" Sabay tayong umuwi." Napalingon ako sa nagsalita. Si Alton.
" Aba'y bilis bilisan ang kilos." Sabi ko sakaniya, kumaripas naman siya papunta sa classroom niya.
This past few days sumasabay siya pauwi kasama ko. Pero ilang saglit lang rin naman ang kaniyang pag-sabay dahil lumiliko din agad siya ng daan dahil iba ang daan ng kaniyang bahay compare sa'min nina Jaslyn na lalabas ng Moma Homes at papasok naman sa kabilang subdivision, which is ang Vanora.
Sarado rin naman ang shortcut na mas mabilisang pagpasok sa Moma kaya nagtsatsaga kaming umakayt pa ng pagkatarik-tarik na daan papuntang Vanora.
Nasa gitna na nga pala ako ng ginagawa kong plano para sabihin sakaniya ang aking nararamdan, at labis ang kaniyang pagtataka kung ano 'yong mga sine-send ko sakaniya.
Mamayang gabi mags-send na naman ako sakaniya.
Ilang minutes lang nakarating na din agad si Alton sa classroom ko at umalis na kami, kasabay namin si Aiken, Jaslyn at si Zora, ang bunsong kapatid ni Jaslyn.
Habang naglalakad kami pauwi, nagtaka ako kung bakit hindi lumiko si Alton, sumabay parin siya sa'min.
" Wala ka bang balak umuwi? " Tanong ko sakaniya. Ngumiti naman siya.
" Ihahatid kita sa botika niyo. " Sagot niya.
" Yieee, nililigawan mo na ba ang baby Khyre ko. " Pang-aasar ni Jaslyn kay Alton. Natawa naman si Zora.
" Nako, lande." Sabi naman ni Aiken.
" Hindi ko pa siya nililigawan. " Sabi ni Alton. Nanlaki 'yong mata ko sa sinabi niya.
My goodness, tama ba 'yong narinig ko? May " pa " , ibig sabihin may chance na ligawan niya ako? Kailan naman 'yon? Pero, pa'no kung sinasabi niya lang 'yon tapos hindi niya naman ginawa? Knowing him, sa salita lang siya magaling.
Hindi ko alam pero nararamdaman kong namumula ang mga pisngi ko. Buti na lang at nasa likuran nila ako, atleast hindi nila nakikita na nagpipigil ako ng kilig dito.
Madami akong iniisip habang naglalakad kaya hindi ko na namalayan na nasa botika na kami. Hindi ko alam kung bakit sumunod din dito sina Jaslyn at Zora. Pumasok rin sila sa loob ng tindahan at na-upo sa gilid, samantalang ako na-upo sa may nakalatag na matress. Ito 'yong hinihigaan ko minsan kapag tinatamad ako.
" Nako, 'to na." Pa-irap irap na sambit ng kapatid ko. Si Jaslyn at Zora naman, mga ang wawagas ng ngiti. Kinikilig sila.
" Oh bakit nandito kayo? " Tanong ni Mother.
Nakita ko naman si Alton na hindi pumasok at nanatili lamang sa pwesto kung sa'n lang dapat ang customer.
" Tita, magpapaalam lang po ako." Sambit ni Alton.
" OMAYGOSSSSHHH! " Nagpipigil na kilig ni Jaslyn sabay hampas kay Zora.
" Aray ko naman." Sambit ni Zora ng maramdaman niya ang palo ng ate niya.
" Nang ano 'yon? " Tanong ni Mother.
" Aakyat lang ho ako ng ligaw kay Khyre." Sabi ni Alton. Natigilan ako sa sinabi niya, tutok lang ako sa cellphone ko ngayon at parang wala akong naririnig at wala akong pake sakanila.
Huta, nagpaalam siya! Nagpaalam siyang liligawan niya ako! How brave! Khyre, pigilan mo ang kilig mo at pigilan mo ang ngiti mo, nakakahiya. Grabe, seryoso ba siya? Mataas ang standards ko when it comes to this.
Narinig ko naman ang tawa ni Mother na para bang hindi siya makapaniwala sa nangyayari. She knows that I like Alton. She knows it! And this is the first time na may nagpaalam sa Mother ko na liligawan ako.
YOU ARE READING
11 Codes: GAME OVER
RomanceI'm not allowed to tell you this... So I'm going to tell it to you in a different way... 11 Codes: GAME OVER... Please answer it...
