina Sir na lang ako. "

Gustong gusto niya talaga sa pwestong escort. 'Kala mo naman e ang pogi niya para maging escort ng school.

After class tulad ng sinabi ni Aiken sa'min ni Saunier, pumunta kami sa classroom nila para pag-usapan ang pwesto at paghandaan na kung ano ang mga speech pagdating ng mismong election.

Si Jaslyn pumunta na din sa party list niya kung saan President nila ang Ex ni Tonny na si Marycarmy.

'Di ko ba alam kung anong nagustuhan ni Tonny dito kay Marycarmy? Last year, transferee 'yang si Marycarmy at katu-tungtong palamang ng high school si Tonny, nagulantang na lang ako na sila na.

Nakakatawa nga 'yung mga rants ni Flu dyan kay Marycarmy. Bigla ko tuloy na-miss siya Flu, lumipat ba naman siya sa Upwind.

Actually galing din d'on si Saunier eh, kaso lumipat rin siya dito sa Danforth.

After the meeting na buo na 'yung pwesto. Buti na lang at hindi ako napunta sa muse kase balak nilang gawin akong muse, buti sa may P.R.O na ako napunta, kapartner yung bestfriend ni Aiken.

Tapos napag-usapan na kung sino ang magpapa-print at kung ano ano pa. Naramdaman kong wala akong maiitulong sa partylist namin. I can feel it na.

=

" Vote mo ko ha! Escort ako! " Chat ni Tonny saken ng magbukas ako ng phone pagkatapos ko magpalit ng damit." Tapos vote ko din kung saang pwesto ka~ "

" Kina Sir ka? "

" Oo. Vote mo ko! " Um-oo na lang ako. Tangina ulit-ulit e. " Tulungan mo ko maging escort ha! Tulungan din kita maging P.R.O. "

Nakipag-deal ako sakaniya. Wala naman akong pake kung manalo o matalo ako sa pwesto. Kase ang totoo wala talaga akong balak sumali, pinilit lang ako ni Ma'am Meiran since last year na din naman 'to kase mag Senior High na kami next year.

11 Codes: GAME OVERWhere stories live. Discover now