💙Chapter 20💙

34 1 0
                                    

Iverson

Di ko tinuloy ang iniisip na mangyari ni Abrianna. Like no! I would not do that kahit na hindi ganoon ang iniisip niya! I still have my respect and good manners pagdating sa mga babae kahit na nakukulitan nako sa kanya! Tss.

Ganoon parin ang posisyon namin pero nakapikit siya. I let out a deep sigh. "Anong ginagawa mo?"-tanong ko kaya naman napadilat siya at napaayos ng upo

Napahawak ako sa sintido ko atsaka nahiga sa lap niya at pumikit. I will take a nap for a minute.

'Sumasakit yata yung ulo ko sa kanya.'

"B-bumangonkangadyan."-mabilis na sabi niya kaya napamulat ako ng mata at tinignan siya ng inaantok

"What the hell are you saying? Nagra-rap kaba?"-tanong ko atsaka tumagilid ng higa at pumikit... Ngayon nakaharap ako sa tiyan niya. Slim naman siya bakit may baby fats padin?

"Bumangon ka dyan."-paglilinaw niya

"Paidlip muna. Sumasakit yung ulo ko."-sabi ko

"Psh. Ilaglag kaya kita."-inis na sabi niya

"Ayos lang. Paa mo naman ang tatamaan eh. Lalala lang naman yung injury mo pag ginawa mo yun."-kibit balikat na sabi ko

Wala na siyang nagawa kundi paidlipin ako.

............

Nakarinig ako ng ingay kaya naman nagising ako at napabangon. Nanlaki yung mata ko nung pumasok yung mga bowling player na naka-half naked kaya napalingon ako kay Abrianna na nanlalaki rin yung mata kaya naman tinanggal ko yung coat ko at ipinatong sa ulo niya at sinalubong ng magandang ngiti yung mga player.

"Hello sir Iverson."-bati ng mga player bawat daan nila sa harap ko na sinusuklian ko lang ng ngiti

Sinuot ko na ulit sa leeg ko ang sling bag ni Abrianna na nilapag ko sa upuan at tinapon na ang dalawang cup ng kape atsaka inalalayan tumayo.

Saktong pagpasok ng captain nila ay kakatayo lang ni Abrianna.

"Uy sir Iverson nandito pala kayo."-bati sakin ng captain nila

"Hey."-bati ko atsaka hinawakan sa ulo si Abrianna dahil tatanggalin niya yung coat na pinatong ko

'Pag tinanggal niya yun makikita niya ang katawan ng mga player na to!'

"Oh? Sir may bisita ka pala. Ngayon lang po kayo nagdala ng babae dito sa male locker."-natatawang sabi nung captain

"Ahhh hahahah kasi baka makita kasi ako ni lola at daldalin itong girlfriend ko."-iiling iling na sabi ko

'Buti nalang di ako mukhang bagong gising!'

"Eh bakit naman po nakatakip ang ulo niya gamit iyong coat mo?"-tanong niya

"Alam mo na, pag possessive si boyfriend ayaw payagan si girlfriend na makakita ng katawan ng ibang lalaki. Tama?"-natatawa na may halong ilang na sagot ko

"Ahhh! Tama sir."-nakangiting pagsangayon niya

"So we'll leave first then. Good luck sa competition niyo next week."-sabi ko

"Okay sir. Thanks."-sabi niya atsaka kami nakaalis at nang makalayo kami ni Abrianna doon inis niyang binato sakin yung coat ko

"Ano ba at kailangan mong takpan ang ulo ko?! Ang init kaya!"-inis na sigaw niya

Umirap ako. "For the sake of your eyes! For sure you never seen a man's body like that before! Bukod sa kuya mo!"-inis rin na sigaw ko

"Hoy anong hindi?! Ganoon na ba ako ka-inosente sa mga mata mong yan ha?!"-sigaw niya

Prosecutor is in-love with a Lawbreaker Where stories live. Discover now