Code 7

36 1 0
                                        

     " Crush mo pala si Alton ha." Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko 'yong chat ni Xarles sa'ken. Aba ang gagong 'to.

Pinagsasabi ng lalaking 'to?

" Yak." Reply ko sakaniya, syempre pa-deny muna ang ate ninyo. Tapos sinearch ko agad ang name ng kapatid ko.

Baka sinabi ni Aiken, sasapakin ko siya kapag sinabi niya sa tangang 'to. 

" Sinabi mo ba kay Xarles 'yong kay Alton? " Chat ko sa kapatid ko at binuksan ko na 'yong chat ni Xarles.

" Don't deny it bes, sabi na ,eh. Isa sainyo may magkakagusto HAHHAHAHA." Reply niya, parang demonyo sa imagination ko 'yong tawa niya. N'ong isang araw pa man din bina-blockmail ko siya na ilalantad ko mukha niya sa birthday niya kase naka-album sa phone ko 'yong mukha niya.

Tapos ngayon, siya na nangb-block mail. Ang bilis talaga ng karma.

Ang dungis lang talaga kase ng mukha niya na nakita ko sa main account niya gawa siguro ng bigote niya kaya nagmumukhang madungis.

One time, nag-chat siya sa'ken na. " Bes, I feel like I'm a new born baby! "

Tapos nagtaka ako kung bakit, tapos pinakita niya na nag-ahit na siya. Nahiya naman daw kase siya sa'ken. Nakakatawa lang talaga kase 'yong picture niya na mukhang haggard na haggard. Kahit si Aiken, tawang tawa ng makita mukha niya n'ong may bigote siya.

Nakita ko namang nag-chat na ang kapatid ko. " Hindi."

Hala, pa'no niya nalaman?

" Seener ka na ah, akala ko pa naman hindi mo sasagutin 'yong link na binigay ko pero kanina lang triny mo HAHAHAHAHAHA. " Explain ni Xarles sa'ken. 

Aba, hayop.

Bigla ko namang naalala 'yong kanina na triny kong buksan 'yong link na binigay niya kagabi sa sobrang curious ko kung ano 'yon?

" Nakaconnect kase 'yon sa email ko Hahahaha. Kapag sinagutan mo 'yon, ibibigay nila sa'ken 'yong sagot mo." Biglang nag-sink in sa utak ko 'yong sinasabi niya. 

Ghash! Tangina, na-uto na naman ako ng gagong 'to.

" ABA TANGINA MO! XARLES! "

" 'Wag mo ilantad ang pictures ko at hindi ko sasabihin kay Alton na gusto mo siya." Offer niya sa'ken na nagpa-deal sa'ken.

Pareho na kaming may Blackmail sa isa't isa. Dapat hindi ko na lang sinagutan 'yong link na 'yon. Ba't pa kase ako na curious, eh.






      Kanina pa ako tulala dito sa study table ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko? I've been thinking this, eh. I have this urge to tell him that I like him pero iniisip ko din at the same time kong anong mangyayari after kong sabihin 'yon?

Do we enter the relationship na ba? Pero hindi mangyayari 'yon dahil hindi ko naman siya manliligaw.

I feel like we'll enter the " M.U " thing which is I don't like. Wala kaseng commitment. In short, walang LABEL.

Kong sabihin ko man na gusto ko siya, ano 'yon? Saka lang siya d'on manliligaw when he already knew that he have this 100% sureness na sasagutin ko siya. Dahil alam niyang gusto ko siya.

Panget rin.

I think I really need to keep this feelings for him. Hays.

Kinuha ko na lang 'yong notebook ko at magd-drawing sana ako ng mapansin ko 'yong binary codes na nakasulat sa notebook ko.

" Ayown! " Napasambit ko ng may ma-isip akong paraan.

Isinulat ko na ang plano ko sa notebook ko at kung pa'no ang flow niya. May paraan na rin akong na-isip if ever na masagutan niya 'to. Ang hindi siya payagan ligawan ako at kalimutan siya sakaling masagutan niya 'to.

Alam ko namang matalino siya dahil naalala ko na isa siya sa mga naka perfect sa Exam sa Math n'ong 2nd year Junior High ako. At the same time, bobo din siya kapag ganito. 

Ayaw ko man gawin 'tong pinaplano ko pero kailangan mo para magka-thrill naman ang life ko. Walang ka plot twist plot twist. If ever na hindi niya masagutan, edi go with the flow. 

Tumunog naman bigla ang phone ko, si Alton nag-chat.

" Hi crush! "

Napalunok ako. 'Eto na. Mukhang magsisimula na ako. Nagsimula na akong mag-type at sinend agad ang mensahe ko.

" 01000111. "

" Ano 'yan? " 






#11CodesGAMEOVER

181201

===========

Follow me on my Twitter Account: @amimarisame

Like my facebook page: @amimarisame

Follow me on Instagram: @amimarisame

for more updates about the story!

Ask me on my Curious cat @amimarisame about the story!

Thank you for supporting 11 Codes: GAME OVER! Godbless you all and stay hydrated! ^^ 

11 Codes: GAME OVERWhere stories live. Discover now