Ngayon ang araw ng Christmas Party at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
'Wag ka mag-expect! Tangina, masasaktan ka talaga kapag hindi nangyari 'yong iniisip mo.
Huminga ako ng malalim at na-upo sa isa sa mga arm chair sa loob ng classroom nina Aiken. Dito namin napag-usapan na maki-epal na lang sa christmas party nina Aiken, dahil adviser nila si Ma'am Bly. Wala namang problema sakanila, basta magdala na lang daw ng foods.
Kasama ko si Aiken papunta rito. I'm wearing a denim jumper na short sabay pinarter-an ng white pocket tee na binili ko sa penshoppe n'ong nagshopping kami para mamili ng pang monito at monita. Pinartner-an ko din ng white Keds shoes na kapareho ko naman si Ma'am Bly na nakagan'on din.
Actually mukha akong bata sa suot ko na 'to, mapapagkamalang Grade 7 pa lang ako.
" Hi Kuya Aiken! " Napalingon ako sa lalaking bumati sa kapatid ko. Si Alton.
Naka brush up ang buhok niya at nakasuot ng white baseball tee shirt na pinartner-an niya ng black pants.
Bagay sakaniya.
Hindi ko alam pero hindi ko siya binati at pinansin, gan'on din naman siya sa'ken. Na upo lang siya isa sa mga arm chair at nakipagdaldalan kay Aiken samantalang ako nagkakalikot sa phone ko.
Grabe, ba't parang ang awkward? Hindi ko gusto 'yong feeling. Galit ba siya sa'ken? Ba't gano'n?
Nangyari na ang mga events sa school, tawang tawa pa ako tsaka sina Praise at Jian dahil sa pinaggagawa namin. Nakisakay na rin naman 'yong iba.
Pinagtripan kase namin si Emmanuel.
Bago ang Christmas Party, naisali ako ni Praise sa PEN PINEAPPLE GC nilang magkakatropa na kilala ko naman dahil mga kaklase ni Aiken lang naman 'yon.
Tapos puro magagandang babae pa sa school 'yong mga kasali sa GC. Hindi ko alam kung bakit in-add ako ni Praise d'on, mukha lang akong nagmamanman sa mga kalokohan nila.
Tapos sabi ko kay Praise isali 'yong dum account ko na si Alchemy Akihito. Sinali ni Praise 'yon at nagtaka si Emmanuel ba't may kasali na hindi kilala. That time, ang profile ko ay ang poging artista sa Thailand na naging idol ko ng manood ako ng isang Thai drama.
Eh, walang alam sila sa mga Thai Celebrities and mukhang Filipino pa ang mga ito, akala niya ay si Alchemy 'yon.
Hanggang sa napunta na sa babanatan niya na si Alchemy which is ako. Ako naman si gaga, mas lalong iniinis siya kaya naman sabi daw ay mag-aabang na.
Sinabi ko sa chat na dadalo ako sa Christmas Party nila tapos mag-aantay daw siya.
Edi, ito 'yong araw na christmas party. Online ako sa Alchemy account ko.
" Pumunta ka sa court ng Moma, d'on tayo magsapakan. Tang ina mo, babasagin ko talaga mukha mo." Chat ni Emmanuel sa PEN PINEAPPLE.
" Geh lang, gawin mo kung kaya mo. " reply ko.
" Tara Leigh! Samahan mo ko sa court ng Moma! Babangasan ko lang 'tong isang 'to. Ang yabang eh! " Rinig kong yaya ni Emmanuel kay Leigh na naka-upo.
Nasa classroom kami ngayon, kaklase ko nga pala 'yang mainitin na gungong na 'yan na si Emmanuel. Never ko 'yang nakasundo after ng pangyayari n'ong Grade 5 kami.
ESTÁS LEYENDO
11 Codes: GAME OVER
RomanceI'm not allowed to tell you this... So I'm going to tell it to you in a different way... 11 Codes: GAME OVER... Please answer it...
