💙Chapter 21💙

34 1 0
                                    

Iverson

"Iverson!"-tawag sakin kaya napamulat ako ng mata

'Nakatulog pala ako kakahintay kay Abrianna na magising.'

Nasa clinic parin kami ni Ericsson hangang ngayon. Napatingin ako sa wrist watch ko. 5 pm na pala. Atsaka ko nilingon ng nakakunot nuo yung tumatawag sakin.

Si Braxton? What the hell is he doing here?

"Hoy."-tawag niya ulit sakin sabay pitik sa nuo ko kaya napapikit ako at galit na tinignan siya

"What's your problem, moron?"-inis na tanong ko atsaka sinulyapan si Abrianna na nakaupo habang nakadiquatro at nagkakape... Suot niya ang trench coat ko-- suot niya?! Yeah nevermind.

"Kung hindi pa ko tinawagan ni Abrianna, hindi ko pa malalaman na nandito ka eh no? Tss. I called you 10 times but kahit isa hindi mo man lang sinagot, sleepy head."-inis na sabi niya

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. 10 missed calls nga. Binalik ko ulit yun sa bulsa. "Why did you call then?"-I asked

He frowned. "Your lola and lolo is looking for you and what's worst, sakin ka hinanap sa dami dami nating magkakaibigan... ako pa na nasa gitna ng investigation."-inis na sagot niya at napapailing pa

"Eh masyado ka kasing mabait sa kanila kaya ikaw agad ang naisip."-kamot batok na sabi ko

Tumingin siya sakin. "Mabait? Mabait pa ba ko sa lagay nato? Halos sumabog na ang ulo ko at umapoy na ang mata ko sa kakatawag sayo? Iverson."-he said

I let out a deep sigh. "Okay, sorry. Eh sa nakatulog nga ako eh! Is that really my fault? Diko naman akalain na makakatulog ako."-I said back

"No it wasn't kaya inis na inis ako sayo diba."-he said sarcastically as he roll his eyes

I let out a deep sigh again. "Okay, ihahatid ko na si Abrianna-"

"No need. Ako na ang maghahatid sa kanya and Wyatt will be the one to take care of her. Nandoon na siya sa bahay nila Abrianna."-putol niya sa sasabihin ko

"What? Ericsson said that I--"

"Yeah, sinabi ko kay Ericsson wala kang alam gawin baka araw-araw kayo mag-away ni Abrianna at walang maging improvement sa paa niya and besides you are a prosecutor not a doctor or nurse."-he cut me again with his words

"Teka naman! Tinuro na sakin ni Ericsson lahat kaya alam ko--"

"No! I said no. Kahit na tinuro pa sayo walang kasiguraduhan na magiging maayos yung treatment na gagawin mo sa kanya so It is better to be sure na si Wyatt nalang ang morning duty until 6 pm habang si Ericsson sa night to midnight duty 6 pm to 6 am."-putol nanaman niya sa sasabihin ko

Nasampal ako ng mga sinabi niya. Oo tama siya totoo yun wala akong alam at di rin ako siguradong tama ako kaya mas okay na yung ganun.

"Okay. I'll go to my grandmother's house."-sabi ko atsaka tumayo at inayos ang neck tie atsaka lumabas ng clinic pero napatigalgal ako ng biglang may humawak sa braso ko kaya napaharap ako

"Your trench coat..."-sabi ni Abrianna sabay abot sakin kinuha ko iyon at ipinatong muli sa balikat ni Abrianna atsaka siya nginitian "Sayo muna. Pag nagkita nalang tayo ulit atsaka mo ibalik."-nakangiti ngunit malungkot na sabi ko pero pinilit kong siglahan yung boses ko

Kumunot yung nuo niya. "Ayos ka lang ba? Medyo weird ang mood mo ngayon."-tanong at komento niya

Natawa ako ng mahina. "Mabait ako ngayon, ayaw mo ba?"-natatawang tanong ko

Prosecutor is in-love with a Lawbreaker Where stories live. Discover now