Chapter 18: Trouble (Part 1)

Start from the beginning
                                    

"Ano ba Insan. Bumaba ka na kase dito. Para hindi tayo nag sisigawan"-sigaw ni Pinsan. Hindi talaga sila titigil? Buti pa si Sike tahimik lang. Nagtataka naman ako kung bakit hindi nya sinusuway yung dalawa. Kapag ganito kaseng may pinipilit ang dalawa na yan . Sya agad ang susuway sa dalawa na yan na tumigil dahil naririndi sya dito.

Bumangon ako at tinignan ng masama ang pinsan kong biglang ngumisi ng mapansin pababa na ako. Si Red na bigla ding ngumisi. Tsk ano na naman kayang trip ng dalawang to?

"Ano?"-tanong ko ng makababa. Umupo ako sa bench malapirmt sa kanila. Kinuha ko yung C-2 na hindi pa nabubuksan at ininom ito dahil bigla akong nauhaw.

"Nahalikan mo na si Mahgie?"-sabay na tanong ng dalawa.

Naibuga ko naman yung iniinom ko dahil sa tanong ng dalawa. Pasalamat sila dahil agad kong naiiwas sa kanila at sa side ako tuluyang naibuga dahil kung sakali baka diretsyo sa mga mukha nila.

"What are you talking about? Fuck!"

Puro kalokohan talaga ang pumapasok sa isip ng dalawa na to. Bakit naman nila natanong yan?

Pero napaisip ako sa tanong nya...

Nahalikan ko nga ba------

Biglang pumasok sa isip ko yung aksidenteng paglalapat ng labi namin. Hinalikan ko ba sya sa lagay na yun? Parehas namin na hindi inaasahan yun...

Napatingin ako sa kanila na naghihintay sa isasagot ko. Napaisip naman ako kung kailangan ko bang sabihin yun. Pero dahil gusto ko silang asarin dahil hindi nila ako hinayaang matulog.

Nginisihan ko sila ng pangasar. Tumayo na rin ako at nagsimulang maglakad paalis.

"Hoy Insan! Sagutin mo yung tanong namin"

"Oo? O hindi?. Jaxell bumalik ka dito"

Tinaas ko yung kanang kamay ko at kinaway ito habang nakatalikod. Hindi ko na pinansin yung mga pinag sisigaw nila dun. Nakapamulsa akong naglalakad papuntang room dahil malapit na rin mag time.

*****

*Red calling....*

Bakit naman kaya tumatawag ang pula na to. Mag aalas otso na ng gabi. Ano naman kayang kailangan nito?

Nagbihis muna ako dahil katatapos ko lang maligo. Nilagay ko sa balikat ang twalya at sinimulang punasan ang basa kong buhok.

Sinagot ko na yung tawag dahil kanina pa ring ng ring.

(buti naman at binalak mo talagang sagutin. Psh) inis na sabi nito.

"Tsk. Bakit kaba napatawag? "

( Bar ) simpleng sagot nito. Narinig ko rin na may tumutugtog sa kabilang linya. At mga naghihiyawan. Nag yayaya eh mukang nauna na sa bar.

"Nag aya kapa eh. Nandyan ka na pala. Tsk"

Narinig kong tumawa ito (Ikaw na lang ang kulang dito. Nandito na rin ang Pinsan mo pati si Sike. Dalian mo at pumunta kana dito. Hindi ako sanay na kulang ang X-5)

Kung nandun lang ako panigurado . Nabatukan ko na to. Hindi daw sanay na kulang ang X-5 eh kulang naman kami dahil nasa Japan yung isa dahil nga may inutos ako.

"Tsk. Papunta na ako"-tanging sabi ko hindi ko hinintay na magsalita ito dahil inend ko na yung tawag.

"oh iho , saan ang lakad mo?"

Nakasalubong ko si manang na may hawak na baso na may lamang gatas. Napahinto naman ako.

"Sa bar po.."

"Naku iho. Huwag masyadong uminom ah . Abay kasama ba ang pinsan mo?"

Alam na kase ni manang na kapag may lakad ako ay laging kasama ang pinsang kong yun. Hindi na rin ako nagsinungaling dahil walang masama sa pagsasabi ng totoo.

"Opo manang"-sagot ko " gabi na po. Matulog na rin po kayo at magpahinga"

Tumango naman ito. Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako. Kinuha ko yung susi sa bulsa ko at sumakay sa kotse. Sinimulan ko na itong paandarin papuntang Bar na lagi naming tambayan tuwing gusto naming magpalipas ng oras pag gabi.

Pinapasok naman na ako ng guard dahil kilala ako nito. Naamoy ko agad ang mga usok at alak . Marami rin akong nakikitang naghahalikan sa sulok at nag mamake out.

May mga lumalapit sa aking mga sexy at magandang babae pero nakakatanggap sila ng masamang tingin at hindi ko na ito pipansin. Tsk.   Hindi babae ang pinunta ko dito hindi tulad ni Red na may nakaupo na sa kandungan nito at nakikipag landian. Napailing ako. Kailan kaya mag seseryoso ang pula na yan? Kapag nag ka tsunami? Tsunami? Fuck. Malabo yun. Tsk.

"Yoww bro"

"Buti nakadating ka"

Naupo na ako . Tinanguan ko na lang sila. Nanguha ako alak sa mesa . Ang dami naman ng inorder nila. Kaya ba nilang---naming ubusin to?

Limang bote ng tequila...

Sampong bote ng Red horse...

Pitong shot ng Martini...

May champaine pa...

Ganito talaga kadami. May pinagdadaanan ba ang mga to? Pero mukang wala naman. Ano to? Pa party?

Binuksan ko yung tequila at tinungga ito. Sinabihan ko si Pinsan na umorder na lang ng Iced tea dahil ayaw kong pahirapan ang sarili ko kapag ma knock out na naman ito. Advantage naman ang pagiging childish nya kaya napapayag ko ito.

Nang maubos ito ay binuksan ko ulit ang isa at tinungga. Sanay na kase ang uminom. Mataas din ang Tolerance ko sa alak. Matagal akong tamaan ng hilo. Hindi tulad ng pinsan kong knock out agad hindi pa nauubos ang isang bote.

Paubos ko na ang ininom ng biglang nagkagulo at naghihiyawan na yung mga babae. Parang may nag aaway? Wala na sana kaming balak pakealaman ito dahil wala talaga kaming pake kahit mag suntukan sila dyan..

Nagulat ako at agad na napatayo . Pati si Red na nakikipaglandian ay napatigil at biglang naitulak yung babaeng nasa kandungan nya kaya napasalampak ito sa sahig. Pati na rin si Pinsan at Sike ay napatigil at sabay sabay kaming napalingon sa nag aaway.

"SUNTUKAN NA LANG TAYO . MASYADO KANG PAKEALAMERA. KAHIT BABAE KA HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PATULAN KA"

"Tss. Suntukan lang pala eh"

ang malamig na boses na yun hindi ako maaaring magkamali. Boses ni Mahgie yun. Anong ginagawa nya dito?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pls..Vote & Comment..

Thank you...

The Coldest GirlWhere stories live. Discover now