💙Chapter 27💙

35 2 0
                                    

Abrianna

Diko nalang pinansin yung sinabi niya. Nagpatuloy siya sa pagaayos at kumuha siya ng isang kutsarang kimchi fried rice at isusubo na sana sakin ng biglang pumasok si Wyatt kaya napatingin ako sa kutsarang may kanin.

Ilalapit at ilalayo ang ginagawa ni Iverson kaya nasusundan ko yun.

"Hey! Stop! She can't eat! Bukas pa siya pwede kumain!"-pigil ni Wyatt

Kaya napatingin sakin si Iverson at dali daling sinubo sa sarili niya yung kutsara.

Para naman akong maamong pusa na nalungkot na may halong pagkadismaya at napalunok. Sarap sana nun oh mukha pa namang home made.

Napabuntong hininga ako at nagpout. Sad sad sad sad sad.

"Sorry... But you can only overcome your hungriness with water only policy for today."-sabi ni Wyatt

I pressed my upper and lower lips together and slowly nod. Nang maalala ko. "Wyatt. Sorry pala ah."-deretsong sabi ko habang nakatingin sa kanya

Napatingin siya sakin at ngumiti. "It's fine and I actually understand."-sabi niya

"Hehehe. Kamusta yung kamay mo?"-tanong ko atsaka tumingin sa kamay niyang nakabenda

Tinignan niya rin yung kamay ko. "Okay lang eh yung iyo? Mas malala yata yung iyo eh ayon sa doctor na nagtanggal ng bubog niyan."-sabi ni Wyatt

"Okay lang di na masakit."-sabi ko atsaka ngumiti at nilakihan ng mata si Iverson dahil tuloy tuloy lang yung pagsubo niya at nanunuot yun sa ilong ko badtrip

"What?"-tanong niya habang ngumunguya

Lumunok ako. "Wala."-sabi ko

"So anywayb chineck ko lang kung gising kana and I'll go first... May pasyente pako. Have a good rest every 5 hours kita bibisitahin okay?"-sabi ni Wyatt

Tumango ako. "Sige good luck. Fighting."-sabi ko sa kanya

Nginitian niya lang ako at tinanguan atsaka lumabas.

Tinignan ko ulit si Iverson na ang sarap ng kain. "Iverson... Patikim."-pakiusap ko sa kanya

Napatingin din siya sakin. "Huh? Gusto mo? Eh pano yan? Tubig lang... TUBIG."-pageemphasize niya pa

"Gawan mo ng paraan please."-lumulunok na sabi ko wahhhh gutom nako!

Nagisip si Iverson ng paraan. "There's only one way to taste this."-sabi niya

Lumunok ulit ako. "Ano?"-desperadang tanong ko

Gutom na talaga akets.

"Halikan kita? Tutal kumain naman ako eh edi yung lasa nasa labi ko pa?"-alanganing sagot niya na para bang inosente eh minamanyak niya lang ako

O_O.... -_-"What? Ayoko nga! Tch. Ligpitin mo na yan tulungan mo nalang ako maghilamos. You maniac."-sabi ko atsaka tumayo

Nanlaki yung mata niya. "Tulungan kita?"-ulit niya at tinignan ako mula ulo hangang paa. "Maghilamos?"-dagdag niya

Napapikit ako ng mariin. "Yung mukha lang atsaka buhok ko. Your over reacting and over thinking at the same time."-sabi ko

Umaliwalas yung mukha niya. "Okay."-sabi niya atsaka niligpit yung lunch boxes at nilagay sa lunch bag.

Pagkatapos nun tinulungan niya ko... Naging mabilis lang yun atsaka niya ko pinaupo sa stool at pinunasan ng tuwalyang dala niya. Ewan ko kung saang lupalop niya nakita yun.

Prosecutor is in-love with a Lawbreaker Where stories live. Discover now