CHAPTER 21: A Small Forever

Magsimula sa umpisa
                                    

“Feeling mo naman Cute ka porket marunong ka ng magpout.”

“Hindi mo mapapansin kung hindi ka nacucute-an sakin.”

“Ang yabang mo na ah!”

“Joke lang!”

Pumasok na ulit kami ni Engot sa Room ni Renz, hinintay lang namin siyang magising. Hindi pa daw siya pwedeng idischarge kaya maybe I would visit him everyday.

Until now iniisip ko pa rin kung anong binabalak nung Ex suitor ni Engot. Ano naman kayang kailangan niya sakin?

Pagkagising ni Renz, nagpaalam na kami ni Engot na mauuna na kami. Gabi na rin kasi, kailangan ko na siyang ihatid.

“Mauna na kami.”

Tumango lang siya.

Pagbaba namin ni Engot sa Parking Lot.

“Asungot..”

“Hmm?”

“Mahal kita.”

Tinignan ko siya at niyakap.

“I love you so much more Engot.”

“Pwede favor?”

“Oh?”

“Pwede akin ka lang?”

“Oo naman. Vice versa lang, sayo ako, akin ka lang.”

Ngumiti siya. I would always treasure that smile.

Sa kotse..

“Asungot..”

Hinawakan niya yung kamay ko..

“Hmm?”

“Naniniwala ka ba sa Forever?”

“Nakakahiya mang aminin, pero Oo. Bakit mo natanong?”

“Ano bang depinisyon mo sa Forever?”

“Hangga’t mahal niyo ang isa’t isa, may Forever.”

“Eh paano kung mawala yung Isa? Kung halimbawa, nauna na yung isa sa kabilang life? O kaya, pinagpalit? Iniwan yung isa? Forever pa rin ba yun?”

“In that case, It has been a Forever. They shared.. A small Forever.. So basically, may forever pa rin.. All you have to do is to believe. Yes, it’s true na walang nagla-last for all eternity.. But as long as someone believes in it..and there’s still Love.. It’ll always be a Small Forever for me..”

Corny na kung Corny, but I started to have faith in such.. Something exists if someone believes..

“Eversince ba, naniniwala ka na sa Forever?”

“Yes.. Eversince.. Eversince makilala kita.”

“Kikiligin na ba ako?”

“Kung normal ka oo. Pero since Engot ka, ok lang wag ka muna kiligin, iprocess mo muna, take your time. Haha!”

Hinatid ko na si Engot sa bahay nila.

“Kita tayo bukas!” –siya

“See you later.”

“Eh?! Anong later? Bukas na!”

“No.. I wanna see you later.. In my dreams..”

“Ok. Kinikilig na ako. Haha! Goodnight.”

Kiniss niya ako sa pisngi.. Pinigilan ko siyang umalis kaagad, hinawakan ko muna siya sa kamay.

“I love you.”

“Mahal kita.”  Then off she go.

**

“RANIER MAPAPSAKIN KA RIN!”

Sigaw niya sabay halik ng madiin sa akin.

Nagulat ako sa ginawa niya.

Itinulak ko siya palayo at pinunasan ang labi ko.

*BOOG*

Nanlaki lalo ang mga mata ko nang makita ko si Engot, nahulog niya yung tray niya ng pagkain..

Nanginginig siya at nangingilid na ang mga luha niya..

“CAPTAIN!”

Tumakbo ako papalapit kay Engot..

“It’s not what you think!”

Niyakap ko siya.. Nararamdaman kong unti-unting nababasa yung T-shirt ko.. Goddammit! She’s crying!

“Sshh.. Please stop crying.. Wala lang naman yun.. Believe me, hindi ko yung ginusto, siya ang humalik , you saw it diba? Tinulak ko siya.. I’m really sorry Engot.. Please stop crying.. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun.. I don’t even know her..”

“A-ako..”

“Huh?”

Bumitaw ako sa yakap at hinawakan ko siya sa pisngi..

“A-ako Asungot.. Ako k-kilala ko siya..”

Tinignan niya yung babaeng humalik sakin..

“Ano bang nagawa kong mali sayo?!”

Nilapitan niya yung babae..

“Bakit? Bakit mo ginawa yun?” si Engot

Umiling yung babae..

“Hindi.Kayo.Bagay. Walang magkakagusto sayo tandaan mo yan. Walang sinuman ang magmamahal sayo. Kukunin ko si Ranier sayo.”

What the heck?! Bakit kung magsalita siya kilalang kilala niya ako?! Mag kaano ano ba sila ni Engot?!

Lumapit na rin ako sa kanila at inakbayan ko si Engot.

“Pwede ba?! Tantanan mo na kami ng Girlfriend ko?! I don’t know kung anong meron sa inyo. I don’t know you. Kung hindi ka naman mahalagang tao sa buhay ni Engot, better make your way out. Wag na wag mo siyang sasaktan. And don’t even try to take me away from her, dahil bukod sa hindi kita papatulan, hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo. Hindi ko niligawan at minahal si Engot para saktan. Kaya DON’T DARE.”

Tinalikuran nanamin siya ni Engot.. Kaso may pahabol pa siya..

“Walang nagmamahal na hindi nasasaktan. Hindi ka pwedeng hindi mabasa pag naligo ka sa ulan. Tandaan mo yan Louise.”

She called her Louise.. They must be that close..

Asungot and Engot: A small ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon