💙Chapter 17💙

47 0 0
                                    

Iverson

Bumaba ulit ako. May nalimutan ako eh.

"Wyatt dude. Pahiram ng first aid kit mo atsaka pahingin narin ng pagkain."-sabi ko

"Eh? Why?"-tanong niya

"Wala lang. Pinagaaralan ko kasi yung mga gamit under first aid kit parang gusto ko narin yata magdoctor."-pagsisinungaling ko

"Dude. Di ako naniniwala sayo, kung gusto mo magdoctor pumasok ka sa university hindi yung magaaral ka ng magisa mahirap yun. Atsaka bakit first aid kit?"-tanong niya

"Anak ng teteng. Ibigay mo nalang kasi kunin mo na kukuha lang ako ng pagkain."-sabi ko atsaka nagpunta sa kusina nila

'Ano kaya gusto nun? Gatas, chocolate drink o kape? Baka wine?'

Diko maisip kung anong gusto niya kaya may dala akong isang baso ng gatas, chocolate drink, kape atsaka wine.

'Ano kaya gusto kainin nun? Kanin at ulam? Cake? Bread? Biscuits? Sandwich? Baka... pasta?'

May luto na kasing carbonara dito baka yun yung gusto niya.

Diko rin maisip yung gusto niya kainin kaya pinack ko nalang lahat. May kanin at ulam, may cake, bread, sandwich, pasta at biscuits.

'Bahala na. Pagkain naman ni Wyatt to kaya ayos lang maubos.'

"Oh eto na yung first aid kit-- Hoy! Ang dami naman niyan! Sayo lang yan?! Hoy! Nambuburaot ka ah! Naghihirap na nga yung tao!"-gulat na tanong niya nung makita niya yung dala kong trey na puno ng pagkain

"Naghihirap ka dyan. I am very very hungry."-sabi ko

"Ahh... Sige ihahatid na kita sa kuwarto mo."-sabi niya na lang

"No need dude. Finger print lang naman ang lock nun so it's fine."-sabi ko at pinalagay sa kanya yung first aid kit sa tray. Malaki kasi yung trey kasi pinagpatong ko yung mga lalagyan at yung mga biscuit, sandwich at bread nasa plastic lang kaya hawak ko gamit kamay.

Naglakad nako paakyat ng kuwarto ko at iniscan ang finger print ko... Pagkascan dahan dahan akong pumasok at walang lingon lingon na dumeretso sa mini table doon atsaka inilapag yung tray.

"Wag kang haharap!"-sigaw ni Abrianna kaya naman di natuloy yung dapat na pagharap ko

"Why?"-tanong ko

"Kasi bakit ganito yung damit?"-tanong niya

Kumunot naman yung nuo ko. "Tinatanong mo sakin eh di ko nga makita! Haharap nako--"

"No! Stay there. Bakit kasi ganito?"-pigil niya

"Ano nga?! Haharap nako!"-inis na sigaw ko

"Wag sabi eh!"-sigaw niya pabalik

"Oh eh ano?! Iimaginin ko kung anong itsura mo? Tss! Haharap nako bahala ka!"-inis na sabi ko at nakapikit na humarap sa kanya atsaka iminulat ng sabay yung mata ko

*tug tug tug tug tug tug tug tug tug tug tug tug. She is so cute.

-_-

"Oh eh anong problema sa ganyang damit?"-tanong ko atsaka nagcross arm

Ganyan ba magdamit yung pinsan ko?!

"Bakit ganito? Longsleeve? Tapos sweat short na sobrang ikli? What the heck."-inis na reklamo niya

"May sweat short ba na pambabae na mahaba?!"-sarcastic kong tanong

"Wala yata."-alanganing sagot niya

Prosecutor is in-love with a Lawbreaker Where stories live. Discover now