Chapter 36: IRONIC

Magsimula sa umpisa
                                    

I want to be mad at her but I can’t withstand her look, smile and how she says my name.

Nagmumukha na akong tanga pero paulit ulit ko parin ginagawa basta makasama lang sya.

These ironic feelings… I want to end it but how?

Humarap ulit ako at muling tumingin sa kanya. Kung gaano kabagal ang lakad ko, ganun naman kabilis ang tibok ng puso ko.

I declare this war at mukhang ako pa ang unang susuko. Mali, matagal na akong sumuko since that day that I met her.

“Sabi nya opposite attracts kaya nagkakasalubong kaming dalawa, ibig bang sabihin, opposite din tayong dalawa kaya nakita kita ngayon?”

Napaangat sya ng tingin sa akin and I cant help myself but to smile back at her. Halata sa itsura nya ang pagkagulat ng makita ako.

“Sungit”

“Kamusta, Panget na Alien? Na-miss kita ah…”

Kung alam nya lang kung gaano ko sya kagustong yakapin ngayon, kung gaano ko hinahanap ang presesnsyana sa loob ng ilang lingo naming di pagkikita.

“Hindi kita na miss…”

Yumuko sya at itinabi yung binabasa nya. Kahit iyun ang sinabi nya, iba ang pakiramdam ko lalo na at napapansin ko ang bahagya nyang pagngiti.

Tatayo pa sana sya ng maout of balance sya sa harapan ko. Agad ko naman syang sinalo at inalalayan sa pagupo.

“Kainis…”

Magkasalubong ang mga kilay nya na tumingin sa paa nya kaya napadako din ang mata ko doon. Dumudugo ito at namamaga.

Anong nangyari sa kanya?

LYRA POV

Ah, kapag minamalas ka nga naman, mukhang kailangan ko ng sumugod sa hospital. Sumasakit na talaga ang paa ko dahil sa Aquarius na yun.

Pipilitin ko na sanang tumayo pero nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Sungit at naglakad na ito.

“Hoy ibaba mo nga ako!”

Naagaw naming ang atensyon ng mga tao sa park, gusto ko man syang sipain pero hindi ko magawa dahil sumasakit na talaga ang paa ko.

Nakita ko ang isang sasakyan na nakapark sa di kalayuan. Nagtungo sya dun at binuksan ang pintuan saka ako ipinasok sa loob.

“Buckle up”

Wala naman akong magawa kung hindi ang umupo ng maayos at magseatblet. Mabilis din naman syang nagpunta sa kabila at naupo.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon